"Oks ka lang?" tanong sakin ni Tofi habang nag ddrive. Tumango lang ako sakanya. "Para kang nakakita ng multo" sabi niya sa akin.
"Tofi, nagegets mo ba si G?" tanong ko sakanya. Tumawa siya.
"At nandito nanaman ako sa role ko na taga explain para kay G" natatawang sabi ni Tofi. "Si Bea and Mae din ba tinanong ka?" tanong ko sakanya. Umiling siya. "Si Celestine tsaka si Gika ang nagtanong sakin." sagot niya sa akin sabay ngiti. "Mga naging ex niya" dagdag niya pa.
The pattern.
So may chance ba?
"Paano mo ba siya di nagegets?" tanong niya sa akin. "Kasi yung mga actions niya parang ano.." nahihirapan ako explain. At hindi ko alam kung tama ba na nagkkwento ako kay Tofi. "Parang may kami. Pero sinasabi niya lagi na wag ko siya gugustuhin." kwento ko sakanya.
"Well, that's different." sabi niya.
Parang ang pogi talaga today ni Tofi. Baka dahil nag ddrive siya? Or nagpapapogi talaga siya?
"Yung similarity ni Gika at Celestine, lagi sinasabi ni G na gusto niya sila pero yung actions niya iba. Sa una ha" sabi ni Tofi. "Sa una, ganun talaga si G. Salita lang walang galaw hangga't walang assurance. Pero pag sinagot naman na siya, all out yun" dagdag pa niya.
Ah.. Iba yung akin.
So it means, wala ata talaga.
"Wag kang maingay na nagtatanong ako ah?" sabi ko sakanya. Tumawa siya. "Basta ba pansinin mo din ako" sabi niya sa akin. Inirapan ko nga.
Nakarating na kami sa school. Nag park na siya at sabay kaming bumaba. "Daaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaan!" tawag sakin ni Bea at tumakbo papalapit sa akin. Magkakasama na pala silang apat. Niyakap ako ni Bea. Habang nakayakap ako kay Bea tinignan ko si G. Nakatingin siya kay Tofi.
"Epal ka. Mas malapit bahay ko sayo di mo ako sinabay" reklamo ni Mae kay Tofi.
"Akala ko ba si G? Bakit si Tofi kasama mo?" bulong sakin ni Bea. Sinaway ko siya. Sabay sabay na kaming pumunta sa room ng first class namin. Hindi pa kami nag iimikan ni G. Pero tinititigan niya ako alam ko. Si Bea at Mae katabi kong umupo.
Nagulat ako ng may lumapit samin na lalaki. Transferee ata to or irreg? Hindi ko pa siya nakita na kasama ng section namin. Nakalagay sa lace niya HRM. Paano napunta to dito? Eh major class namin to.
"Babe, sabay tayo lunch ha?" halos lumuwa mata namin ni Bea dahil si Mae ang kausap niya. Ngumiti lang si Mae at tumango. Umalis na yung lalaki.
"ANO YUN?" Sabay naming sabi ni Bea. Namumula si Mae.
"BAKIT WALANG PAGKWENTO?" Dagdag pa ni Bea.
"Yun ba kinukwento mo sakin sa Baguio?" tanong ni Gab kay Mae. Mas lalong sumama tingin ni Bea. "Alam niya? Kami hindi?" tanong ni Bea na may tono na ng pagtatampo.
"Let me explain." natatawang sabi ni Mae.
"Kung san ka happy, Mae. Pero wag mong gawin mundo yun ha." sabi ko sabay ngiti. Nagtawanan silang lahat. "Coming from you?" natatawang sabi ni Tofi. Inirapan ko siya sabay hagis ng ballpen. "Based on my own experience" sagot ko sakanya. "Eh wala ka pa nga experience eh" sabi ni pa ni Tofi sabay kindat. Napatayo ako. Nag double meaning siya. "Hoy, Teofilo!" sabi ko sabay lapit sakanya pero tumayo siya at nag simulang tumakbo palayo. Hinabol ko siya at nung makalapit ako bigla siyang tumigil at humarap sakin. Kaya nabangga ako sakanya. Napayakap siya sa akin at nagkatitigan kami. Eyes to eyes. Close up. Pero di naman nose to nose.
"AYIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEEE"
Pang aasar ng buong classroom kaya nahimasmasan ako at tinulak siya ng mahina para maka alis sa yakap niya. Nararamdaman kong namumula pisngi ko. Dahil sa hiya. Bumalik ako sa upuan ko.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Dla nastolatkówAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.