Nag date kami ni G sa mall. Nuod sine, kain sa labas, chikahan at sakanila ako umuwi. Si mama sanay naman na basta si G kasama ko. Gaya dati nung kami ni Ken. 7pm na ng gabi. Nakahiga ako sa kama ni G habang si G naglalaro sa pc niya. Pag check ko ng gc namin puro picture nila.
Beatrix added a contact user
Si Theo ito panigurado. Nakablock pala siya sa akin kaya inunblock ko na. Nag send sila ng mga pictures nila. Nag swimming sila sa pool ng condo ni Theo. Picture nila ng kumakain. At ngayon, nag lalaro sila ng jengga.
Bea: Sana mainggit yung dalawa jan.
Theo added Gika
Inadd ni Theo si Gika sa gc namin. Ito nanaman ang init ng dugo ko para kay Gika. Hay. Kailan ba mawawala ito.
"Gusto mo ba bumalik dun?" tanong ni G sa akin. Umiling ako kasi alam kong ayaw niya. Tumabi siya sa akin at niyakap ako. "Grabe naman pagka miss ko sayo. Sobra sobra." bulong niya sa akin at kiniss ako.
May mali sa akin.
Alam kong may mali sa akin.
Hindi ko pa matukoy kung ano. Pero alam kong may mali sa nararamdaman ko.
We spent our weekends together. Monday nanaman. Mamimiss ko nanaman si G ng isang buong linggo. Nag ready na ako papasok at nag commute. Nasa harap na ako ng office inaantay si Bea. Nagulat ako nang makitang bumaba si Bea sa kotse ni Theo. Nauna lumapit si Bea dahil mag papark pa si Theo.
"Glowing ka ah. Naka ilan?" pang aasar ni Bea sa akin. "Don't tell me galing ka sa bahay parin ni Theo?" tanong ko sakanya.
"We all are. Maliban sainyo ni G. Tapos hinatid niya isa isa sa office. Kahapon pumunta hinatid niya kami isa isa sa mga bahay namin para kumuha ng damit na maiisuot today tas bumalik kami after." kwento ni Bea.
Bakit nakakaramdam ako ng ingit?
"Si Trish walang nagawa." natatawa niya pang sabi. "Pag yung dalawa nag away nako ha" sabi ko sakanya. Inantay namin si Theo.
"Hey, Danny. Good morning" sabi niya sabay ngiti sa akin. "Morning." sagot ko sakanya at sabay sabay na kaming nag elevator. Umakbay sa akin si Theo. "Sayang wala ka" bulong niya sa akin. Takang taka ako. "Di mo napanuod maligo si Tofi" dagdag niya pa at tumawa.
"Anong ginawa niyo?" tanong ko sakanya. Inalis na niya pagkakaakbay at kinalabit si Bea. "Piglet, ano daw nangyari kay Tofi" sabi ni Theo kay Bea. Napuno ng tawa ni Bea ang elevator.
"te, kasi di niya alam glass bathroom meron si Theo sa main room. Naka remote control yung curtain. Etong si Theo, inopen curtain. Nakatalikod si Tofi mag shower. Di niya alam na pinapanuod na siya." mamatay matay si Bea nag kkwento sa gitna ng tawa. Natawa na rin ako. Bumaba na kami sa elevator. "Yan kasi. May sariling mga mundo" asar ni Theo sa akin.
Nag work na kami. "Hey. Where do you want to eat later?" tanong ni Theo sa akin. "Kahit saan" sabi ko sakanya. "Piglet. Saan mamaya?" tanong ni Theo kay Bea. "Kila Gab ulit?" sabi ni Bea.
"You're taking advantage of me, huh?" sabi ni Theo at tumawa. Tumingin siya sa akin. "Is it okay?" tanong sa akin ni Theo. Tumango na lang ako.
Nag lunch na kaya sumakay kami sa kotse ni Theo papunta kila Gab.
Me: love, otw kami kay Gab. Dun daw kami kain. I'm with Theo and Bea.
G: Ingat kayo.
Me: Ikaw? Kain na ba u?
G: Yep. Alone
G sent a photo
Pinakita niya na kumakain siya mag isa.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Teen FictionAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.