Buti na lang at hindi naman kaklase si Gika sa mga subjects namin ngayon. Kasi kung oo, ewan ko na lang talaga. Hindi ko pa nga alam kung ano sasabihin ko kay G. Masisiraan na ata talaga ako ng bait. Sobrang aga ko pumasok para lang mag sorry.
"Dan!" tawag sa akin ni Bea. Napatakbo ako sakanya at sinabi ko kung anong nangyari kagabi. "Tampalin kaya kita" yan lang ang nasabi niya sa haba ng kwento ko. "So, ano na nga? Paano gagawin ko?" tanong ko sakanya. Umiling siya. "I really don't know, Dan. Hmm" sabi niya pa na parang nag iisip. "Bakit nga ba nasabi mo pangalan ni Ken?" tanong niya sa akin.
"Yan din tanong ko." sabi ko sakanya. Hinintay namin na dumating si G. At nang makarating na siya, ngumiti lang siya sa akin na parang wala lang nangyari. Bakit imbis na matuwa ako lalo ako nag papanic? "Good morning." bati niya sa akin. Bakit di ka galit?
Na ffrustrate na ako.
"About last night." sabi ko. Hinagkan niya ako sa noo. "Overthinker." sabi niya sa akin at kinuha na kamay ko para hawakan at sabay kaming pumasok sa room. "Si OA ka pala" bulong ni Bea sa akin. "Hi Dan" shaks. Bakit naman bumati kapa, Ken? Nag wave lang ako ng kamay sa kanya at tinitigan si G. Parang wala lang sakanya. Dumating na rin si Mae. Tinitigan niya kamay namin ni G. Umirap siya.
"Pag wala si Gika, si Dan. Tapos pag si Gika nanjan, parang wala si Dan." sabi ni Mae.
Ano yun, Mae?
"Di kasi updated kaibigan natin. Ako na bahala mag update" sabi ni Bea sa akin. Umiling na lang ako. "Kay Dan lang naman ako. Ayaw lang niya ako angkinin." malakas na sabi ni G. Napatingin halos lahat sakanya. "G?" tawag ko sakanya. Ngumisi lang siya.
Hindi talaga ako mapakali.
"Hala. Nakalimutan ko! Happy Birthday, Gab!!!!!" sigaw ni Bea kaya kinantahan nilang lahat si Gab. Si Gab na hiyang hiya ngayon. "Uy. Salamat." sabi pa niya. Lutang ako today. Basta ang alam ko may celeb mamaya kila Gab. Ang sakit sakit sa ulo naman nito. Nang matapos lahat ng klase nagkumpulan kami sa tapat ng school. Hinagkan ulit ni G ulo ko. "Ano bang iniisip ng utak mo at kanina kapa aligaga." sita niya sa akin. "Hindi ka ba galit?" tanong ko sakanya. Umiling siya. "Bakit naman? Magkaibigan tayo naiintindihan ko naman." sabi niya. Biglang tumigil ang mundo ko.
Magkaibigan.
"Pre, sunod ako. Kailangan ko lang talaga puntahan muna si mama." sabi ni G kay Gab. Tumango lang si Gab. Nilapitan ni G si Gab at may binulong. "Pupunta ako." bulong ni G sakin. Pero parang wala akong naririnig. Nahihirapan akong huminga. Bakit naman kasi ngayon pa birthday ni Gab. Di ako maka escape. Pinipigilan ko maging emotional. "Ken!" tawag ni Bea kay Ken na kasama si Trish. Lumapit yung dalawa samin. Tinitigan ako ni Ken. "Uy." sabi ni Ken kay Bea. Magkaholding hands sila ni Trish. Okay na yata ulit sila. "Ano nangyari jan?" tanong ni Ken kay Bea at tinuro ako gamit nguso niya. "Warla ata ti" sabi lang ni Bea kay Ken. "Dan, si Trish. Girlfriend ko na may label. Trish si Dan, yung ex ko na pinagseselosan mo." sabi ni Ken. Sabay namin siyang nahampas ni Trish. "Hi." sabay din naming bati sa isa't isa ni Trish at nagkamayan.
"May similarity." puna ni Tofi.
Hindi na ako nakipag biruan sakanila. Pero inaya nila yung magjowa pumunta kila Gab at pumayag naman. Pumunta na kami.
So, ano ibig sabihin ng mga pinagsasabi niya nung nakaraan? Silly because akala ko tanggap ko na. Umasa pa rin pala talaga ako. Hay. "Pang ilang buntong hininga mo nayan" sita ni Gab at inabutan ako ng alak. "Isang oras ka na naming kasama dito sa bahay pero parang naiwan ka sa school." puna niya pa. Di lang ako umiimik. "Susunod yun." sabi ni Tofi.
"Bumabalik nanaman kami sa 'friends' mode niya. Akala ko okay na eh. May pa 'I'm all yours' pa siya." reklamo ko. May halong alak na ata utak ko. Hindi ko na napipigilan bibig ko. Ininom ko binigay na alak ni Gab sa akin.
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Teen FictionAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.