Chapter 27

3 2 0
                                    

"I think I like you" paulit ulit na tumatakbo sa isip ko ang sinabi ni Theo. Pinipilit kong wag isipin. Pinipilit kong hindi pumasok sa sistema ko ang sinabi ni Theo.

"Huy! Jan ka lang?" tanong ni Bea sa akin. Tumango lang ako. Sakto ay tumawag si G.

"Kamusta naman ang lasinggera kong girlfriend?" natatawa niyang tanong sa akin.

Why do I feel na nagguilty ako?

"Hindi naman ako lasinggera." sabi ko sakanya. Habang kausap ko siya lumalakad lakad ako. I know Theo is looking. I can feel it.

"Wag mo na ulit gagawin yun ha?" sabi ni G. Bakit parang nasasaktan ako?

"Dapat sumabay ka na kay Gika papunta dito" sabi ko sakanya. Tumawa siya. "Kung di ka lang mag ooverthink ginawa ko na yan eh. Kaso iniisip kita." sabi niya sa akin. "Natatawagan mo nga eh." pabirong sabi ko sakanya. Pero nanahimik siya. "Jan ka pa?" tanong ko sakanya. Kinabahan ako bigla. What if nagtatawagan talaga sila?

"Sinabi niya na tinatawagan ko siya?" tanong niya sa akin.

"Oo. Sabi niya pagka landing daw niya tsaka bago siya makarating dito." sumbong ko sakanya.

"Hindi ako tumawag sakanya. Sayo ako tumawag pero si Theo sumagot. Akala ko nga tabi kayo matulog eh." sabi niya pa. May sa demonyo rin pala si Gika eh. "Pero inexplain naman na niya ang nangyari." sabi niya lang sakin. Nag usap lang kami saglit. At sumama na ako sakanila. Todo iwas ako kay Theo. Kung may mga chances na magtatabi kami lumalayo ako.

Pabalik na kami sa rest house. Ako ang nahuli dahil kinuha ko pa phone ko dun sa pinag upuan ko nung kausap ko si G.

"Dan, sinasabihan na kita habang maaga pa." nagulat ako kay Ken. Tinignan ko siya. Akala ko nauna na siya. "Ano nanaman?" tanong ko sakanya. "Akala mo di kita inoobserbahan? Please. Don't commit the same mistake na nagawa ko" sagot niya sa akin.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig.

"Na aattract ka na kay Theo? Alam ko. Alam ko, Dan. Alam ko pakiramdam. Alam ko tumatakbo sa isip mo. At alam kong nagguilty ka kapag kinakausap mo si G" sabi niya sa akin. Para niya akong sinisigawan. "What the hell do you know, Ken? Bakit parang inaakusahan mo na ako sa bagay na hindi ko naman ginagawa. Na ikaw ang gumawa noon?" tanong ko sakanya. "I know you, Dan. I know you more than anyone else. Alam ko bawat kilos mo. Kahit pilitin kong hindi pansinin. Alam ko" sagot niya sa akin. "Kilala mo ako noon, Ken. Hindi na ngayon." sabi ko sakanya. "Tsaka ano bang kinakagalit mo ha? Bakit ganyan ka mag react?" tanong ko sakanya. Hindi siya umiimik.

"Ano? Di mo masabi? Kasi wala kang basis sa mga pinag sasabi mo. Wag kang maghanap ng kadamay para maging valid yung ginawa mo noon." dagdag ko pa. Mag wwalk out na sana ako pero nagsalita pa.

"5 years, Dan. 5 years tayong magkasama. Tingin mo ba ganun kadali kalimutan lahat?" sabi niya pa. Tumingin ako sakanya. "Hindi na kita mahal ha? Ang ibig ko lang sabihin, kahit pag hinga mo kabisado ko na. I'm warning you as a friend. Ayokong malagay ka sa pangit na sitwasyon." sabi niya pa sa akin.

"No, Ken. Jan ka nagkakamali. You don't know me that well. Nag adjust lang ako standards mo. Pero hindi yun ang gusto ko. Nalagay mo na ako sa pangit na sitwasyon noon. Naiintindihan kong concern ka." sabi ko sakanya at naglakad na.

Sorry, Ken. Defensive mechanism.

Nagulat ako dahil nakatingin pala sila sa amin. Hindi ko alam kung rinig pero malabo kasi malayo kami. I can see their eyes are so curious. Kahit si Trish. Di ko na lang sila pinansin at ako na ang naunang pumasok sa banyo. Hindi ko pa nasasara pumasok din si Theo at nilock yung pinto. "Anong ginagawa mo?" tanong ko sakanya. "Are you okay?" tanong niya sa akin. "Oo, Theo. I'm okay. Lumabas kana at baka ano isipin nila" sabi ko sakanya. Lumabas naman siya agad. Nag banlaw na ako. Pag tapos ko ay humiga ako sa kama at nag phone lang habang sila nagkukulitan sa sala.

Tayo? Minsan oo, minsan hindi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon