"Uy G!" Pang ilang tao na yan ang bumabati kay G. Ganon siya ka kakilala dito sa campus.
"Tingin mo, sasapakin kaya ako ni Ken?" tanong niya sa akin. "Ha?" gulong gulo kong tanong sakanya. "Di malabong di makarating sakanya na kasama kita dito. Na tayong dalawa lang." Sabi niya.
Hindi naman ganun si Ken.
Namimiss ko na si Ken.
"Speaking of." Sabi ni G. Napatingin ako kung saan siya nakatingin.
Si Ken.
Si Ken na di man lang tumitingin sa akin.
"Na ccurious na talaga ako." Pabirong sabi niya.
"Kahapon kasi --"
"G! Di ka kumain? Kala ko gutom ka?" Sabi ni Mae. Nakabalik na sila at lumapit sila sa amin. "Hindi na." Sabi ni G habang nakangiti. Nag ngitian naman silang lahat. "Akyat na tayo?" Aya ni Bea. Inakbayan naman siya ni G at sabay sabay na kaming umakyat. Si Bea ang pinaka close ata ni G. Sila ang laging magkasama. Feeling ko may something.
Galing no. Pagkasama ko sila, parang normal lang. Pag ako na lang mag isa, ang lungkot. "Dan, sama ka maya?" tanong ni Mae sakin. "Te, di naman ata nag iinom si Dan." sabi ni Bea.
Never ko na imagine na darating sa puntong may mag aaya sakin uminom.
"Kila G naman eh." Sabi pa ni Tofi. Sa grupo ni g, parang lima ata sila minsan anim. Pero si Bea at Mae lang nakakasama nila lagi na babae. "Sige." nagulat ako sa sagor ko. Pero hindi lang ako ang nagulat. Sila din. Sa lakas ng hiyaw nila napatingin samin lahat ng nasa room. Lahat maliban kay Ken.
Hindi ko alam pero na excite ako. Kahit ngayon ko lang sila nakasama ang gaan gaan nilang kasama.
"Di mo kailangan sumama kung hindi mo naman gusto." Bulong ni G sakin nang makalapit siya sakin. Sa sobrang lapit niya feeling ko sa tenga ko siya bumubulong. Dumistansya na siya ng konti. Siguro ay ginawa lang niya yun para walang ibang makarinig. "Okay lang." Simpleng sagot ko.
Nang mag uwian na. Naghihintayan kami sa baba. Sa tindahan malapit sa school. Si Bea at Mae kasi may kinuha pa. Nagulat ako ng mag sindi sila Tofi, Gab at G ng sigarilyo. Nanlaki mata ko. Natawa sila.
"Siguro sa sobrang focus mo kay Ken, di mo kami nakikita dito araw araw na nag yoyosi." Pabirong sabi ni Tofi.
"Samantalang kami lagi namin kayo nakikita naglalakad dito pauwi" sabi pa ni Gab.
"Totoo?" takang takang tanong ko. Natawa sila.
"Malaki ang mundo, Dan. Pinaliit mo lang" sabi ni G.
Actually di ko na talaga alam anong mararamdaman ko. Kung anong nararamdaman ko. Nasasaktan ako para samin ni Ken. At the same time, parang okay lang ako kasi may nakakahalubilo ako.
Dumating na sila Bea at Mae. Naglalakad na kami palayo ng makita ko sila Ken at kaibigan niya. Pati yung babaeng kasama niya kahapon. Ibang uniform.. Taga ibang school. Alam ni Phil? Si Phil ang bestfriend ni Ken. Parang bumagal mundo ko habang naglalakad. Pero parang ang bilis ng mga pangyayari. Sila na ba? Wala na ba talaga kami? Gusto ko ng umiyak ngayon.
Nagulat ako ng hawakan ni G kamay ko. Tapos nagkantahan sila ng 'magkahawak ang ating kamay at walang kamalay malay'. Hindi ko alam kung sinasadya nilang lakasan pero sapat na yun para tumingin sila Ken sa amin.
This time, nagkatitigan kami.
Naiiyak ako kasi parang ang lungkot ng titig niya. Parang sinasabi niya sakin na lumapit ako sakanya. Na parang tinatawag niya ako. Pero umiwas siya ng tingin. Bumitaw na din sa akin si G.
Nahihiwagaan ako kung ano ang alam nila.
Nakarating na kami sa bahay nila G. Nagluto sila at bumili ng alak. Si mama ni G nagbibilin na hanggang 8pm lang daw. Meron lang kaming 4 hrs. Pinapanood ko lang sila. Ganto pala pag may kaibigan ano?
Anong alam ni Phil?
Hay. Kahit anong libang ko. Di talaga mawala sa isip ko si Ken. Naiiyak nanaman ako.
Nakihalubilo lang ako sakanila. Nakikinig sa storya nila.
"But are you okay?" tanong ni Bea sakin. Nagtawanan sila. "English mode na bi" sabi ni Mae sakanya. "Sabi kasi ni G, hindi ka daw okay. Kung okay lang bang libangin ka namin. Tapos nakita pa namin si Ken may kasamang ibang girl. So, parang nabubuo na istorya sa ulo ko lam mo yon te?" sabi niya. Napatingin ako kay G at si G napainom lang ng alak niya. Hindi ako umiinom pero parang lasing na din ata ako. Nalulunod na ata ako.
Kinuha ko baso ni Bea at nilagok ko yung isang basong red horse. Hindi siya masarap. Mapait. Pero gusto ko pa. Ako na nag lagay ng alak sa baso at ininom ko ulit. isa pa ulit. Isa pa ulit. Inaawat na nila ako.
Wala.
Di ko na napigil.
Umiyak nako.
Kaya pala di nila ako pinapainom kasi baka daw umiyak ako.
Tama nga sila.
"Kahapon, nakita ko si Ken. May kayakap sa centris. Hinalikan niya pa noo. Pagkahalik niya, nakita niya ako. Gulat na gulat siya. Tinawag niya ako pero alam mo yun? Wala ako sa sarili." Nagsimula ako magkwento. Nakikinig lang sila. Si Bea hawak din kamay ko. Si Mae, hinihimas himas buhok ko. "Tumakbo ako palayo. Nasaktan ako kasi di niya manlang ako sinundan. Wala ding attempt para mag explain sa text or sa call. Wala."
"Eh bakit parang ikaw may kasalanan?" tanong ni Tofi.
"Siya yung lumalayo sayo na parang ang laki ng kasalanan mo?" dagdag pa niya.
"Hindi ko alam.. Baka kasalanan ko. Baka di na ako maganda para sakanya. Baka kulang na ako." sabi ko at humikbi na. Nagpakwento sila sakin mula kung paano kami nagsimula ni Ken.
Ang sarap balikan..
"Ready ka ba kausapin siya?" tanong ni Mae.
"What if sabihin niya, oo babae ko siya. Handa kaba?" Tanong ni Gab.
Si G hindi na umiimik.
"Hindi ko alam" sabi ko.
Tumayo si G at lumabas sa gate nila. Nagpaalam ako sakanila na tatawag lang ako sa bahay at sinundan ko si G. Nag sisigarilyo siya. Tinignan niya ako.
"Kaya ayoko macurious eh. Kasi ayokong may alam." sabi niya sabay buga.
"Sorry. Nakasira ako mood. Uuwi naman na ako maya maya." sabi ko sakanya. Nginitian niya ako.
"Try mo iiyak lahat. Tapos bukas, tama na. Di ako sanay na umiiyak ka eh." Sabi niya.
Bakit lahat ng sabihin niya parang ang gaan? parang ang dali lang ng lahat?
"Thank you, G. Di ko alam bat moko tinutulungan. Pero thank you" sabi ko sakanya.
"Gusto mo malaman?" seryosong tanong niya sa akin. "Bakit?" tanong ko sakanya. Bigla siyang ngumiti. "Halaman" sabi niya at tumawa. Ang tagal bago ko magets. Umiling na lang ako at papasok na sana.
"Dito lang kami, Dan. Dito lang ako." sabi niya at napaka genuine ng smile niya.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Teen FictionAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.