FINALE

10 2 0
                                    

Tumawag ako agad kay Theo para mag pasundo. Wala pa sigurong isang limang minuto tumawag na agad si Theo na nasa harap na siya. Sumakay ako agad.

"Hey, what happened?" tanong niya sakin. Umiyak lang ako. He hugged me. Binubusinahan na siya kaya umandar muna siya at huminto muna sa gilid. Niyakap niya ako ulit. Hinayaan lang niya ako umiyak. "Andito lang ako" sabi niya. Parang magic word na napatahan niya ako. Pinunasan ko na luha ko. Tinignan ko siya. Pinag masdan ko si Theo. Nakatitig lang din siya sakin.

"Na realize mo na ba na si G talaga?" tanong niya sakin.

Umiling ako. Hinawakan ko kamay niya. "Na realize ko na mahal talaga kita, Theo." sabi ko. Niyakap niya akong muli. "I love you more, Danny. I love you." sabi niya.

Nang maihatid ako ni Theo sa bahay nag scroll lang ako. Nakita kong nag change profile pic si G. Yung pic niya sa Tagaytay mag isa sa slow down na signage. Caption niya ay 'I'll be where you left me. Waiting'

G's P.O.V

Pagkatapos namin mag usap ni Dan bumalik ako sa loob. Sinalubong ako ng mga kaibigan ko. Si Mae at Bea umiiyak. "Huy bat naman kayo umiiyak?" tanong ko sakanila. "Sorry, G. Kasi di namin na save yung relationship niyo ni Dan" sabi ni Bea. Niyakap ko sila. "I am no longer her happiness. Wala kayong kasalanan ano ba kayo?" sabi ko sakanya.

Sobrang sakit.

Kahit kailan hindi ako nakaranas ng ganitong heartbreak. Sadly, naiintindihan ko nararamdaman niya. Ang rason kung bakit ako nakipag hiwalay kay Gika noon ay dahil nagugustuhan ko na si Dan. Kahit alam kong may boyfriend si Dan noon. Hindi ako lumalapit. I patiently waited. I waited for a chance. And when I had the chance, I grabbed it. Naalala ko nung nakita ko siya sa centris. Nung pinanuod ko siyang pinapanuod si Ken. I know that was my chance. Kaya inabangan ko talaga siya sa school noon. I made her need me. I made her want me. Pero at the same time, sinasabi kong wag niya ako gustuhin para hindi siya maguluhan. Para di siya ma confuse kung gusto na ba niya ko o nagugustuhan niya lang ako dahil andun ako para sakanya. Kaso ang ending, ganun pa rin. Maybe umamin ako ng maaga. Kung sana nag hintay pako ng mas matagal sana mas nalaman niya kung ano talaga nararamdaman niya sakin.

"G, okay ka lang ba?" tanong ni Gika sa akin. Ihahatid niya ako pauwi. Luckily, I have Gika. Best friend kong hindi nawawala. Maybe that's the reason why God broke us apart. We are meant to be best friends. "Yes, Giks." sagot ko sakanya. Naiintindihan ko lahat ng sinasabi ni Dan dahil ganun din ako kay Gika. Kahit ipilit kong si Gika na lang ulit, wala talaga.

I'm trying to get used to the pain. Nung una palang naman alam ko na. I just pretended that I didn't know. Kasi dahil baka pag alam ko na, mawala lalo siya. I tried saving our relationship. Nung unang beses na nakita ko palang si Theo, I observed how Dan looked at Theo. Yung unang araw na pumunta kami sa condo. Yung araw na sinabi ni Theo na hindi siya interesado kay Dan. Naniniwala ako dun. Alam kong walang gusto si Theo kay Dan non. But Dan? I think may gusto na siya kay Theo non. Kada mag kkwento siya tungkol sa office nila sinusubukan niyang hindi magkwento tungkol kay Theo. Too bad, si Gab at Bea nag sasabi sakin na lumalabas silang apat. I waited for her to tell me but she did not.

At ang pinaka masakit ay yung elyu nila.

Nung nag bar sila, tumawag ako kay Dan nung gabi. Maingay. Naalala ko pa ang lahat.

"G, I'm so sorry" sabi ni Dan. Takang taka ako kung bakit. "Hindi kita marinig" sabi ko sakanya. Maya maya nawala ng kaunti ang ingay. Siguro ay lumabas siya. "Bumalik ka sa loob. Lasing ka na ata eh" natatawa ko pang sabi sakanya. "G, I'm sorry. I think I'm liking someone" sabi niya na kinatigil ng mundo ko. "Sino?" tanong ko sakanya. Boses pa lang ni Dan alam kong wala siya sa tamang pag iisip.

Tayo? Minsan oo, minsan hindi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon