Chapter 6

14 5 0
                                    

Dumating na ang boys na may dalang mga pagkain. Inabot sakin ni G iced coffee ko at tumabi sakin.

"Di mo sinabi kung black or blended ba kaya sabi ko yung best seller kasi the best yung pagbibigyan ko" sabi niya sa akin. Natawa ako literal. Natawa rin sila kay G.

"La? San nang gagaling yun G?" pang aasar ni Tofi kay G. Kumain na muna kami. Nagtatalo talo sila kung gagala na ba kami or papahinga muna kasi mag gagabi na rin naman na.

"Sayang naman 3 days and 2 nights lang tayo eh. Dapat simulan na ang gala ngayon" Sabi ni Gab.

"Paano tayo gagala kung nabugbog tayo sa byahe? Mag rarant lang tayo ng mag rarant." Sagot naman ni Bea.

"Ganito, much better kung pahinga muna tayo tonight. Tapos gawa tayo itinerary para bukas para naka schedule na mga pupuntahan natin" suggestion ko sakanila. Biglang tinabihan ako ni G at inakbayan. "Kaya sayo ako eh" sabi niya. Siniko ko nga.

"Buti na lang may isang matalino sa atin no?" Sabi ni Tofi.

"Nomnom na lang muna ngayon para di sayang oras" Masiglang sabi ni Gab.

"Kung mag iinom, pag nagka hang over, sayang plans for tomorrow kasi tatamarin" sabi ko sakanya.

"Ay pag ganyan KJ na tawag jan" sabi ni Tofi. Sinaway naman siya ni G.

"Pwede po bang mag inom konti lang? Hindi po maglalasing." Malambing na sabi ni G habang parang niyayakap yakap niya ako dahil naka akbay siya sa akin. Umirap ako at ngumiti. "Basta konti lang at kayo bibili sa labas." sabi ko at bigla siyang tumayo at inaya na ang boys lumabas.

"Mga energetic" sabi ni Bea.

Ano kaya pinag uusapan ng boys no? Na ccurious ako.

Nakabalik na sila at nag simula na silang mag inom. Nung una ayaw ko pero napilit ako nila Bea. Sa sala lang kami. Unluckily, walang tv. Kaya puro chika lang.

"Uy sorry to ask ha? Pero kasi nakita ko comment ni Ken sa post ni G." Sabi ni Gab. Napatingin ako agad sa phone ko at hinanap comment ni Ken. Link siya. Clinick ko at napunta ako sa youtube. Bumalik ka na sakin ng silent sanctuary yung kanta.

Di ko alam kung anong irereact ko.

"Wag ka muna kiligin may tanong pa ako eh" sabi ni Gab. "Pag binalikan ka, babalikan mo? Sayang 5 yrs eh no?" dagdag niyang tanong sakin. "Sa ngayon, wala sa isip ko makipag balikan sakanya eh. Parang mas okay naman ako pag wala siya" sagot ko sa tanong ni Gab.

"Pero nagmamadali ka tignan yung comment" sabi ni G.

"Curious lang ako" sagot ko.

"Question, Dan." sabi ni Bea.

"Tapos na tayo sa inuman na si Ken yung topic ah?" singit ni G.

"Eh bakit ba? Sige tungkol na lang kay Gika" Pang aasar ni Bea kay Ken

"Okay lang, oh ano tungkol kay Gika? Kung babalikan ko? Depende kung babalikan niya ako" sabi ni G. Binato siya ng unan nila Bea at Mae. "Boring ng story mo. Balik tayo kay Dan. Nabigay mo ba kay Ken yung ano.." sabi Bea.

"Ano?" tanong ko sakanya

"Yung alam mo na" sabi niya parang hirap na hirap sabihin ang word. Though gets ko naman.

"Virginity? No." sagot ko kay Bea.

"Ah, open minded ka naman pala." Natatawang sabi ni Bea.

"Weh? No? Sa 5 yrs?" tanong ni Mae

"Ano lang ginagawa niyo?" tanong naman ni Gab

"Mama Mary pala to" sabi naman ni Tofi

"Pero inaaya ka niya or dumating ba sa point na muntikan? Sino nag decide not to do it?" Tanong pa ni Bea sa akin.

Tayo? Minsan oo, minsan hindi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon