Magka titigan lang kami ni G siguro 2 mins. Nang makalapit na siya ng tuluyan sa akin ngumiti siya.
"Bakit?" tanong ko sakanya.
"Kamusta ka?" tanong niya sa akin. Natawa ako. "Buong araw tayo magkasama." sagot ko sakanya.
"Pero di mo naman ako kinakausap" sabi niya sabay tingin palayo.
Kasi hindi mo naman ako kinakausap, G.
"Magkakasama naman tayo." sabi ko sakanya.
Biglang bumukas yung gate. Si mama. "Nak. Pupunta lang ako kila tita mo kasi may pinapagawa lang sa akin. Si papa mo baka mag ot. May pagkain ka naman jan" nagbibilin si mama. Tumingin siya kay G. Tinitigan ako ni mama.
"Iba taga sundo mo sa umaga iba rin taga hatid sayo ng hapon. Aba, Danielle" sermon ni mama. Natawa si G. "Pag may kotse na po ako. Ako na po hatid sundo" pabirong sabi ni G kay mama. Natawa lang si mama. "Sige na. Tawag ka na lang nak" sabi ni mama sa akin at nag lakad na palayo.
"Mag isa ka lang?" tanong ni G.
"Oo." sagot ko.
"Edi samahan na muna kita habang wala pa si papa." sabi niya. "mo" dagdag niya pa.
Mga banat mo G ayusin mo.
"Wag na. Baka hanapin ka na" sabi ko sakanya. Bigla niyang nilabas phone niya at pinakitang tinatawagan niya si mama niya. "Ma. Baka gabihin ako ha? Samahan ko kasi si Dan dito sakanila mag isa lang eh." pagpapaalam niya kay mama niya. "Katok na lang ako, ma." sabi pa niya at binaba ang tawag. "Di ako hahanapin." sabi niya sakin sabay ngiti. Napailing na lang ako. Pumasok na kami sa bahay. Pinaupo ko siya sa sofa at kinuhanan siya tubig. Inabot ko sakanya. "Bihis lang muna ako" sabi ko sakanya at umakyat sa kwarto ko.
Napabuntong hininga ako.
Bakit parang kuntento na ako na ganto lang kami?
Nagbihis na ako at bumaba na ulit.
"Si Ken ba okay lang pumunta dito kahit kayong dalawa lang dati?" bungad niyang tanong sakin. Tumabi ako sakanya. "Oo." simpleng sagot ko sakanya. "Anong ginagawa niyo?" tanong niya sa akin. "Usap. Or minsan maglalaro siya sa phone ako magbabasa or manunuod" sabi ko sakanya.
"Yun lang?" tanong niya sakin at ngumisi ng nakakaloko. Hinampas ko nga ng throw pillow mukha niya. "I told you. Kiss hug and holding hands lang talaga." nahihiyang sabi ko sakanya. "Okay." sabi lang niya.
"Eh kayo ni Gika?" tanong ko sakanya.
"Pag kami lang?" natatawa niyang tanong sakin. "Wag mo ng sagutin." sabi ko lang sakanya. "Pwede ko naman ikwento ng detailed." pang aasar niya. Tinakpan ko tenga ko. "No, G." sabi ko lang sakanya.
Binuksan ko TV at nag lipat lipat kung anong magandang panoorin. Nagulat ako ng hawakan niya kamay ko. Nakipag holding hands siya.
My heart is pumping fast. Sinusubukan kong inormal paghinga ko. Hindi ko magawang alisin kasi gusto ko din..
Promise. Kung ngayon lang to, sulitin ko po muna please.
Hawak lang niya kamay ko habang nag pphone siya.
"Kinausap ako ni Tofi. Gusto ka daw niya. Tinatanong niya ako kung gusto kita." sabi niya. Naibaba ko yung remote at pinakinggan siya. "Tapos?" tanong ko sakanya. "Gusto mo ba siya?" tanong niya sa akin.
Sana sinagad mo na yung kwento. Sana sinabi mo kung ano sinabi mo.
"Kaibigan natin yun, G." sabi ko sakanya. Bibitaw na sana ako sa pagkahawak ng kamay niya sa akin. "Gusto mo ba siya? Para iiwas na ako sayo." sabi niya sa akin. Tinignan ko siya. "No." sagot ko. Ngumiti siya at hinagkan ang kamay ko.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Fiksi RemajaAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.