Chapter 31

3 2 0
                                    

"Maulan. Sunduin ko na lang sila." sabi ni Theo.

"Mah friend, ang bait bait mo." pang aasar ni Tofi. "Sama ba kayo?" tanong ni Theo samin.

"Dito na lang ako ayoko na makipagsiksikan mamaya." sabi ni Mae. "I'll stay. Samahan ko Mae." sabi ko. Tinignan ako ni Theo na parang sinasabi na sumama ako. "Si Tofi na lang sasama sakin kahit ayoko." sabi ni Mae. "La. Nagkakagusto ka na ba sakin?" tanong ni Tofi kay Mae. Nag middle finger si Mae. "Never even in my wildest dream." sagot ni Mae. "Wag magsalita ng tapos Maemae" sabi ni Theo.

"What the fuck did you just call me?" sabi ni Mae at akmang hahabulin ng sapak si Theo. Nagtago agad si Theo sa likod ni Tofi. "Bobo amp. Mas matangkad ka sakin, sakin ka magtatago" natatawang sabi ni Tofi.

"Magsundo na nga kayo dun. Pinagbibigyan na nga eh" sabi ni Mae. Tinignan ko si Mae. Tinignan din ni Theo si Mae. "Hmm.. Shall I say, thank you Maemae?" sabi pa ni Theo at hinatak na ako palabas ng pinto. Natatawa kaming sumakay sa elevator. "Sinabi mo kay Mae?" tinanong niya ako. Tumango tango ako. "What did she say?" tanong niya sakin. "Na mali. I really have to choose." sabi ko sakanya. "Would you choose me?" tanong niya sa akin. Nagtitigan kami ng matagal. Iniisip ko ng mabuti. Bigla niya akong hinalikan dahil dalawa lang kami sa elevator. I kissed him back. Hindi ko na inisip na glass elevator ito. "Please, kung hindi ako wag mo muna sabihin." sabi niya bago bumukas ang elevator.

But I think, I'll choose you.

Halos mawalan ako ng hangin at dugo sa katawan ng makita ko si Bea sa harap ko. Nakatingin lang siya sa amin. Sa akin.

"Bea." tawag ko sakanya.

"Kung nagtatanong ka sa isip mo kung nakita ko, oo Dan. Kitang kita ko." sabi niya sa akin. Halos lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok dahil sa kaba. "B, I'll explain." sabi ni Theo. "I have 2 reasons not to listen to your explanation. Una, I'm not a fan of cheating. Pangalawa, kaibigan ko si G." sabi ni Bea. Nakakatakot si Bea. "But, I'm also your friend." sabi niya pa at tumingin sa akin.

Bumalik ako kasama si Bea sa unit ni Theo. Pinababa ko din si Tofi para siya na sumama kay Theo.

"Yo, B. Oks na tyan mo?" tanong ni Mae kay Bea. "Oo. Puso ko naman ang di okay. Alam mo bang may something kay Dan at Theo?" diretsong tanong ni Bea kay Mae. Tinignan ako ni Mae. "Nakita kong naghahalikan sa elevator. Glass elevator." dagdag pa ni Bea. Tinignan din ako ni Bea. Para akong niluluto ngayon. "Makikinig muna ako. Ttry kong di maging bias. So, alam mo nga Mae? Di ka nagrereact eh." sabi pa ni Bea. Hindi na ako makahinga. Umupo na kami sa sofa.

"Kanina lang. Nung pagpunta namin sa office. Nakaramdam ako ng something na kakaiba. Inamin din naman agad ni Dan saakin." sabi ni Mae. "Ayokong maging kunsintador, B. Alam mo yan." dagdag pa ni Mae.

Sinimulan ko na magkwento kay Bea. Kagaya ni Mae, nakikinig lang siya. Hindi nagrereact.

"Hindi ko na din alam, B." sabi ko kay Bea.

"Malinaw naman, Dan eh. Malinaw na si Theo ang pipiliin mo at si Theo ang gusto mo." sabi ni Bea. "Told you." sabi ni Mae.

"Pero sana ayusin mo muna yung kay G. Ayoko rin sana masaktan si G. I can only hold this secret for not so long. Pag di ko kinaya, baka sabihin ko kay G. Kasi kaibigan ko rin si G, Dan." sabi pa ni Bea. "Ayoko namang ipilit kapa kay G kung unhappy kana diba." sabi pa niya.

Niyakap ko silang dalawa.

"Kaibigan mo naman kami. Ijjudge ka namin pero love ka parin naman namin." sabi pa ni Bea. Nagkwentuhan lang kami habang naghihintay sakanila. Mga halos dalawang oras nandito na sila.

Pati si G.

"Love" tawag sakin ni G. Tumingin ako. Pero sabay ng pagtingin ko sakanya, naiiyak nako. Niyakap niya ako pero di ko magawang yumakap pabalik. Umupo siya sa tabi ko. Nakitang kong lumayo sila Bea at Mae. Pumunta sila sa veranda kasama ng iba. Si Theo naman ay nakakailang sulyap na samin.

Tayo? Minsan oo, minsan hindi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon