Chapter 22

6 1 0
                                    

"Same as you guys, I had my circle of friends. Girlfriend ko din nasa circle namin. Naalala ko yung gabing inamin sa akin ng girlfriend ko na nagkakaroon na sila ng something ng isang kaibigan namin. And that friend, was my best friend among our circle. His name is Dan. Daniel." nagkkwento si Theo at nakikinig kami. "I confronted Daniel that night. Tinanong ko si Daniel kung totoo ba sinasabi ng girlfriend ko, si Lei. He said sorry. Sorry palang sinasabi niya parang sinapak na ako agad. Ganun yung pakiramdam. I asked him how can he betray me. He said he did not want to but he fell in love with Lei at the same time Lei fell in love with him. Naglasing ako nung gabing yun. Magkakasama kami nun sa La Union sa rest house nila Lei. 7 kaming magkakaibigan. Lahat sila inaawat ako. Hindi ko kaya makita si Lei at Dan nung gabing yun kaya sige ang inom ko. Alam niyo nagpakalma sakin that time? Lumapit sakin si Lei sabi niya, 'Theo please enough na. Ayusin na natin to.' yun ang sabi niya." patuloy ang kwento ni Theo. Naluluha na siya. Nararamdaman namin yung pain niya. "Kumalma utak ko niyakap ko siya. Nag aya na kami bumalik sa rest house kasi nasa bar kami that time. Ako lang may dalang kotse. Sumakay na sila si Lei nasa tabi ko. Uwing uwi na ako para makapag usap kami ni Lei. Pero nakita ko henna tattoo niya sa bandang batok niya. 'D&L' Daniel and Lei. Pinaharurot ko yung kotse. Takot na takot sila. They are shouting and screaming. Si Lei umiiyak na. Tapos ang huling alam ko na lang nasa ospital ako. Nabangga kami ng bus. Ako lang naka survive kasi ako lang may airbag sa harap. Sila naipit." sabi niya at umiiyak na. Niyakap siya agad ni Bea at Tofi. "Nagalit ako sa mundo. Lalo na sa mommy ko. Kasi sinasabi niya sa akin na hindi ko deserve mga kaibigan ko. Na okay lang yun kasi buhay naman ako. Simula nun gumawa ako ng sarili kng mundo. Pero, this Dan." sabi niya sabay turo sa akin. "She reminded me of my best friend, Dan. Sinaway niya ako nung pinag iinitan ko yung guard, sinasabihan ako na mag salita ng maayos. Ganun na ganun si Dan na best friend ko. Maybe she's the girl version of him." sabi niya at ngumiti tapos tinuro si Bea. "And piglet, reminds me of my friend Anna. And all of you guys, reminds me of them. That's why I got easily attached, brother" sabi niya at nakipag bro fist kay Gab.

"Welcome to the circle, Theo." sabi ni G at nakipag kamayan kay Theo. Theo smiled while wiping his tears. Niyakap namin siyang lahat.

"Sorry. May mga moment lang talagang naalala ko." sabi niya sa amin.

Nagkulitan na sila ulit lahat.

"Dan, di pa ako nag sosorry sa nangyari before. Pero di naman ako heartless bitch." sabi ni Gika. "But still you're a bitch" singit ni Theo sakanya. Alam mo parang magkakatuluyan tong dalawang to. Inirapan lang ni Gika si Theo.

"Sorry, Dan and G." sabi ni Gika at nag abot ng kamay para sa shakehands. Tinignan ako ni G at tumango lang ako. Nakipag kamayan ako kay Gika. "Yun lang naman goal ko kaya ako sumama. I'll leave na." sabi ni Gika at tumayo na. "Gika, you can stay." sabi ko sakanya. She smiled at umupo ulit.

Nag decide na lang kaming lahat na magstay sa bahay ni Theo muna. Bukas na lang kami uuwi.

"Kaya kong magpahiram sa mga lalaki. Pero sa mga babae? I don't think I can." sabi ni Theo dahil gusto na namin mag palit ng damit. Alas dose na ng madaling araw. "I'll get clothes for us. Tawagan ko driver ni mommy." sabi ni Gika saming mga babae.

"Sarap talaga pag mayaman ka no?" pabirong sabi ni Bea. "Baka tulog na si kuya Arnel." sabi ni G kay Gika. "Di naman siya nag ssilent ng phone." sagot ni Gika kay G. Bakit kahit anong gawin ko parang nilulunod ako ng selos? Natawagan na ni Gika yung driver nila. Si Tofi at Mae bagsak na. Kami kami na lang nila Theo, G, Gika, Ken, Bea at Gab ang gising.

"Want to eat?" tanong ni G sa akin. Umiling ako.

"G, chicha?" tanong ni Gika kay G. "Game" sumagot agad si G.

Tae. Ako lang ata depressed sa grupo namin.

"Gusto mo ng mga chichirya?" tanong ni G sa akin. Umoo ako kahit ayoko. Di pwedeng magkasundo sila ni Gika in all terms. Pinipilit kong mag smile at kunwari keri lang. "Di mahilig si Dan sa chichirya, G." singit ni Ken. "Ah oo pala." sabi ni G. Nakalimot ka?

Tayo? Minsan oo, minsan hindi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon