Chapter 15

10 5 0
                                    

"Kamusta?" tanong ni Gab kay Gika. Ngumiti lang si Gika.

"Sinukuan ka na ng school mo no?" birong sabi ni G kay Gika. Shet. I feel so small. Parang di ko kayang panoorin silang nag uusap. "Baka sa monday maging kaklase ko kayo sa isang sub. Irreg kasi ako dahil transferee." sabi ni Gika sa amin.

How to escape?

"Wala na ba kayong class?" tanong ni Gika. Umiling kaming lahat. "Hay. May isang class pa ako pero first day ko naman so baka pwede ma excuse. Tara gala!" aya ni Gika. "Bad girl" sabi ni G at inakbayan si Gika. "Saan?" nakangisi niyang sabi.

Tangina.

Uuwi na lang ako kesa ganito. "Sama kayo?" tanong ni Gika samin. "If wala si Dan, its a no for me" sabi ni Bea. Nakita ko ang pag aalala ng mga kaibigan ko sakin. Halatang di nila alam gagawin nila. Mula kay Bea hanggang kay Gab. Si G lang naman ang walang alam. Ngumiti ako. I promised di ko hahatiin tong pagkakaibigan nila. "Game." sabi ko lang. Nakita kong mas lalo silang nabahala.

"Dala ko car ko." sabi ni Gika. Akbay akbay pa rin siya ni G. Habang naglalakad kami sa papunta kung saang lupalop man naka park si Gika nakasalubong namin si Ken at mga kaibigan niya. Napatingin siya kay G at Gika.

"Uy Ken!" ako ang nagulat kay Bea. Tinawag niya si Ken. Nag tuloy sila maglakad maliban samin ni Bea at Mae. Huminto si Ken. "Uy." Sabi niya kay Bea. "Wala ka na class?" tanong ni Bea sakanya. "Wala na. Lalaro lang sana kami comp shop" sabi lang ni Ken. "Tara sama ka" nanlaki mata ko dahil inaya ni Bea si Ken. "Huy, Bea ano ka ba?" suway ko kay Bea. Ngumiti lang si Bea. Tumingin si Ken kay G at Gika na naglalakad. "Sige.." sabi lang ni Ken.

"Pass muna ako ngayon. May irerescue lang." sabi ni Ken sa mga kaibigan niya. Nagpaalam na sila. Nag lakad na kami kasunod nila G. Nang makarating kami sa kotse ni Gika. Napatingin si G kay Ken. Pati si Tofi at Gab naguguluhan. Tinuro ko si Bea. Napa tango na lang si Gab at nag thumbs up. "Uy. New friend niyo?" tanong ni Gika. "Ex ni Dan. Na friend na rin namin." sabi ni Mae. Mahal na mahal ko tong mga to. Napatawa ng mahina si Ken. Sa harap umupo si G. 8 seaters din naman kotse ni Gika. Pinag gigitnaan ako ni Ken at Bea. "Ano bang pinag gagawa mo?" bulong ko kay Bea. "Walang talunan sa pamilyang ito" pabirong sabi ni Bea sa akin. Alam kong naiilang si Ken.

"San tayo?" tanong ni G kay Gika.

"Hmm.. San mo ba gusto?" tanong naman ni Gika kay G.

"Dating gawi" sabay nilang sabi at tumawa.

Hinawakan ni Bea kamay ko. Tinignan ko lang siya.

"Akala ko girlfriend mo si Dan." nagulat ako ng tinanong ni Gika si G. At mas lalo akong nagulat dahil lahat sila nag si ubuhan. Sumabay pa tong si Ken. Tinitigan ko silang lahat ng masama. Natatawa sila. "Hindi." simpleng sagot lang ni G. Tumahimik lang kami. "Eh? Kung ipakilala mo si Dan nung nagkita tayo parang proud boyfriend ka." biro ni Gika. "Uy. Baka may something talaga sainyo ha? Tapos mag away kayo because of me." sabi pa ni Gika. "Wala." sabay naming sagot ni G. "Chorus" biro ni Gab.

Nakarating kami sa parang bakanteng lote na sobrang lawak. Para na ngang siyang park kasi may bilang na benches. May mga puno para sumilong. "Hideout namin ni G to dati. Dito kami lagi dati" pagkkwento ni Gika. Umupo kami sa ilalim ng malaking puno. "Hindi siya pasyalan. Pero kasi pag andito kami, nakakapayapa ng utak. Di ba, G?" sabi ni Gika kay G at tumango tango lang siya. Huminga ako ng malalim.

Kung araw araw ganito, hindi ko alam gagawin ko. Tumabi sa akin si Ken. "Sakit?" pang aasar niya sakin. Inirapan ko nga. Pinapanuod namin kung paano maging bata sila Gab, Bea, Mae at Tofi. Mga nag hahabulan. Nakatanggal pa ang mga sapatos. "Tayo na lang ulit?" pabirong sabi ni Ken. Medyo may distansya si G at Gika. Nakahiga si Gika sa lap ni G. Tumingin na lang ako sa malayo. "Magiging okay pa naman kayo ni Trish diba?" biro ko kay Ken. "Oo. Okay naman na kami. Yun nga lang pag nalaman niyang kasama kita mag aaway nanaman kami nun panigurado." natatawang sabi niya. "Eh bakit ka kasi sumama?" tanong ko sakanya.

Tayo? Minsan oo, minsan hindi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon