Lycan XX: Collar

5.4K 220 38
                                        

Lycan XX: Collar.


Halos dalawang oras lang ang ipinahinga ni Lucien matapos ng kanilang pagtatalik ni Calix, nang gisingin siya nito upang kumain. Umalis naman kaagad ito nang magising siya at nagpaalam na may kukunin lamang saglit. Inis na lamang niyang sinundan ng tingin ang matipuno nitong likuran. Sinamantala naman niya iyon upang makaligo uli dahil hindi niya talaga maatim na maamoy na nakakapit sa kaniyang katawan ang amoy ng binatang hari. Batid niyang nilinisan siya nito dahil wala ng bakas ng kahit anong likidong ipinatak nito sa kaniyang katawan ang makikita sa kaniyang dibdib, maliban na lamang sa mga bakas ng latay at pamumula sa kaniyang dibdib at mga hita.

Mariin naman siyang napapikit nang bigla niyang maalala ang ginawa niyang pagmamakaawa at pag-iyak sa harapan nito matapos siya nitong i-knot- Inis siyang napahawak sa tungki ng kaniyang ilong dahil sa lubos na pagkahiya. Sa tanang buhay niya ay hindi niya naisip ni minsan na mararanasan niya ang bagay na iyon. Wala naman siyang ibang maisip na dahilan ng binatang hari upang gawin iyon sa kaniya maliban na lamang sa pagnanais nitong pababain ang kaniyang dangal at saktan ang kaniyang pride- na matagumpay naman nitong nagawa! Hindi naman niya maiwasang makaramdam ng pagkainis sa kaniyang sarili sapagkat hinayaan niya iyong mangyari.

Bigla naman siya napamura at napasinghap sa sakit nang sa paggalaw niya sa kaniyang mga paa upang ibaba mula sa higaan at ilapat sa batong sahig, ay siya namang pagsirit nang matinding sakit mula sa kaniyang lagusan. Isang mariing paalala sa kaniya ng mga naganap kaninang umaga. Napakuyom na lamang siya ng kaniyang mga kamao at saka pinilit ang sariling tumayo. Hirap man sa kaniyang paglalakad ay pinilit pa rin ni Lucien na magtungo sa paliguan, dahil mas masidhi ang kaniyang pagnanasang burahin ang amoy ni Calix na nakakapit sa kaniyang katawan kaysa ang pagtuunan ng pansin ang sakit na kaniyang nararamdaman.

Sakto namang pagkatapos niyang maligo at paglabas ng paliguan ay siya ring pagdating ni Calix na kasalukuyang may bitbit-bitbit na isang mahabang pang-ibabang kasuotan na gawa sa pinaghalong kulay itim at abong balahibo ng Lobo nito- isang buslo ng mga purtas at ilan pang mga bagay na hindi niya matukoy. Kasalukuyan nitong hindi suot ang kapa nito at tanging isang mahabang pang-ibabang kasuotan lamang ang suot-suot na gawa naman sa isang makintab na kulay itim na balahibo ng isang ibon.

Sandali naman itong natigilan at napatitig sa kaniya bago ito napangisi. Marahan nitong inilapag ang mga bitbit nito sa higaan nito bago ito dahan-dahang lumapit sa kaniya kaya. Naghihinala naman niya itong tinignan habang inaayos niya ang pagkakatapis ng tuwalya sa kaniyang beywang. At gaya ng kaniyang inaasahan, ay hinapit na naman siya nito sa kaniyang bewang at marahas na siniil nang halik. Ngunit ang hindi niya inaasahan ay ang ginawa nitong muling pagbalot sa kaniya ng pheromones nito!

'Aba't-- talaga namang buwisit ang hayup na 'to!' ang nasisiphayong asik ni Lucien sa kaniyang isipan dahil sa isang iglap ay nabalewala lang ang kaniyang ginawa.

Naramdaman niya ang pagngisi ng mga labi nito sa kaniyang mga labi dahilan upang mas lalong siyang makaramdam ng pagkairita. Nagpupuyos man sa matinding pagkainis ay nagpaubaya na lang siya dahil nanghihina pa rin siya mula sa kanilang pagtatalik kaninang umaga. At pilit man niyang itanggi sa sarili, ay hindi niya maitatago na nakakaramdam siya ngayon ng takot sa binatang hari matapos ng ginawa nito sa kaniya kaninang umaga.

"Ibuka mo ang bibig mo." ang utos nito matapos nitong pakawalan ang kaniyang mga labi, dahil parang estatwa lamang siya nitong hinahalikan.

Bumuka ang kaniyang bibig upang sana'y angilan ito subalit agad lamang din niya iyong mariing isinara, at bagkus, ay sinamaan na lamang niya ito ng tingin. Ngunit agad lang din siyang napaiwas nang tingin, at sa halip, ay ang hubad at matipunong dibdib na lamang nito ang pinagtuunan niya ng matalim niyang tingin- matapos umarko ang kaliwang kilay nito nang hindi niya sundin ang utos nito. Ayaw at naiirita man siya ay napilitan na lamang siyang sundin ito upang matapos na kaagad. Napangisi naman muna muli ito bago nito ipinasok ang dila sa loob ng kaniyang bibig at pangahas na ginalugad ang loob nito. Walang nakaligtas na kahit anong parte ng kaniyang bibig mula sa mapang-angkin nitong dila at mga labi.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon