Lycan LII: Ang Babala

914 50 13
                                        

Lycan LII: Ang Babala

"TALAGA bang inuubos mo ang pasensya ko, huh, Lucien?" ang malamig at nakakatakot na saad ng isang pamilyar na tinig mula sa likuran ni Lucien, ang nagpagitla sa kaniya sa gulat.

Naiinis naman napaungol si Lucien sa kaniyang isipan dahil sa kaniyang pagkahuli. Ito na yata ang ika-apat niyang pagsubok na makalabas sa teritoryo ng palasyo, at sa pagkakataon ngang ito ay sa kakahuyan na nga siya dumaan. Nakakita kasi siya rito ng daan habang nagpapatrolya sila rito kanina ni Calix—na bagama't tatlong araw na niya itong hindi pinansin—ay hindi naman siya pumapalyang sumama ritong magpatrolya tuwing umaga. Ngunit kahit saan yata siya magsuot ay hindi niya magagawang makapagtago mula sa paningin ni Calix, at palagi na lamang siya nitong nahuhuli.

Pero gaya ng kaniyang nakagawian tuwing nahuhuli siya nitong nagtatangkang tumakas, ay hindi niya ito pinansin at patay malisya lamang niya itong nilagpasan. Iyon nga lang, ay mukhang napuno na niya yata si Calix sa pagkakataong ito. Dahil sa halip na hayaan lamang siya nito, katulad ng ginagawa nito sa nakalipas na tatlong araw—ay nakita na lamang niya ang kaniyang sariling piin-piin ni Calix sa katawan ng isang matandang puno.

"Mag-usap nga tayong dalawa." ang mariin nitong saad habang nakalagay sa magkabilang gilid ng kaniyang ulo ang dalawang kamay nito at matalim ang mga matang nakatingin sa kaniya. Hindi naman siya nagpasindak at matapang niya ring sinalubong ang galit nitong mga tingin.

"Pakawalan mo ako." ang tipid subalit malamig na utos niya kay Calix sabay tulak sa dibdib nito palayo sa kaniya. Ngunit tulad niya, ay hindi rin ito nagpatinag.

"Hindi ka ba talaga titigil sa iyong ginagawang pagtatangkang tumakas, huh?"

Napangisi siya.

"Kung pinayagan mo lamang sana ako, hindi mo sana ako ngayon pinoproblema ng ganito."

"Lucien." ang tiim bagang at tila nauubos na ang pasensyang sambit nito sa kaniyang pangalan. "Sinabi ko namang maghintay ka muna hanggang lumabas ang resulta kung ikaw ay nagdadala o hindi, hindi ba?"

"At paano kung buntis nga ako?" ang nanghahamong tanong niya rito. "Papayagan mo ba akong umalis?"

Hindi naman kaagad sumagot si Calix at bagkus ay nanatili lamang na matalim na nakatingin sa kaniya. Maya-maya pa ay mapaklang napangiti si Lucien matapos lumipas ng ilang segundo at hindi pa rin sumasagot si Calix. Sa kasamaang palad ay hindi niya napansin ang pag-iiba ng mga mata nito nang sandaling sumilay ang mapait na ngiti sa kaniyang mga labi.

"Hah! Kita mo na? Hindi ka ngayon makasago—hmmmp!"

Laking gulat na lamang ni Lucien nang isang mapusok na halik ang mabilis na iginawad sa kaniya ng Hari. Hindi na siya nakapalag nang mariing hawakan ni Calix ang kaniyang panga't mga pisngi upang sapilitang maibuka ang kaniyang mga labi, at maipasok nito sa loob ang dila nito.

"Hmmp!" ang mariing protesta ni Lucien habang pilit na inaalis ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang mukha.

Ngunit mas ginagawa niya iyon, ay mas lalo ring nirarahasan at dinidiinan ni Calix ang pagkakahawak at paghalik nito sa kaniya. Hindi pa ito nakuntento roon at dahan-dahan pa siya nitong ini-aangat dahilan upang mapilitan siyang mapatingkayad at mapakapit sa mga balikat nito. Sa kasamaang palad ay tila hindi pa rin ito kontento roon at may iba pa itong nais mangyari, dahil ang isang kamay nito ay dahan-dahang gumagapang patungo sa kaniyang kaliwang hita dahilan upang mahawi ang suot-suot niyang kulay pilak na kapa, na mayro'ng pangmaharlikang desinyo na gawa sa kulay pula at gintong sinulid.

Sunod na lamang na namalayan ni Lucien ay nakaangat na siya mula sa lupa habang nakasukbit sa balakang nito ang kaniyang mga paa at ang kaliwang kamay nito ay nakaalalay sa kaniyang pang-upo. Muli naman siyang mariing napaungol bilang pagprotesta nang maramdaman niya ang pagdampi ng isang bukol sa pagitan ng mga hita ni Calix sa kaniyang kaselanan. Kahit kapwa natatakpan ng suot nilang mahabang pang-ibabang kasuotang gawa sa balahibo ang kanilang mga ari, ay hindi naman niyon kayang mapigilan ang pagdaloy ng kakaibang init at kuryenteng nagmumula roon, dahilan upang kapwa sila mapaungol.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon