Lycan XXXIV: Ang Estranghero
LABING ISANG araw na ang nakakalipas magmula nang makatakas mula sa mga kamay ni Calix, si Lucien. Halos apat na araw din niyang sinuyod ng mabuti ang buong kagubatan ng Carasaen, ang lugar kung saan huli nilang naamoy ang amoy ni Lucien, subalit bigo siyang matagpuan ito. Halos isang linggo na rin ang nakakalipas magmula nang ipatupad niya ang kautasang dakipin ang sinumang makita ng kaniyang mga nasasakupan, na isang lalaking alpha na mayroong unclaimed na mating mark. Subalit kahit na ganoon, hanggang ngayon ay hindi pa rin nila ito natutunton.
Hindi na niya alam kung ano pa ba ang kaniyang gagawin. Pakiramdam niya ay masisiraan na siya nang bait oras na hindi pa rin nila mahanap ang kaniyang mate ngayon araw na ito. Dahil sa bawat paglipas ng mga segundo na wala ito sa kaniyang piling, ay pakiramdam niya, ay may unti-unting namamatay na parte sa kaniyang kalooban. Lalo ngayon, na alam niyang may nakaambang na peligro sa buhay nito dahil sa mga impormasyong kaniyang natanggap, ilang araw na ang nakakalipas. Hindi pa nakakatulong sa kaniyang sitwasyon ang ilang araw nang hindi pagkausap sa kaniya ng kaniyang lobo, dahil sa tindi nang sakit na nararamdaman nito dulot nang pagkawala ng batang alpha. Tanging ang naririnig lamang niya mula rito ay ang mahihina nitong mga nangungulilang pag-alulong.
Buong buhay niya ay hindi pa siya nakaramdam ng ganito kalabis na pagdadalamhati, pangungulila at labis-labis na pagkabigo. Hindi pa —ngayon pa lang. Marahas siyang napasabunot sa kaniyang buhok nang muling pumintig sa sakit ang kaniyang ulo at isang kakaibang hapdi na naman ang kaniyang naramdaman sa kaniyang dibdib. Nasisiphayo siyang napabuntong hininga at saka tulalang napatingin sa kisame.
Kasalukuyan siyang nasa loob ng kaniyang opisina ngayon sa kaniyang palasyo. Naisin man niyang ipagpatuloy ang kaniyang paghahanap sa batang alpha, ay marami pa siyang kailangan gawin kung kaya't napilitan siyang bumalik sa kaniyang palasyo nang wala ang batang Alpha sa kaniyang piling. Lalo pa't napag-alaman niya pang hindi pala si Haring Arkin — ang hari ng mga Mage — ang nagpadala sa lalaking mage na nagbigay sa kaniya ng babala noong nasa barko pa sila.
Habang napag-alaman naman ng mga ito na mukhang nalinlang siya ng mga makalaban, matapos niyang hindi dumating sa kanila dapat na pagpupulong. At higit sa lahat, napag-alaman niya ring may dalawang espiyang mage ang matagumpay na nakapasok sa kaniyang kaharian, na ngayon ay mukhang pinaplanong dakipin ang kaniyang napiling mate upang gawing bihag. Napatiim bagang naman siya at mariing naikuyom ang mga kamao dahil sa isiping iyon. Ngunit mas nangingibabaw ang labis niyang takot para sa kalagayan ng batang alpha, dahil hindi mawala sa isipan niya ang posibilidad na maaaring nakuha na ito ng mga espiya, Kung kaya't hindi nila ito makita-kita.
Pero sana lang ay hindi. Sana lang ay mali siya ng kaniyang kutob.
Sana ay nasa maayos lamang ito na lagay at nagtatago lamang kung saan.
"Kapatid," ang pagkuha sa kaniyang atensyon ng isang lalaking kakapasok lamang sa kaniyang opisina. "Kamusta na, wala ka pa rin bang balita sa kinaroonan ng iyong Luna?"
Walang emosyong napatingin naman siya sa nakakatanda niyang lalaking kapatid. Panganay ito sa kanila at mayro'ng limang taong agwat sa kaniyang edad. Maliban sa kanilang mga mata ay wala na sila halos pinagkapareho nito. Dahil halos karamihan ng pisikal nitong kaanyuan ay namana nito sa kanilang Ina habang ang kaniya naman ay namana niya sa kaniyang ama. Mula sa maiksi nitong kulay pulang buhok, hanggang sa maputi nitong balat, tangos ng ilong at maninipis nitong mga labi. Pero kung laki lang ng katawan ang pag-uusapan ay 'di hamak na mas malaki at siksik sa muscle ang buong katawan nito kumpara sa kaniya.
Sa katunayan ay marami ang boto rito upang pumalit sa kanilang ama bilang susunod na Hari, sa kasamaang palad, sa kanilang labin-isang magkakapatid, ay siya lamang ang mayroong lakas ng loob na hamunin ang kanilang ama upang makuha ang trono. At sa dami rin nang nagtangkang humamon sa kaniyang ama, ay siya lamang din ang matagumpay na nagwagi.

YOU ARE READING
Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)
Werewolf" Nanalo ako. Akin ka na ngayon. " malamig na saad ng lalaking sakal sakal siya at ang sanhi ng kaniyang paghihirap ngayon. " Ako, si Haring Calix Silvestre, tinatanggap at pinipili bilang aking mate si Alpha Lucien Darus. Subalit, dahil sa ginawa n...