"Sige na pre. Uusap lang kami." sabi ni Ken kay G. Tinignan ako ni G. Inaantay siguro niyang ako ang magdesisyon.
"Una na ako, Dan" sabi ni G at akmang aalis na.
"Makikipag usap ako pero dapat kasama si G." sabi ko kay Ken. Nabitawan niya kamay ko. Napahinto si G. "Labas si G dito, Dan." sabi ni Ken na alam kong naiirita na ngayon. "Sabihin mo muna sakin kung bakit tayo mag uusap?" tanong ko kay Ken. "Dan, una na ako. Chat ka na lang." sabi ni G at umalis na.
"Paano natin aayusin yung atin?" tanong ni Ken.
Sa ngayon, parang ayoko na ng explanation. Parang pagod na ako. Parang ayoko na. Parang mas gusto ko na lang sabihin niya tapos na kami para hndi na magulo. Para okay na ako. Sa totoo lang, wala kaming away na ganito ni Ken kaya hindi ko alam kung paano ko ihahandle.
"Aayusin pa ba natin?" tanong ko sakanya. Napa awang bibig niya. "Ayaw mo na ba?" tanong niya sa akin.
"Yan ang tanong ko nung una. Ayaw mo na ba sakin?" matapang kong sabi. Ayoko mag eskandalo pero medyo marami na ang nakatingin sa amin. Pero hindi na ako naiiyak. Hindi ako nasasaktan. "Pinakilala kasi sakin ni Phil yun. Sa loob ng ilang taon, nakaramdam ako ng excitement kaya akala ko" nagsisimula na siyang mag paliwanag.
"Bullshit" yun na lang nasabi ko dahil naalala ko sinabi sakin ni G tungkol sa attraction.
"What, Dan?" nagulat siya sa sinabi ko. "Dan, naririnig mo ba sarili mo? Una nag inom ka, late ka umuwi, nakikipag hang out ka sa mga taong walang landas, now this? Damn, G." Sabi niya na parang sobrang disappointed.
I never saw the ugly version of Ken until now.
"You did nothing wrong?" Tanong ko sakanya.
"Fine. Let's end this. Wag na wag kang magmamakaawang bumalik sa akin kung sakaling saktan ka ni G" sabi niya sabay alis.
Nanikip dibdib ko.
Nag sslow mo nanaman si Ken habang papalayo.
Kinuha ko phone ko sa bulsa. Hindi ko pa nabubuksan, tumatawag na si G. "Nasa kanto lang ako." sabi niya at binaba agad yung tawag. Nagulat ako papunta palang ako sa kanto sinalubong na niya ako agad. "Oks ka lang?" tanong niya sa akin.
Bakit gusto ko siyang yakapin?
Pero hindi ko ginawa.
"San ba sila Bea?" tanong ko sakanya. Naglalakad na kami. Hindi na siya umimik.
At hindi na talaga siya umimik kahit nakasama namin sila Bea hanggang sa pagbalik ng klase. Hindi na rin siya kinukulit. Hinayaan na lang siya. Hanggang sa wala na kaming klase, hindi na siya umimik.
"G" tawag ko sakanya. "Hm?" tinignan niya ako. "Okay ka lang?" tanong ko sakanya. Ngumiti lang siya. "Hatid kita?" tanong niya sa akin. Nagtinginan sila Bea at Mae. Umoo na lang ako kay G. Tahimik lang si G buong byahe papunta sa amin. Nang makarating kami sa gate nagpapaalam na ako sakanya pero di siya umaalis.
"Dan" tawag niya sa akin. Tinignan ko siya.
"Wag mo akong gugustuhin." sabi niya sa akin. Naguguluhan ako. "Ha?" takang taka ako.
"Baka kasi, na coconfuse kita. Basta. Wag mo akong gugustuhin." sabi niya.
Friends.
Yun ang gusto niyang iparating. Kapag tropa, tropa lang. Pero wala naman akong gusto kay G.
"Para kang buang. Bakit kita gugustuhin? Galing akong break up. Ano pinagsasabi mo, G?" natatawa kong sabi sakanya. At parang gumaan ang paligid. Tumawa siya at napakamot ulo. "Goods. Uwi na ako" sabi niya sa akin at umalis na.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Roman pour AdolescentsAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.