"Lagi kong tanong bakit si G." pinapakinggan ko lang siya. Wala akong masabi. "Kaya lang naman mainit dugo ko kay G dahil lagi kong nakikitang nakatingin siya sayo. Kada uuwi tayo at nasa yosihan sila hinahatid ka niya ng tingin papunta sa akin. Tuwing may mga gawain o kahit ano pa, lagi niya sinisiguro hindi ka ma left out. Ultimo lsat year, nung hindi ka sana makakasama sa camp dahil hindi pinirmahan ni mama mo yung form mo, siya gumawa ng paraan non. Lahat yun saksi ako. Lahat yun alam ko kasi nakikita ko. Pinapakita niya sa akin. Kaya naiinis ako kasi ginagawa niya yun habang may girlfriend siya. At habang girlfriend kita." kwento pa niya.
Fuck.
"Hindi ko sinasabi sayo para hindi mo siya mapansin." sabi pa niya. Nayakap ko si Ken. This time, alam kong wala na akong nararamdaman na talaga para kay Ken. Maybe this is the closure I needed. Iniiwasan ko kasi noon. "I'm sorry, Ken. Kung hindi ko kaya maging kagaya ng gusto mo. Tinry ko naman mag adjust eh. Tnry ko pumasok sa mundo mo. Kaso ikaw lang naging mundo ko eh." sabi ko sakanya. He hugged me back.
"Tingin mo, seryoso si G sayo?" tanong niya sa akin habang pinupunasan luha niya. "Hindi pa ako ganon ka kumportable magkwento, Ken." sabi ko sakanya. Tumango tango lang siya. "Friends?" tanong niya sa akin.
Nauumay nako sa friends na yan ha.
Tumango lang ako.
"Pwede kang magkwento anytime" sabi niya.
"Pag ako inaway ni Trish." sabi ko sakanya at sabay kaming tumawa.
Unang beses ulit namin magtawanan. Ang gaan.
Tinuloy na namin ang research hanggang mag 9:30pm. Nang matapos kami ay bumaba na kami para mahatid ko siya sa gate. Nagulat ako pag bukas ko ng gate nandun si G. "G" tawag ko sakanya. Nakatingin siya sakin at kay Ken. "Una na ako, Dan." sabi ni Ken sabay tapik sa braso ko at naglakad na palayo. "Bakit di ka nagsabi nandito ka?" sabi ko kay G. Tinaas niya phone niya. "Kanina pa ako nag chchat,tumatawag at nagtetext." sabi niya sa akin. Naalala ko yung phone ko naiwan ko sa sala. "Sorry. Naiwan ko phone ko sa sala." sabi ko sakanya.
"Okay na kayo?" tanong niya sa akin.
"Oo. Nakapag usap na din." sabi ko sakanya.
"Nagbalikan kayo?" tanong niya sa akin.
"Hindi. Closure lang ba." sagot ko sakanya.
Bigla niya ako niyakap. "Wag mo na ako pag alalahanin ng ganun, Dan." sabi pa niya. I hugged him back. Tightly. Mas naappreciate ko siya. Pero tae friends lang talaga ba kami?
"Bakit ka naman mag aalala?" tanong ko sakanya. Magkayakap pa rin kami.
"Kasi di ko alam kung ano ba ginagawa niyo. Baka nagsisigawan na kayo. Praning na kung praning. Baka di ko alam ano gagawin ko pag nalaman kong nasasaktan ka" mahina niyang sabi at naramdaman kong hinagkan niya ako sa ulo.
Ikaw nga nananakit sakin.
Bumitaw na siya sa pagkakayakap.
"Babalik na ako. Kailangan ko mag magdamagan dun eh. Si mama kasi" sabi pa niya. Naabala ko pa pala siya. "Di ka makakapasok bukas?" tanong ko sakanya. "Mamimiss mo ko?" tanong niya sa akin.
Apaka inconsiderate mo, Dan.
"Hindi ko sigurado, Dan. Sabihan kita agad." Sabi niya sa akin. Hinawakan niya kamay ko. "Ichat mo ako kung ano oras ka papasok at kung nasa school kana. Para kalmado lang ako." sabi niya sa akin at umalis na.
Taena ka G. Gulong gulo na ako sayo. Tapos bukas sasabihin mo wag kang gustuhin.
Kinabukasan nagising akong sobrang gaan ng loob ko. Nag ayos na ako para pumasok. Nag chat si G.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Novela JuvenilAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.