Hindi ako makahinga.
Pinipilit kong mag inhale at exhale pero hindi ko magawa. Nakatitig lang ako sa kanya habang siya papalapit sa akin. Ang bagal ng galaw ng mundo ko ngayon. Ang init na ng mata ko dahil sa luhang bumabagsak. Hindi ko alam pero walang lumalabas sa bibig ko. Naba blangko ako. Naramdaman kong inaalog alog na niya ako.
"Dan. Listen to me" Paulit ulit niyang sabi sa akin.
"Dan.. Bakit ka nandito?" Tanong niya sa akin.
Wala akong masabi. Pero hindi mawala sa isip ko ang nakita ko. Ang boyfriend ko, may kayakap na iba. Napadaan lang ako dito sa centris walk para sana tignan kung anong meron sa bazaar. Hindi ko naman inaasahan na may makikita ako. Hindi mawala sa isip ko ang paghalik ng boyfriend ko sa noo ng babae at sabay napatitig sakin ng alalang alala.
"Dan!" Medyo malakas niyang sabi. Sapat na para maibalik ako sa realidad. Wala na lang ako nasabi at tumalikod na sakanya at tumakbo papalayo. Naririnig ko pa ang pagtawag niya sa akin. Nang makalayo ako lumingon ako sa likod ko. Mas nasaktan ako ng makitang wala siya sa likod. Napa upo ako sa may hagdan paakyat ng MRT. Gusto ko ng humagulgol. Pero dahil 5pm at rush hour ang daming tao. Nagpipigil ako.
5 years. Simula 2nd year high school hanggang ngayong 3rd year college na kami. Sa pag sasama namin ito na ang pinaka masakit na nangyari. Para akong binibiyak. Nag vvibrate phone ko. Alam kong siya ang tumatawag. Tumayo na ako at nag desisyong umuwi na.
Bahala na.
"Dan!" Habang naglalakad na ako narinig ko pangalan ko. Ayoko sana lumingon. "Uy Dan! Dito ka pala. Anong ginagawa mo di-- umiiyak ka ba?" Si G. Kaklase ko. "Sorry." Sabi ko na lang at naglakad na palayo. "Uy pre. Andun si Dan" rinig kong sabi ni G. Alam ko kung sino kausap niya.
Mas binilisan ko pa maglakad.
Nasaktan ako nung di niya ako hinabol.
Pero ayoko siyang makita muna.
"Dan"
BINABASA MO ANG
Tayo? Minsan oo, minsan hindi.
Novela JuvenilAno ba tayo? Kasi hindi ko maintindihan. Minsan parang tayo. Minsan parang hindi. Magulo.