Lycan L: Ang Nalalapit na Koronasyon

1.1K 55 14
                                        

NAKAPAG UPDATE DIN 😭
GOSH. Para na akong kabute. Nasulpot bigla tas mawawala uli 😅 Next time na yung BDSM special chapter part 2, unahin ko lang muna 'tong main story at baka ma-writer's block na naman tayo.

Lycan L: Ang Nalalapit na Koronasyon.

"Mabuti naman at dumating ka na, kamahalan." ang saad ng ama ni Lucien-na sa kauna-unahang pagkakataon, mula ng dumating ito, ay nagsalita-habang diretsong nakatingin sa mga mata ni Calix. "Makakapag-usap na rin po tayo, sa wakas."

Sa hindi maunawaang dahilan ni Calix, napalunok siya't nakaramdam bigla ng pagkailang.

GAYON pa man, ay matapang at malamig niya pa ring sinalubong ang matalim na mga tingin sa kaniya ni Alpha Laxus, ang ama ni Lucien. Ang maputlang kulay asul nitong mga mata ay sinasalamin ang nay matinding pagka-disgusto nito sa kaniya. Hindi naman maipagkakailang dito nakuha ni Lucien ang halos lahat ng pisikal na anyo nito. Mula sa tikas at hubog ng katawan nito, hanggang sa kulay ng balat at mga mata nito. Nagkaiba lamang sila sa hulma ng mukha at kulay ng buhok. Dahil kung abo ang kay Lucien, kulay tanso naman ang kulay ng bagsak na buhok ng ama nito, na ang haba ay abot sa ibabaw ng batok nito. Simple lang ang suot nitong damit, tanging ang kapa lamang nito at isang kulay tansong mahabang pang ibabang kasuotan lang ang suot-suot nito.

Sandali pa siyang nakipagsukatan ng tingin sa ama ni Lucien bago niya ibinaling sa ina ni Lucien ang kaniyang paningin. Sumalubong naman sa kaniya ang isang pares ng matingkad na kulay luntiang mga mata, bagama't nananatiling pormal at blanko ang mukha nito ay 'di naman nakaligtas sa kaniyang paningin ang pagka-disgusto rin nito sa kaniya na pinilit nitong ikinukubli sa likod ng mga mata nito.

Bakas sa mukha ng ina ni Lucien ang pagiging alpha at dominante nito, dahil 'di tulad sa mga babaeng submissive at omega na mayro'ng malamlam at maamong mukha, matapang ang dating ng huwangis ng mukha nito, maliban pa sa dominanteng presensya ng lobo nito. Kahit hindi kilala ang pack ng mga ito, o maski kabilang sa rango ng mga malalakas at malaking pack, batid naman niyang hindi rin basta-basta ang mga ito. Lalo pa't karamihan ng mga miyembro nito ay mga dominante.

Kaagad namang napayuko ng ulo ang ina ni Lucien nang magtama ang kanilang paningin kasabay ng kakambal ni Lucien-na nakalimutan na niya ang pangalan-at ang isa pang kasama ng mga ito na isang dominanteng lalaking Lycan, bilang pagbibigay galang sa kaniya.

"Kamahalan." ang pagbati ng mga ito sa kaniya pagkatapos ng mga itong magbigay ng paggalang.

"Magandang hapon po sa inyo, kamahalan, nalulugod kami at napaunlakan niyo kami ng inyong oras." ang pormal pang dagdag ng ina ni Lucien.

"Ako nga po pala si Luna Selicia, ang ina ni Lucien." ang pagpapakilala nito. "At kung hindi ako nagkakamali, ay ito ang unang beses nating pagkikita."

Isang tipid na pagtango naman ang tanging itinugon niya rito bago niya ibinaling kay Lucien ang kaniyang atensyon. Kasalukuyan naman itong abala sa pagpukol ng matatalim na tingin sa lalaking dominanteng Lycan na nakaalalay sa kakambal nitong lalaking omega. Isang tingin pa lang sa lalaking omega ay alam na niya kung bakit nagpupuyos ngayon sa galit ang kaniyang Luna. Ang pinoprotektahan nito-ang puno't dulo kung bakit ito humantong at nakulong sa kaniyang mga palad-ay heto't markado na't tila nagdadalang tao na rin.

'Mukhang hindi ata maganda ang iyong timpla, aking luna.' ang nang-iinis niyang pagkuha sa atensyon ni Lucien gamit ang kanilang mindlink habang naglalakad siya papalapit rito. 'Hindi ka ba masayang nakita sila?' dagdag niya pa.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon