Chapter 18

9 3 0
                                    

Naging official kami ni G.

Right after namin kila Gab tumambay muna kami sa 7/11 ni G. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Umupo na ako at inaantay si G dahil bumili siya ng makakain at maiinom.

"Happy?" tanong niya sa akin while smiling. Umupo siya sa harap ko. "Alam mo yung pakiramdam na after all the pain, ang sarap na sa pakiramdam. Pakiramdam ko nanalo ako." natatawa kong sabi sakanya. Natawa rin siya. "Did I caused you pain?" he asked. Uminom ako sa C2 na binili niya. Tinignan ko siya. Alam kong may halong alak na pag iisip ko ngayon.

"Kasi nga kung umasta ka para kong boyfriend ko. Pero lagi mo pinapamukha sa akin na friend mo lang ako. Plus, sabi mo pa wag kita gustuhin." sabi ko sakanya.

"Kasi uninterested ka sakin." sagot niya. "Everytime na tinatanong kita o kaya may chance para malaman ko kung gusto mo ako, sinasabi mo laging magkaibigan naman tayo." dagdag niya pa. "Eh kasi sabi mo lagi wag kitang gustuhin." sagot ko kaagad sakanya.

"Hindi naman ako selfish, Dan. Sinabi ko iyon para di ka maconfuse kasi galing kang break up kay Ken. Ayoko naman na isipin mo na ginagawa ko lahat ng yun para sa akin. Kasi baka mamaya, mahal mo pa naman si Ken talaga. Tapos nagugulo kita." sabi niya sa akin.

"Eh actions mo kasi." sabi ko sakanya.

"Hindi ko mapigilan eh. Nung time na sinabihan mo akong wag ka na ihatid mismo sa gate niyo, na wag ko na gawin yung mga bagay na ginagawa ko sayo, di mo alam gaano kasakit sakin yun." pag kwento niya. "And nung time na buong araw kami halos magkadikit ni Gika, I was waiting for you to do something like what I always do when someone is around you. Para malaman ko kung may chance ba talaga ako. Kaya tuwang tuwa ako nung time na sinabihan mo si Gika na uuwi ka sa bahay ko." dagdag pa niya.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon, Dan. I love you." sabi niya.

Natutunaw na ako.

"I love you, G." sabi ko sakanya. He smiled. "That's the first." sabi niya at hinagkan kamay ko.

Sabay kaming pumasok ni G sa school kinabukasan. Masakit ulo malala. Pero ikaw ba naman ka holding hands mo si G papansinin mo pa ba sakit ng ulo mo? Alam kong nakapag hhww na kami sa school before pero iba yung may label pala talaga ano. Si G 2nd boyfriend ko. Sana hanggang dulo na talaga.

Bibitaw na sana ako sa pagkakahawak sa kamay kay G ng makita ko si Gika sa room. Pero hinigpitan ni G hawak sa kamay ko. Nakatingin lang si Gika. Biglang ngumiti.

"Congrats!" bati niya kay G. Hindi lang siya inimik ni G at umupo na kami. Magkatabi. Si Gika nasa left side niya habang ako nasa right side.

"Ikaw ang legal. Pakita mo kung sino ka" bulong ni Bea sa akin. Ang dami niyang tanong kay G. Tahimik lang ako.

Lunch na at nasa lobby na kami. Nag iisip kung saan kami kakain.

"Naiwan ko ata wallet ko sa room. Dan, samahan mo ko." sabi ni Gika sa akin. Tinignan ko si G. "Ako na lang." sabi ni G.

"Ako na." Sabi ko at lumakad na kami ni Gika.

"What's the feeling na boyfriend mo na ang ex ko?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami.

Hindi ganito first impression ko sakanya kasi parang ang bait bait niya nung una naming kita. "Wala naman na kayo ngayong naging kami." sabi ko sakanya. Pumasok na kami sa room at pumunta siya kung saan siya naka upo kanina. "Uy eto." sabi niya at may kinuha sa gilid ng upuan at pag angat niya naka middle finger siya sa akin. Kinabahan ako. Dahil walang tao sa room. Pero may mga dumadaan sa hallway.

"Gika." mariing tawag ko sakanya.

"I was so genuine to you at first, Dan. Alam mong gusto kong balikan si G. I told you my intentions. I asked you din. Pero, you lied straight to my face." malakas ang boses ni Gika at mukhang galit na galit siya. Papalapit siya sa akin. "Alam mo kung saan ako mas nagagalit? You made me look bad. Sa akin ka lang na curious kung ano feeling mag smoke? Wow." sabi niya pa. "Ginawa mo yun para mag mukha akong masama kay G diba?" galit na galit niyang sabi habang patuloy na lumalapit sa akin. "Do you want to know what happened nung gabing pumunta si G sa amin?" she said and smiled.

Tayo? Minsan oo, minsan hindi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon