Lycan XXXVIII: Ang Mga Pagbabago

1.4K 82 31
                                        

So ayun, nanaig si Green flag 🤣 Which is, ito talaga ang original na ideya ko for this chapter. Pero ewan ko, kung green flag scenes na ba 'to hahaha green flag na kasi 'to para sa akin.

At ang kantang -- Lose Control by Teddy Swims -- ang may dahilan kung bakit nagkaroon ng red flag scenes na ideya sa utak ko eh. Ewan ko ba, pero unang dinig ko sa song na iyan, si Calix kaagad una kong naimagine.

Lycan XXXVIII: Ang Mga Pagbabago.

MALAYO ang tinging nakatanaw si Lucien sa labas ng may kalakihang bintana ng silid ng Hari, kung saan ay kasalukuyan siyang nakapiit. Dismayado at puno ng lungkot ang kaniyang mga mata habang tahimik niyang pinapanood ang mga nagsasanay na kawal ng hari mula sa isang malawak na kapatagan, ilang kilometro ang layo mula sa kaniyang kinaroroonan. Tanging isang mahabang pang ibabang kasuotang gawa sa balahibo ng lobo ng Hari lamang ang kaniyang suot.

Hanggang ngayon, ay hindi niya pa rin matanggap ng lubusan ang naging resulta ng kanilang duwelo. Kung paanong wala man lang siyang halos nagawa upang mapigilan itong ganap siyang mamarkahan. Hindi pa nakakatulong sa kaniya ngayon ang masama niyang timpla at bahagyang panghihina ng katawan. Bagama't wala naman na ang mga bakas ng mga pinsalang kaniyang natamo sa kaniyang katawan mula sa naganap na duwelo, sa hindi niya maunawaang dahilan ay labis pa ring nanghihina ang kaniyang buong katawan.

Pero ang bagay na lubos niyang hindi matanggap ngayon, ay ang nakasuot sa kaniyang leeg na isang manipis na collar na gawa sa pilak at pinapalamutian ng mga kulay asul na batong hiyas. Hindi pa nakuntento rito ang hari at isang mahabang manipis subalit matibay na kadenang gawa rin sa pilak ang nakakonekta roon na ang kabilang dulo ay nakadikit naman sa pader ng silid na malapit sa kanilang kama.

Hindi niya maunawaan kung para saan pa iyon— kung bakit kailangan pa siya nitong ikadena na animo'y isang hayop! Wala naman siyang magagawa kung pagbabawalan siya nitong lumabas ng silid na iyon dahil sa marka ng aliping iginawad nito sa kaniya! Ano't kailangan pa nitong isuot iyon sa kaniya? Para saan? Ano pa ba ang gusto nitong maatim? Ano pa ba ang gusto nitong makuha mula sa kaniya?!

Ano pa ba?!

Malalim naman siyang napabuntong hininga nang maramdaman niya ang papalapit na presensya ng Hari. Isang araw pa lamang ang nakakalipas mag mula noong magising siya rito sa loob ng silid na ito matapos ng kanilang duwelo, pero halos masakal na kaagad siya sa presensya nito. Sapagkat sa tuwing nakikita niya ito ay naaalala lamang niya ang mga naganap sa kanilang duwelo. Hindi pa nakakatulong ang nararamdaman niyang pagkadismaya at paninisi sa sarili ng kaniyang lobo, na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam sa kaniya.

Makalipas nga lang ng ilang minuto ay narinig na niya ang pagbukas at pagsara ng pinto, kasunod nang muling pagkalat at pagpuno ng pheromones ng hari sa bawat sulok ng silid na iyon. Mabilis namang binalot ng tensyon ang buo niyang katawan nang marinig niya itong malalim na napahinga habang tila lazer naman ang mga mata nito kung makatingin sa kaniya. Bagama't ramdam niya pa rin ang galit nito dahil sa ginawa niyang pagtakas, ay nararamdaman din naman niya ang nararamdaman nitong kasiyahan at pagiging kontento. Nabawasan na rin ang madalas nitong pagpapakawala nang nang-aangkin na pheromones at sa halip, ay napalitan iyon ng pheromones nitong nagbabanta laban sa ibang dominanteng Lycan.

"Lucien," ang malamig nitong pagtawag sa kaniyang pangalan. Hindi naman niya ito pinansin at nagpatuloy lamang siya sa panonood sa mga kawal. Hindi naman nito nagustuhan ang kaniyang ginawa.

"Lucien." ang pag-uulit nitong pagtawag sa kaniyang pangalan gamit ang alpha tone nito dahilan upang mapilitan siyang lingunin ito.

Pero dagli din niyang iniwas ang kaniyang paningin nang sandaling magtagpo ang kanilang mga mata. Masyado kasing matindi ang epekto ng pagkakatitig nito sa kaniya. Blanko ang mga matang tinignan na lamang niya ang dala-dala nitong isang buslo ng pagkain, na naglalaman ng mga prutas na mayro'ng kasamang karneng nakalagay sa isang babasaging plato.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon