Chapter 7

14 5 1
                                    

Halos buong araw naglalakad lang kami.

"Huy grabe ang ganda ng Baguio" sabi ni Mae at Bea ng sabay. Nasa may veranda kami ng SM Baguio. Sobrang foggy. Pero kumakain kami ng icecream ng Jollibee. Nag ring phone ko. This time, si G na ang kumuha ng phone ko sa bag at tinignan niya sino tumatawag.

Si mama.

Inabot niya sa akin at sinagot ko tawag ni mama.

"Danielle, bakit hindi ka man lang tumawag ngayong araw?" rinig ko pag aalala ni mama. "Ma, nag gala kasi kami di ako nag pphone gaano" sabi ko sakanya. "Ganun ba sige ingat ka jan anak" sabi lang ni mama at binaba na ang tawag.

Nagka ayaan ng bumalik sa transient. Sabi ko, mag ccr lang muna ako. Pabalik na ako sakanila ng may nag vvibrate sa bag ko. Pag check ko, phone ni G. May nag chchat. Gika ang pangalan.

Eto yung ex niya.

Nakikita sa lockscreen yung chat.

'Okay lang naman ako. Ikaw? Kamusta ka na'

Yan ang sabi nung Gika.

Di ko alam pero parang nawala ako sa mood. Naglalakad na kami papuntang taxi bay. Mula kanina, tabi kami ni G. Pero ngayon, sa harap ako umupo para wala ako katabi. Natahimik lang buong byahe pabalik sa transient. Nang makarating kami, lahat sila umupo sa sofa.

"Kakain pa ba tayo?" tanong ni Bea.

"Oo. Order na lang muna" sabi naman ni Mae.

"May gusto ka ba?" alam kong ako tinatanong ni G. Umiling ako. "Inaantok na ako." sabi ko. Inabot ko sakanya phone at wallet niya at pumasok na ako sa kwarto. Naririnig kong nagtatanungan sila ng oorderin. Humiga na ako.

Hindi ko maintindihan nararamdaman ko.

Narinig kong bumukas ang pinto at sumara. Naramdaman ko ring may tumabi sa akin.

"Nung nakaraan pa ako nangamusta kay Gika" Si G, nag eexplain.

Ganito niya ba ako kakilala? Ang galing niya lagi alamin kung anong nararamdaman ko. Pero dahil nga ba dun ako nababadtrip?

"Parang last month pa. Ngayon lang siya nag reply. Kahit tignan mo pa." sabi pa niya sa akin. Nakatalikod ako sakanya. "Bakit ka nag eexplain?" tanong ko sakanya.

"Wala. Pakiramdam ko lang kailangan ko mag explain para di ka na mainis" sabi niya.

Gusto ko ng tanungin kung gusto ba niya ako. Pero next time na lang. Baka isipin niya nag aassume ako.

"Wag mo ako gustuhin, Dan. Ayokong magka tampuhan tayo." sabi niya.

Parang may nabasag sa akin sa loob ko.

Yung sakit na naramdaman ko kay Ken noon, parang ganto din nararamdaman ko ngayon.

Akala ko napipigilan ko sarili ko. Pero parang hindi ata. Parang tinatago ko lang na gusto ko pala si G. Pero malinaw na malinaw na hanggang magkaibigan lang kami. Pero ang labo kasi most of the time, pinaparamdam niya sa akin special ako.

"Giving you are reason na wag balikan si Ken. Tell me, anong reason ang binigay mo sakin" tanong ko sakanya.

"Na kaya ng iba ang mga ginagawa ni Ken, higit pa." simpleng sagot niya lang sa akin.

Meaningless sakanya yung kiss na yun pero passionate para sakin yun.

"Okay" sabi ko lang sakanya. "Lika na, di ka ba kakain?" usual niyang aya sa akin.

Alam mo yung pakiramdam na papakiligin ka tapos parang sasabihin sayo na wag kang kiligin ha? Umiwas na lang ba ako? Or mawawala lang din naman to? "Inaantok talaga ako. Maaga pa tayo bukas." Sabi ko sakanya. Nagulat ako ng buhatin niya ako.

Tayo? Minsan oo, minsan hindi.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon