G: Dami ka bang dala?
Me: Di naman isang bag lang tsaka isang eco bag.
G: Daanan kita sabay na tayo pa terminal
Me: Layo ng iikutan mo pa isang sakay ka na lang jan dapat diba?
G: Okay sige. Ingat ka
4am ganto kaaga chat namin ni G. 6am call time namin sa bus terminal pa Baguio. Ready na ako pero wala pa namang on the way sakanila kaya hintayin ko muna may magsabi sa gc na otw na. 4:20am tumatawag si G.
"Dito na ako sa labas" sabi niya. Ha???? Akala ko di na niya ako dadaanan? Dali dali akong bumaba at nagpaalam kay mama dahil gising na siya. Inabutan ako ni mama ng 3k pang dagdag sa gastos ng mga kaibigan ko sakin pero sabi ni papa ibabawas daw niya sa baon ko. Lumabas ako agad.
"G sabi mo di ka na dadaan?" tanong ko kaagad sakanya. Kinuha niya dala kong ecobag kahit may bitbit din siya. "Ha? May sinabi ba akong di ako dadaan? Sabi ko, Okay sige ingat ka" sagot niya sa akin at nagsimula na kaming maglakad papuntang sakayan.
Minsan hindi ko talaga gets si G. At hindi ko din alam paano niya nagegets ang mga bagay bagay. Sumakay na kami. Kami nga naunang dumating sa bus terminal kaya kumain muna kami. Inaabot ko sakanya yung 3k ayaw niyang tanggapin. "Hihingi na lang pag naghihingalo na budget" pabiro niyang sabi. "Antok ka pa ba? Tulog ka muna" inaalok niya balikat niya pero humindi ako. Nilabas niya phone niya. "Picture tayo" sabi niya. Nag selfie kami ng ilang takes din. Sinend din niya agad sakin mga pictures. Tumatawa siya. Maya't maya vibrate ng phone ko. Inopen ko ang facebook nakita ko maraming commented on a photo you are tagged in. May tinag sakin si G.
Picture namin.
Yung kaka take lang kani kanina lang.
5am palang ngayon pero ang daming reactors at nag cocomment sa post niya.
"G!!" reklamo ko sakanya habang nag sscroll ng comments.
"Once in a blue moon lang ako mag post. Maswerte ka kung ganun" pabiro niyang sabi.
'See u after 8hrs Baguio. Meet my baby.' yan ang caption niya.
"Meet my baby?" tanong ko sakanya. "Oh bakit? Ako magbabantay sayo, ako magpapakain sayo, ako mag aalaga sayo kasi bilin ni mama" sabi niya. "mo" dagdag pa niya at tumatawa tawa na parang ng aasar.
Tell me, paano ba hindi ka magkakagusto sa taong to? Nasa nature na ata niya. Nalalabanan ko pa naman.
'Hala'
'Tumama na si kupido'
'Si Danielle?'
'Bagaaaaaaaaay'
Iilan lang yan sa mga comment. Alam kong wala pa ito. Kasi di pa gising lahat ng mga friends nito.
"G delete mo na. Pag uusapan tayo pagbalik ng klase" sabi ko sakanya na parang nag mamakaawa. Umiling siya. "Dedelete ko lang pag iniwan mo ako." sabi niya. gulong gulo nanaman ako sakanya. Kung assumera lang ako, matagal na siguro akong na fall. Dumating na si Bea at bumeso sa akin. "Uy kayo ha" pang aasar niya. "Ano kayo na?" tanong niya sa akin. Umiling ako ng malala.
"Ayan ka nanaman sa mga trip mo G" sabi ni bea kay G. Tumatawa lang si G.
'nanaman'
I want to ask pero wag na lang.
Nang makumpleto kami, bumili na kami ticket at lalarga na. Katabi ko si Bea sa two seaters. Nag picture picture din kami. "Mahaba habang byahe to" sabi ni Bea sakin. "Uy G nagbook ka na ba ng transient?" tanong ni Bea kay G na nasa kabilang side lang pagitan ng aisle. "Oo. Kaso 1 room lang yun mahal ng pricing ngayon eh. Pero malaki naman daw" sagot ni G sakanya.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Novela JuvenilAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.