Nakatulog kaming lahat nung hapon at nang mag gabi, ang mga boys ay nag hahanda para sa camp fire namin sa malapit sa baybayin.
0 visibility pa rin si G. Baka busy lang. Baka walang signal. Baka lowbat. Baka pagod.
"Naniniwala ba kayong walang girlfriend yang, Theo?" tanong ni Mae.
Pinapanuod kasi namin ang boys.
"Magkakaroon pa lang" biro ko sakanila. Sumama tingin nila. "Huy. Di ako! Si Gika!" explain ko kaagad sila at nagbago mukha nila. "Bakit? Ano chika?" tanong ni Bea. Kinwento ko sinabi ni Theo na inuupdate siya lagi ni Gika.
"Di ba taga La Salle din dati si Gika? Hindi ba sila magkakilala?" tanong ni Mae. "Te, anlaki ng La Salle compare sa school natin no" sabi ni Bea sakanya. Nang mapaapoy na nila ay tinawag na nila kami. Sabay sabay kaming lumapit at umupo sa harap ng aming camp fire.
"Mas masaya siguro kung kumpleto tayo" sabi ni Tofi. "Di ba may gitara ka sa loob?" tanong ni Gab kay Theo. Tumango si Theo. "Kunin ko" sabi niya at umalis.
"Ayaw mong si Theo na lang?" tanong ni Tofi sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay. "Para di na kumplikado. Ikaw at Theo. Gika at G." biro niya. Binato ko siya ng buhangin. Dahilan para tumawa silang lahat. Biglang nag ring phone ko.
"Unregistered number?" bulong ko.
"Baka si G yan. Nakikitawag." sabi ni Ken. Dali dali kong sinagot.
"Hey. How are you?" si G. Hindi ako umimik. "Nawala ata phone ko sa airport kanina. Di ko mahiram kay mama phone niya kasi ang dami niyang kinocontact. I'm sorry." dagdag niya pa. Na guilty naman ako agad. "Nag alala ako. Lalo na anj--" di ko natapos sasabihin ko dahil sa sinabi niya. "Kasama ko si Gika."
Hindi ako makasalita. Hindi ako makagalaw. Ang alam ko lang parang nilulukot buong pagkatao ko. Ayaw gumalaw ng bibig ko para magsalita. "Pumunta siya dito para sabihin na nag aalala ka. Inutusan siya ni Theo." dagdag niya pa. "Aalis din ako agad, Dan" rinig kong sabi ni Gika. Hindi ako makahinga. "Pasabi thank you." sabi ko na lang at binaba na yung tawag.
"Dan, oks ka lang?" tanong nila Bea sa akin. Niyakap ko kaagad si Bea at nahikbi na ako. "Huy?" sabi niya at hinimas himas likod ko. Nag si lapitan din silang lahat sakin. "Dan. Bakit?" tanong nila sa akin di ako makapag salita.
"Dahil ba yan pinapunta ko si Gika kay G?" rinig kong sabi ni Theo. "I asked Gika politely. Kasi nakikita ko kung gaano ka kabothered. Ayaw ni Gika. Pinilit ko siya just to give you a peace of mind na okay lang si G." dagdag pa niya. "Do you know how hurt will G be pag nalaman niyang ganyan ka mag react? Ganyan ka ba ka walang tiwala kay G?" tanong niya sa akin.
"Tama na pre." awat ni Ken.
"She should know. She keeps on ruining the mood just because she overthinks. Anong assurance pa ba ang kailangan mo? Look how much he trust you, Dan. Kasama ka namin." tumatagos lahat ng sinasabi ni Theo. Kaya lalong tumutulo luha ko. "Why are you so insecure, Dan? Why?" tanong niya sa akin. "Ah. Okay. Ken, ito nga pala ang outcome ng ginawa mo. Sa takot niyang maghanap si G ng iba dahil may kulang sakanya, ganyan na siya ka praning." natatawa niyang sabi.
"You have all the traits that a man would want, Dan. Kung magloloko, magloloko dahil gusto nila yun. Pero walang mali sayo. And if I were G, we will be the same. I'll always choose you." sabi niya pa. "Compose yourself, Danny. No need to be jealous of anything." dagdag niya. Naiyak ako lalo.
"I'm sorry, Dan. Pero agree ako kay Theo." bulong ni Bea at niyakap ako. Ilang minuto ang lumipas. Nakayakap pa rin ako kay Bea. Narinig ko silang nag jjamming na. Nag ring ulit phone ko. Sinagot ko at lumayo sakanila.
"Galit ka ba?" tanong agad ni G sa akin.
"Do you love me less now?" tanong ko sakanya. "What do you mean, Danielle?" tanong niya sa akin. Huminga ako ng malalim . Umupo malapit sa pampang. Nakatingin sa sunset.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Teen FictionAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.