A/N: Akala ko Friday ang update schedule ko, since nasanay akong every Friday may update 😅 Thursday pala ang naisulat ko sa last chap 😅. Anyway, konting tiis na lang, next month, may Fix schedule na uli tayo.
Lycan XXXIX: Ang Pagtugon
NAPASINGHAP at 'di mapigilang mamilipit sa sakit ni Lucien matapos muling kumirot nang matindi ang ibabang parte ng kaniyang tiyan, partikular na ang ibabang bahagi ng kaniyang puson. Kasalukuyan siyang padapang nakahiga sa ibabaw ng malaking kama ng Hari. Nababalutan iyon nang makapal at malambot na sapin na gawa sa balahibo ng isang hayop. Hindi na niya maalala kung gaano na siya katagal nakakulong sa malawak na silid na iyon. Tatlo? Apat na araw? Hindi niya alam. Dahil sa nakalipas na mga araw, ay wala siyang ibang ginawa kundi ang humiga sa kama na iyon at mamilipit sa sakit habang patuloy na nagaganap ang mga pagbabago sa kaniyang buong katawan.
At sa kinamalasan niya pa, ay sinasabayan rin ito nang pabugso-bugsong pagkirot ng kaniyang marka at pabago-bagong kondisyon ng kaniyang pheromones sa tuwing wala sa kaniyang tabi si Calix. Mapait siyang napangiti. Ito lang naman ang dahilan ng kaniyang paghihirap ngayon, ngunit nakakatawang ito rin ang hinahanap at lubos na kailangan ng kaniyang katawan. Sa ayaw man niya o sa gusto, wala siyang ibang magawa kundi ang manatili palagi sa tabi nito. Marahil dahil din dito kung kaya't hindi na siya nito muling sinuotan pa ng collar at ikinadena sa leeg.
Naiinis naman siyang mariing napaungol nang maramdaman niyang nagsisimula na namang mawala sa tamang balanse ang kaniyang pheromones. Ni wala pa ngang limang minuto mula nang magtungo si Calix sa paliguan upang maligo ay nagkakaganito naka agad ang kaniyang pheromones! Napailing na lang siya dahil sa labis na pagkadismaya habang pilit na kinokontrol at binabalik sa normal na ayos ang kaniyang pheromones. Pero lintik lang! Bakit ayaw makinig ng mga ito sa kaniya?!
Bahagyang napapitlag naman si Lucien nang maramdaman niya ang paglabas ng hari mula sa paliguan, kasunod nang mabilis nitong paglapit sa kaniya. Pigil ang kaniyang hiningang inaabangan niya ang gagawin nito, at noong maramdaman niya ang paglundo ng bahagi ng kama sa kaniyang likuran, ay buong lakas niyang pinigilan ang sariling lumapit rito. "Lucien, bumangon ka na't maligo. Naihanda ko na pinapahandang maligamgam na tubig ng punong mangangagamot. May mga bulaklak doong nakalagay na ang aroma ay maaaring makapawi sa iyong masamang pakiramdam."
Hindi naman niya mapigilang magitla nang maramdaman niya ang pagdampi ng kamay nito sa kaniyang balikat. Isa pa ito sa kaniyang pinoproblema ngayon. Masyado kasing maselan at sensitibo kung magreak ang kaniyang katawan sa mga haplos nito ngayon— na para bang uhaw na uhaw siya sa atensyon nito. Nahihirapan na rin siyang pigilan ang sariling tumugon sa mga sensuwal nitong mga haplos at mga halik, at makailang beses na rin niyang nakita ang sariling sumuko sa epekto ng mating bond. Mabuti na nga lang at hanggang doon lang ang ginagawa nito at hindi pa nito muling tinatangkang angkining muli ang kaniyang katawan.
Hindi pa nakakatulong sa kaniya na batid niyang alam ng hari kung ano ang kaniyang nararamdaman ay epekto ng mga haplos nito sa kaniya. Tiyak siyang iyon ang dahilan kung bakit napapadalas ang mga pasimple, o 'di kaya ang mga hindi nito kunong sadyang paghaplos sa mga sensitibo at maselang parte ng kaniyang katawan, sa tuwing tinutulungan siya nitong kumilos at kumain. Hinahayaan na lamang niya ito dahil maliban dito, ay wala na itong nakukuha pang reaksyon mula sa kaniya.
"Lucien." ang muli nitong pagtawag sa kaniya nang hindi niya ito sinagot.
Ngunit hindi pa rin niya ito pinansin, katulad ng ilang araw na rin niyang hindi pagkausap at pagpansin dito. Masama pa rin kasi ang kaniyang loob matapos niyang marinig ang mga sinabi ng manggagamot dito noong nakaraan. Wala naman kasing nakapagbanta sa kaniya na magdurusa pala siya ng ganito! At 'di lang ng isang araw, kung hindi, ay maaari pang abutin ng isang linggo! Hindi lang 'yon—dahil pagkatapos pa nun, ay maghahanda naman ang kaniyang katawan upang siya'y magbuntis at mararanasan niya ang kaniyang unang heat.
YOU ARE READING
Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)
Werewolf" Nanalo ako. Akin ka na ngayon. " malamig na saad ng lalaking sakal sakal siya at ang sanhi ng kaniyang paghihirap ngayon. " Ako, si Haring Calix Silvestre, tinatanggap at pinipili bilang aking mate si Alpha Lucien Darus. Subalit, dahil sa ginawa n...