"Tahimik mo?" tanong sa akin ni Gab habang kumakain kami.
"Intern si Gika kung nasaan si G." sabi ko kay Gab. Nagulat siya. "Paano?" tanong niya sa akin. "Hindi ko din alam, Gab." sagot ko lang sakanya. "Nag eat out daw silang ka work niya. Hindi ko alam kung kasama si Gika." kwento ko sakanila.
"Eh, ti. Loyal naman yun si G." sabi ni Bea.
"Hindi yun gagawa ng hindi mo gusto, Dan." sabi din ni Gab. Pilit nila akong pinapakalma.
"Paano kung maging okay sila? Tapos marealize ni G na may feelings pa pala siya.." sagot ko sakanila as an overthinker.
"Ganon ba kababaw tingin mo sa boyfriend mo?" tanong ni Theo sa akin. "Don't let those thoughts suffocate you. You know him, right? You should know how much he loves you." dagdag pa ni Theo. Na speechless kaming tatlo. Nakatingin lang sakanya.
"What?" tanong ni Theo sa amin.
"Sumasang ayon ako sa hatol ng hukuman na ito" pabiro na sabi ni Gab. "Oo nga Dan. Alam mo kung gaano ka nun ka mahal diba?" sabi pa ni Gab. Tumango tango ako.
"Puntahan natin?" tanong ni Theo sa akin.
Hala gusto ko.
"Kaso may pasok pa tayo." Sabi ni Gab. "Ikaw meron. Kaming tatlo pwedeng wala." Pabirong sabi ni Theo. "Next time. We'll plan it ahead. Relax your thoughts, Dan." sabi ni Theo sa akin.
Pabalik na kami sa office nang makita ko myday ni G. Marami silang magkakasama pero wala si Gika. "Wala naman pala eh" sabi ni Bea. Nagulat ako at nakikidungaw pala siya sa phone ko.
"Eh pano kung nagtago lang?" tanong ko kay Bea.
"Ang likot ng imagination mo eh no?" sabi ni Theo habang tumatawa. "Kung ako boyfriend mo, maffrustrate din ako sayo." biro ni Theo. Tumahimik na lang ako.
G: Hey.
Me: Yep?
G: Hindi namin kasama si Gika. May sumundo sakanya.
Me: Ha?
Paano nalaman ni G?
"Sinabi mo ba kay G Bea?" tanong ko kay Bea. Umiling siya. "Tanong ko Gab." sabi pa niya.
G: Kung kasama naman siya di ako sasama.
Me: Okay lang naman eh
"Di daw sinabi ni Gab." sabi ni Bea.
G: Bakit pakiramdam ko nag woworry ka?
"Nakutuban lang niya." sabi ko kay Bea.
"See? He knows what he's doing. Tapos pag iisipan mo ng masama" singit ni Theo. Okay. Kakalma na ako.
Nag work na kami ulit. Ang tagal matapos ng araw. "Hey." tawag sakin ni Theo. Tumingin lang ako sakanya. Umiling lang siya. Tumayo siya at pumunta sa station ni Bea. Sinilip ako ni Bea. Ano kaya pinag uusapan ng dalawang to? Pag balik ni Theo sa upuan niya na may kausap na sa phone niya. "Hatid mo dito yung Chev ko. Main building nila mama. Sharp 5pm." rinig kong sabi ni Theo.
Nag uwian na. Pag baba namin ni Bea sa tapat ng office andun na agad si Gab. "TGIF" sabi niya sabay ngiti. "Maaga out mo?" tanong ko sakanya. Kinindatan ako ni Bea. "Huy kayo ha. Makasanayan niyo yan" saway ko sakanila. Maglalakad na sana ako nang awatin ako ni Gab at Bea. "TGIF nga eh. Antayin natin si Theo." sabi ni Gab. Tinaasan ko ng kilay si Gab. "Akala ko ayaw mo sakanya?" tanong ko sakanya. Ginulo niya buhok ko. "Ang sabi ko, ayoko ng kumplikado. Pero di ko sinabing ayoko kay Theo." sabi niya at nakarinig na ako ng busina. This time, si Gab umupo sa tabi ni Theo.
"Ang dami mo namang kotse" sabi ni Bea.
"Kay mama yung kanina. Eto, bunsong baby ko to. Ngayon lang makakalabas." Sabi lang ni Theo. "Sino sino ba mga susunduin?" tanong ni Theo. Nagtaka ako. Sinabi nila mga workplace nila Tofi, Mae, Ken at G.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Teen FictionAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.