"Bilisan mo mag drive" sabi ko kay Theo.
"Why do I feel that we're trying not to get caught by your husband?" patawa tawa niyang sabi.
"Wag sa tapat ng bahay ko!" sabi ko sakanya at nagpababa sa may kanto lang. "Hey. Wala akong alam dito ha. Malinis ang konsensya ko" sigaw ni Theo at tumakbo na ako pauwi sa bahay. Dali daling nag bihis at nag ayos.
After 30 mins. Nag chat na si G na nasa gate na siya. Bumaba ako agad at niyakap siya.
"Sarap naman ng yakap na yan" sabi niya sa akin. "Happy monthsary, love" sabi niya.
Kung nakakamatay lang ang pagiging guilty, patay na siguro ako. Nakalimot ako. Monthsary namin pero si Theo kasama ko kumain sa labas kanina. "Akala ko nakalimutan mo" sabi ko sakanya para kunwari di ko nakalimutan.
"Inadvance ko lang baka kasi di ko maalala bukas" sabi niya.
AYOKO NA. ANO BA.
"Ikaw ata ang nakakalimot ah" sabi niya sa akin. "It's okay. Di naman natin sine celebrate lagi. Pero iba kasi ngayon, magkalayo tayo eh. Parang worth it siya icelebrate." sabi pa niya. Niyakap niya ako ng mas mahigpit.
Inaya ko siya sa loob ng bahay. Pinakain kami nila mama. Nakailang dasal ako na sana wag sabihin ni mama na kakauwi ko lang. Buti at di niya sinabi.
Nakahiga si G sa kama ko at ako naman ay nag aayos ng labahin. "Nag aaya sila ng La Union." sabi ko sakanya. "I don't think I can, Dan." sabi niya sa akin. Tinignan ko siya. "Uuwi kami sa Cebu next week. Gusto ni mama magbakasyon dun." sabi niya pa. Natigil ako sa ginagawa ko at umupo sa tabi niya.
"If you want to go with them, pwede naman." sabi niya pa sa akin. Niyakap ko siya. "Ilang araw?" tanong ko. "Thursday to Sunday. Sunday night kami uuwi." sabi niya sa akin. Hinagkan niya ulo ko. "I tried to convince mama na isama ka. Kaso kasi sabi niya, 'marami naman kayong oras ni Dan para magsama, kami muna ni papa mo sana' natatawa nga ako eh. Pero it doesn't mean na ayaw ka nila kasama ha? Kilala mo naman si mama." pag papaliwanag niya.
"Kaya kung sasama ka sakanila, okay lang naman sa akin." sabi niya pa.
"Tingin mo pupunta ako dun kung wala ka?" sabi ko sakanya. Tumango siya. "Kaibigan ko ang mga kaibigan mo. Hindi lang dapat sakin umikot mundo mo. Baka mag sawa ka kaagad niyan sige ka" biro niya sa akin. "I trust you and I trust our friends na walang mangyayaring di ko gusto."
Mga 12 na umuwi si G. Nakatulog akong may ngiti sa aking mga labi. Dumaan ang mga araw na parang usual lang.
Naka alis na sila G at fam niya kanina. Ngayon naman ay kami na ang pupunta ng La Union. "Si Gika?" tanong ko sakanila. Sabi kasi nila sasama si Gika.
"Umuwi daw sa probinsya biglaan. Pero susunod daw baka sa sabado" sabi ni Tofi.
Habang inaayos nila ang mga gamit sa sasakyan ni Theo. Nakita ko si Theo sa gilid. Hindi mapakali. Lumapit ako.
"Okay ka lang?" tanong ko sakanya.
"Yeah. Pero grabe pala no? Yung katawan ko ata may trauma papuntang La Union." pinilit niyang tumawa. "Wag na kaya?" sabi ko sakanya. Hinawakan niya kamay ko.
"Sayang. Excited na sila." sabi niya. Ang lamig ng kamay niya. "Sa harap ka umupo. If I get uneasy, snap out of me" sabi niya sakin at pumunta na siya sa sasakyan niya.
Sumakay na ako sa harap.
"Huy. Ako na jan" sabi ni Ken pag bukas ng pinto. "Yari tayong lahat kay G" sabi pa niya. Umiling ako. "Dito na lang ako. Partner partner kayo jan sa likod eh" natatawa kong sabi. Tumango lang si Ken at sumakay na katabi si Trish.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Teen FictionAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.