Chapter 26

3 2 0
                                    


Nag decide kaming sa swimming pool muna mag swimming para bukas na lang sa dagat pag dating daw ni Gika.

"Wala ba dito yung ano, mga babaeng naka swim suit?" tanong ni Tofi kay Theo. "Meron. Yung merong night life din. Ito kasing rest house nasa gitna ng 25 hectare na lupa nila mommy kaya wala kang ibang makikitang tao" sagot ni Theo.

"25 hectare pag aari niyo dito?" tanong ni Bea. Tumango si Theo. "Salamat sa pag papamukha sa aming dukha kami" sabi ni Mae. Natawa kami. Nag swimming lang kami saglit at chikahan sa gilid ng pool. Yung mga boys nag bbilliards habang nag iihaw. Napatingin ako kay Theo. Nakatingin din siya sa akin. He smiled.

"Mamaya daw punta tayo dun sa mga bar. Ano?" sabi ni Tofi sa amin. Naexcite naman sila. First time kasi namin pupunta kung sakali. "Pero dapat daw naka swim suit muna" biro ni Tofi at nagulat kami dahil sinipa siya ni Mae dahilan para mahulog siya sa pool. "Ay putangina. Cellphone ko Mae!" Dali daling umahon si Tofi at nilabas phone niya sa bulsa niya. Basang basa.

"Hala. Sorry, Tof" halatang naguilty si Mae.

"Gago ayaw na mag bukas." sabi ni Tofi.

"Ilubog na natin sa bigasan yan" sabi ni Bea. Lumapit silang lahat kay Tofi. "Lakas ng amats mo, Mae. Pag asaran asaran lang walang pisikalan. Pag pinisikal kita rape talaga" seryosong sabi ni Tofi. Hindi namin alam kung nag jjoke siya o ano pero nag pipigil kami ng tawa. "Pag ikaw tinulak ko ulit" sabi ni Mae. Ayaw na talaga mag open ng phone ni Tofi.

"Bilhan kita bago." sabi ni Theo.

"Iphone 15 pro max 1 terabyte fully paid?" sabi ni Tofi na parang nag niningning ang mata. "Parang gusto ko din mabasa phone ko" sabi ni Gab at Ken. "Bibilhan kita pag di na gumana yan" sabi ni Theo. Nagulat kami dahil binato ni Tofi phone niya ulit sa pool.

"Di na gagana yan." sabi ni Tofi. Natawa kaming lahat. "Kaso bukas na tayo makakapunta sa mall. Medyo malayo" sabi ni Theo. "Oks lang naman" sagot lang ni Tofi.

"Paano ba mag librehan mga rk? 'Uy tara lunch tayo sa Paris' ganon?" biro ni Bea. Umiling na lang ako.

Umupo ako sa isang hanging chair. Lumapit si Theo sa akin. Inabutan niya ako ng ihaw. "Are you okay now?" tanong niya sa akin. Tumango ako. Tumabi siya sakin. Pinilit niya isiksik ang sarili niya kaya sobrang dikit niya sa akin. Naramdaman ko braso niya sa bewang ko. "Baka bumigay to dun ka na lang sa kabila" sabi ko sakanya. "Di yan." sabi niya pa.

"Ayoko na matapos tong summer, Danny" sabi niya sa akin. Sobrang lapit talaga niya as in. "Bakit?" tanong ko. Kunwari focus lang sa hotdog na kinakain ko. "Pag bumalik na tayo sa mga school natin. Paano na ako? Nasanay na ako kasama kayo. Mag transfer na kaya ako sa school niyo?" tanong niya sa akin. Natawa ako. "May kotse ka. Kasama ka naman sa gc. Maraming paraan kung gusto natin" sabi ko sakanya. "Paano yun? Hindi na makukumpleto araw ko pag di kita nakikita" sabi niya. Alam kong nakatingin siya sa akin. Pero patay malisya. "Gusto pa naman kita makita everyday. Cute mo maasar eh" sabi niya pa at pinisil tagiliran ko. "Anyways, baka ma culture shock ka sa bar mamaya. Kung makita mokong may kahalikan, hayaan niyo lang ako kailangan ko yun" natatatwa niyang sabi.

Tinignan ko siya.

"Tingin mo may papatol sayo dun?" asar ko sakanya. He pulled me closer to him at pinatingin niya ako sakanya. Eyes to eyes almost nose to nose. My blood is rushing up to my face. Bigla siyang ngumiti at tumawa. "You should've seen your face" sabi niya. Tumayo ako inapakan paa niya. "Ano? Tingin mo may papatol sakin?" pang aasar niya.

Di ko siya sinagot. Hindi naman na tumutulo ang rash guard ko kaya pumasok ako sa loob. Kumuha ako ng tubig sa kusina at uminom.

"Ano yun, Dan?" muntik ko na mabuga ang iniinom ko dahil sa gulat kay Ken. "Ano?" tanong ko sakanya. "Kanina. Kay Theo. Ano yun?" tanong niya sa akin. "Pinag ttripan ako." sabi ko lang sakanya. "Umiwas ka na. Habang maaga pa." sabi niya sa akin. "Ano pinagsasabi mo, Ken?" tanong ko sakanya.

Tayo? Minsan oo, minsan hindi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon