"Sis, baka balikan ka." sabi ni Bea habang kumakain. Umiiling ako. "Baka nagkatampuhan lang sila" sabi ko kay Bea. Lunch time at mahaba vacant kaya sa KFC kami kumain. Katabi ko si Bea.
"Ilang buwan na nakalipas. Tigilan na natin ibash si Ken" sabi ni Mae.
"Pero alam mo, ang lakas ng kutob kong makikipag balikan yun." sabi pa ni Bea. Siniko na siya ni Mae. Natawa na lang ako. "Basta ako naka move on na." sabi ko at ngumiti.
"Uy pre." sabi nung isang guy na same uniform namin pero ibang ID lace. Nakipag apir siya kay Tofi. "Musta?" nakangiti niyang bati kay Tofi. Nakipag apir din siya kay Gab at G. "Tagal mong nawala, Tan." sabi ni Tofi sakanya. "Umuwi kasi si mommy galing states napa gala malala." sabi nung Tan. Apaka lalim ng dimples. Kahit di nag ssmile lumulubog. "Hi, Dan!" bati niya sa akin. Nagulat ako at kumaway na lang. "Hi." sabi ko lang. "Una na kami pre. Chat chat na lang" sabi nung Tan at umalis na.
"Siya yung sabi ko sayong gustong magpalakad sayo" sabi ni Tofi sa akin.
Ah. Naalala ko na. Yung sinasabi niya nung nasa Baguio kami. "Eh di mo naman nilakad. Nilakad mo sarili mo." sabi ni Bea kay Tofi sabay irap. "Sabi ko pa naman kay Dan kung may pipiliin man ikaw na lang kasi sureball ka. Mas malala ka pa." dagdag pa ni Bea. "Sino ba mga choices?" tanong n G. Please, Bea. Don't. Tinignan ako ni Bea. "Marami. Pero, wala ka dun." sabi ni Bea kay G. Natawa si G. "Bakit wala ako?" tanong ni G kay Bea.
"Kasi friends lang naman kayo diba?" sabi ni Bea. Parang gusto ko nalang maglaho ng parang bula muna. "Di ko naman kailangan sumali sa choices eh." nakangiting sabi ni G. Nagtinginan lang sila ni Gab at ngumisi. Umirap lang si Bea. "Anyways, punta kayo samin te. Nomu. Pakilala din kita sa pinsan ko." aya ni Bea sa akin. "Sure." sabi ko lang.
"Bakit ba dami niyong nirereto kay Dan. Di naman niyan kailangan ng boyfriend." sita ni G kay Bea.
"Hangga't walang umaangkin go lang ng go." natatawang sabi ni Bea. Napailing na lang ako.
Uwian na at sasama ako kay Bea kaya sabay kaming nag aantay ng jeep. "Papayagan ka ba ni mama mo?" tanong ni G. "Oo. Di rin naman ako magiinom gaano." sabi ko sakanya. Tumango lang siya. Lahat kami kasama maliban kay G. "May lakad ka ba?" tanong ko sakanya. Umiwas siya ng tingin. May something na kumirot sa akin. "Ingat ka." sabi ko na lang dahil sasakay na kami ng jeep. "Bakit kasi di mo dala kotse mo eh." sabi ni Mae kay Tofi. "Di naman kasi akin yun. Dumating na si kuya kaya ginagamit na niya." paliwanag ni Tofi. Napa buntong hininga ako. Saan kaya pupunta si G?
Nakarating na kami kila Bea. Maya't maya tingin ko sa phone ko. Walang chat or kahit ano galing kay G. "Kalma mo lang. Baka naman inaasikaso pa si mama niya." sabi lang ni Gab sa akin.
Wala ako sa mood buong oras. Kinakausap nila ako matipid lang sagot ko. Pinakilala din ako ni Bea kaso wala rin ako sa mood makipag get to know. Di rin ako uminom. Nagkayayaan na umuwi. Gusto sana ako ihatid nila Tofi at Gab pero di na ako pumayag. Umuwi ako mag isa. Nasa kanto palang nakita ko na si G. Nabuhayan ako. Nang makita niya ako ay ngumiti siya.
Tuwing gabi lang ba siya inaatake ng 'tayo' feels niya?
"Nag enjoy ka ba?" tanong niya sa akin "Hindi gaano. Maingay at maraming tao." sabi ko sakanya. Naglakad na kami. "Bakit nandito ka? San ka ba galing?" tanong ko sakanya. "Sa bahay." simpleng sagot niya. Hinampas ko siya ng pabiro sa braso niya. "Kaninong bahay nanaman pinuntahan mo, G." pang aasar ko sakanya. "Hindi naman ako adik sa ano" natatawa niyang sabi. "Eh bakit di ka sumama?" tanong ko sakanya.
"Kasi gusto mo makakilala ng iba. Makahalubilo ng iba" seryosong sabi niya. Huminto ako sa paglalakad. "Oh, tapos?" tanong ko sakanya habang naka cross arms. Huminto din siya sa lakad at tinignan ako. "Tingin mo pag andun ako hahayaan kong may makipag usap sayong iba?" tanong niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Teen FictionAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.