Nag tuloy kami sa inuman at nagpapanggap na walang nangyari. Parehas tahimik si G at Theo. I looked at Theo. Katabi ko parin si G.
"I'm so jealous of how you look at him, Dan." bulong ni G.
Pinipigilan kong tulo luha ko.
Masakit dahil nasasaktan ko si G.
"Uwi na ako. Nag text si mama may kailangan kami puntahan mamayang 5am." sabi ni G at tumayo na at nakipag kamayan kila Gab at Tofi. "Magtataxi ka?" tanong ni Gika. Tumango tango si G. "I can give you a ride home." sabi ni Theo. Umiling si G. "No thanks, Theo." sabi ni G.
"Pero nakainom ka. Dala ko naman kotse ko. Ako na maghahatid sayo. Sasama ka naman di ba, Dan?" tanong sakin ni Gika. "She'll stay, Giks. Ako lang ang aalis." sabi ni G. Tinignan ako ni Gika at tinignan din niya si Theo. "Ako na maghahatid sayo" sabi ni Gika. Pinilit pa siya ng lahat na magpahatid kay Gika. Gika keeps on asking me kung okay lang tumatango lang ako. Nagpipigil na ako ng luha. Nang maka alis si Gika at G napaupo na lang ako at umiyak na. Niyakap ako agad ni Mae at Bea. "Shh..." pagpapatahan nila sakin.
"Parang tanga to. Sana sinabi mo sakanila na nagseselos ka. Tas ngayon iiyak iyak ka" sabi ni Tofi pero niyakap paren niya din ako. "Manahimik ka" saway ni Mae kay Tofi. Lumapit na rin si Theo. Nasa harap ko siya. Umupo siya para mapantayan ako. Hinawakan niya mukha ko.
"I'm sorry if I caused this trouble, baby" sabi ni Theo. "I'm here. I'll always be here." dagdag niya pa. Parang magic word dahil kumakalma ako.
"Wait." sabi ni Tofi.
"Tangina" tanging nasabi ni Gab at tumayo siya.
"Pakilinaw nga sakin anong nangyayari" sabi ni Gab. "Babe, ako mag eexplain" sabi ni Bea. "Alam mo?" tanong ni Gab kay Bea. "Alam niyo?" tanong ni Gab at tinuro din si Mae. "Alam niyo ba kung anong mararamdaman ni G? Betrayal. Betrayal ng mga taong malalapit sakanya. Kung sino pa mahahalaga sakanya yun pa ang sumaksak sa likod niya." sabi ni Gab at kinuha gamit niya at umalis. Hinabol siya ni Bea.
"May halong alak yon. Bukas okay na din yun si Gab. Oh dali ano chismis" sabi ni Tofi. Binato siya ni Mae ng throw pillow. "Kailan ka ba mag seseryoso?" tanong ni Mae sakanya. Tumabi sakin si Theo. "Magiging okay din ang lahat, Danny." sabi niya pa sakin.
Dito na rin nag stay si Tofi at Mae muna. Pero nakatulog na sila sa sofa. Habang kami ni Theo nasa veranda pa rin.
"Medyo okay ka na?" tanong sakin ni Theo. Ininom ko isang basong tubig na inabot niya sa kin. Tumango tango ako. "What do you feel now? Gusto mo ba siya ichase? Mas mahal mo ba siya?" tanong niya sa akin. "I want to know. I want to know kung worth it ba tong pag sacrifice mo. Kasi kung mas mahal mo siya at naawa ka lang sakin, chase him. Ayokong ako dahilan bakit ka umiiyak. Ayokong mag regret ka. Ayokong maging regret mo." dagdag niya pa. "Nappraning ako kasi di ko alam ano iniisip mo ngayon. Nasasaktan ako na nasasaktan ka at mas masakit sakin kasi ako yung dahilan bakit ka nasasaktan ngayon." sabi niya pa. I kissed him.
"Ang dami mong sinasabi, Theo. Nag eemote ako eh" sabi ko sakanya. Natahimik siya. Para siyang nagulat. "Wow. Ang dami kong sinabi. Yan lang isasagot mo?" tanong niya sa akin. "Nasasaktan ako dahil naka sakit ako. I love you, Theo." sabi ko sakanya. Ngumiti siya at hinalikan ako. Binuhat pa ako papunta sa kwarto. And it happened.
It's been a week. Hindi ko masabing normal na ang lahat dahil alam kong hindi. Sabi ni Bea okay naman na daw kay Gab pero di ako iniimik ni Gab pag sinusundo niya si Bea. He's loyal to G after all. Hindi rin nag paparamdam si G sa akin. Tinatanong ko sarili ko kung namimiss ko ba si G pero hindi eh. Nasasaktan ako dahil nakasakit ako. Hindi ko rin alam kung ano na kami ni Theo. Siguro kami na pero walang nagtatanong kasi kung kami na ba talaga officially.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
أدب المراهقينAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.