Hindi ko nilinaw sakanya kung ano ibig sabihin niya sa 'I'm all yours' niya. Dito ako natulog dahil wala namang pasok bukas. Sinabi ko kay mama na kila Bea ako. Nagbihis na ako dahil nag aaya si G kumain.
Mag aalas onse na ng gabi. Pinahiram niya ako ng boxer at shirt niya. "Kay mama na tsinelas muna suotin mo." sabi niya sakin at tinuro ang tsinelas ni mama niya. "Saan tayo?" tanong ko sakanya habang naglalakad kami. "Saan mo gusto?" tanong niya sa akin. "Jollibee." Sagot ko sakanya ng nakangiti.
"Yung malapit sa school lang may jollibee dito." sabi niya sa akin. "Sige ba" dagdag pa niya. Hinawakan niya kamay ko.
Girl. Hinawakan niya kamay ko at holding hands while walking kami. Pero ano na ba kami? Natatakot kasi akong iba yung ibig niyang sabihin. Natatakot ako na baka hindi ko gusto yung sagot na sasabihin niya. Nag commute kami. Naka boxer ako. Galing. Gabi naman na so what?
Nakarating na kami sa jollibee. Hinintay lang namin order namin at umakyat sa 2nd floor para kami lang yung tao. Nagulat kami ng makita si Gab at Bea na magkasama. Hindi naman sila magkatabi. Magkaharapan sila at tumatawa sila. Nagkatitigan kami ni G at tumawa. Lumapit kami sa kanila. "Date ba to?" nagulat sila sa tanong ko. Nanlaki mata ni Bea. "Date ba to?" tanong ni Bea na parang na back to you ako. Natawa kami parehas. Umupo ako sa tabi ni Bea dahil apatan ang inuupuan nila si G naman katabi ni Gab.
"Nag crave lang naman ako. Di kayo nag rereply sa gc. Kaya pinem ko si Gab" sabi ni Bea sakin. "Eh kayo? Bakit kayo magkasama?" tanong niya sa akin at halatang nang aasar siya. "Suot mo pa tshirt ni G. Wag mo itanggi favorite niya yan" dagdag pa niya pa. "Sa bahay siya mag oovernight." si G ang sumagot kaya naawa ako sa kaibigan ko. Parang aatakihin sa puso. Kumain na kami ni G kasi sila Bea tapos na kumain ata.
"Huy. Don't tell me sinuko mo ang bataan kay G?" binulong sakin ni Bea. Maubo ubo ako dahil umiinom ako ng iced tea ng sabihin niya iyon. "B!" saway ko sakanya. Nang matapos kami kumain nag aya yung dalawa na pumunta muna sa tindahan na bukas para makapag yosi sila. Umoo kami. Sila Gab at G ang magkasabay maglakad habang ako at si Bea.
Kinuwento ko sakanya kung kailan first namin at yung kanina. Sinabi ko rin sakanya yung 'Im all yours' ni G. Inaawat ko siyang wag mag react. "May liwanag, Dan!" sabi na lang niya. "Mag smoke ka ba?" tanong ni G sa akin. Umiling ako. Tumawa lang siya. "Kanina parang chain smoker ka eh" sabi niya pa. Nahihiya na lang ako. "Sure na ba ito, Dan?" tanong sa akin ni Bea. "Ayaw ko muna isipin, B." sabi ko sakanya. Niyakap niya ako. "Kaamoy mo si G. Ew." reklamo niya at humiwalay sa yakap. Nag paalam na kami kila Gab at Bea. Bumalik na kami sa bahay nila G.
"Nag ssleep over kaba kila, Ken?" tanong ni G sakin. Umiling ako. "Hindi. Wala naman akong maipapalusot na kaibigan ko noon." sabi ko sakanya. Tumango lang siya. "Matagal ng gusto ni Gab si Bea." kwento ni G. "Totoo?" halos di ako makapaniwala.
"Sinong tao ang aalis ng bahay ng gabing gabi samahan lang yung kaibigan niya?" sabi niya sa akin. Tumaas kilay ko. "Ikaw." sabi ko sakanya. Napatingin siya sa akin. Natawa siya. "Matulog na tayo." sabi niya.
Gaano ba kahirap mag sabi ng feelings, G?
Natulog na kami.
Mag kayakap.
Nagising ako dahil may gumigising sakin. "Dan." rinig kong tawag ni G. Napadilat ako. Hindi panaginip ang lahat. "Almusal na." alok niya sa akin. Bumangon ako at nag hilamos sa cr niya. Nag suklay na din. Sabay kaming lumabas ng kwarto.
"Good morning" bati ni mama niya sa akin. Nahihiya ako.
Sabay sabay kami kumain ng almusal.
"Gaano na kayo katagal ni G?" tanong sa akin ng mama niya. "Ay h--" di pa ako tapos sumagot nagsalita na si G. "Ma sabi ko wag mo tanungin" saway ni G kay mama niya. Parehas silang natawa. "Sorry. Nalimot kong di niya pala alam na girlfriend mo siya." sabi ng mama ni G.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Teen FictionAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.