Nagising akong ang sakit sakit talaga down there. Tinignan ko phone ko mag 5am na. Nag decide na ako mag prepare. Hindi naman ako nag bleed ng sobra. Kahapon lang talaga. Ngayon, medyo masakit siya nakakalakad naman ako. Habang naliligo ako naalala ko ginawa namin ni G. Katangahan.
Nagbihis na ako.
Tofi, ngayon kita kailangan. Sunduin mo ako please.
Bumaba muna ako para mag almusal. 7am pa naman first class namin today.
Nag chat si Tofi sa gc namin.
Tofi: Gising na kayo?
Me: Sunduin moko? :'(
Bea: Me too!
Mae: School na ako. Andito na rin si G.
What? Ang aaga naman ng mga to.
Tofi: Di me pwede ngayon Dan. Di rin ako makakapasok pasabi na lang.
What?
Bakit ngayon pa, Tofi?
Me: Bakit?
Tofi: Emergency. Ingat ka papasok, Dan.
Me: Ikaw din.
Bea: Ingats tofi!!
"Ay" nagulat ako kasi biglang nag ring phone ko. Tumatawag si G. Sinagot ko.
"Masakit ba?" nag aalalang tanong niya sa akin. "Slight. Pero oks lang ako." sabi ko sakanya. "Taxi ka nalang. Ako na magbabayad. Wag ka na humindi." sabi niya sa akin. Umoo na lang ako. Lumabas na ako at pumara ng taxi.
G, why are you doing this to me? Alam ko temptations lang to. Hindi pa naman ganun kalalim nararamdaman ko kay G. Kung maging worse, paano na ako iiwas? Naka ukit na siya sa pagka tao ko.
Nakarating na ako sa school at talagang inabangan niya ako sa gate. Nag bayad na siya. Tinignan niya ako. "Hey." tawag niya sa akin. "Kung kahapon yan, please wag mo na lang ibring up." sabi ko sakanya. Nag ngitian na lang kami. Kinuha niya gamit ko at hinawakan kamay ko. Magkahawak kamay kaming pumasok.
"G, baka isipin nila na may something sa atin." mahina kong bulong sakanya. Unti unti ring tumitingin sa amin ang mga estudyante. "Hayaan mo sila isipin kung ano iisipin nila. Ang mahalaga, alam natin totoo" sabi niya.
Ano ba yung totoo?
Pumasok na kami sa room ng first class namin. Maaga pa naman kaya di pa gaano maraming estudyante. Yun nga lang, ang mga kakilala ko nandito. At kalikod lang namin si Bea.
"What is the meaning of this?" pabiro niyang tanong. "Uy, Dan. Glowing skin ka. Naisuko ata perlas" pabirong sabi ni Gab. Nanlaki mata ko. Don't look guilty, Dan. Hayaan mo na. Binitawan na ni G kamay ko at pinaupo na ako.
"So, ano?" kinikilig na tanong ni Bea.
"Wala." simpleng sagot ko lang at yumuko.
"Ha? Wala parin?" tanong niya ulit sakin.
"Friends daw." sabi ko sakanya.
"Ay te. Nako." sabi niya sabay binato si G ng notebook. "Ay sorry. Si Gab dapat eh" sabi ni Bea ng tumatawa. "Huy" natatawang saway ko kay Bea.
Nagstart na yung class namin.
"Kenneth Podron, Danielle Rodrigo." napatingin ako sa prof namin nang tawagin ang pangalan namin ni Ken. "Kayo mag ppair up para sa reporting na to. Present niyo kung anong line of business ang pinaka may contribution sa Philippines noong 90's." sabi pa ng prof namin.
"Fuck." nasambit ni Bea. Nagtaas siya ng kamay. "Ako na lang po at si Dan!" presinta niya. "Kenneth and Danielle. It's final" sabi ng prof namin. "On Thursday." dagdag niya pa.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Fiksi RemajaAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.