Lycan XLII: Ang Unang Heat I

1.5K 73 34
                                        

Lycan XLII: Ang Unang Heat I

"A-ah! Mauuna na po ako, kamahalan. Magsabi lang po kayo uli, kung mayro'n pa po kayong ipapagawa." ang natatarantang paalam ng dalagang katulong na noo'y hindi lubos makapaniwala sa ginawa niyang paghawak sa kanilang hari ng wala nitong permiso. Dahil sa labis na takot nito na maparusahan ay hindi na nito nagawa pang tignan si Lucien, na siya pa namang nais nitong makita nang oras na malaman nitong ito ang magdadala ng makakain ng mga ito. Namumutla itong yumukod upang magbigay ng galang bago ito tuluyang naglakad palayo.

Kinakabahang napatingin naman si Lucien sa direksyon ng pinto matapos niya iyong marinig na magsara. Napalunok siya sa kaba nang masalubong niya ang mga mata ng Hari at makita kung gaano kadilim ang mga iyon habang masidhi itong nakatingin sa kaniya. Isang tingin ng animo'y isang mabangis na hayop na nagbabalak nang sunggaban ang biktima nito.

Ilang segundo pa silang nagkatitigan habang walang ni isang salita ang lumalabas sa kanilang mga labi hanggang sa, mabilis na binalot ng tensyon ang buong katawan ni Lucien matapos kumilos ni Calix sa pag-aakalang lalapit ito sa kaniya. Nakahinga lamang siya nang maluwang nang mapagtanto niyang patungo ito sa lamesang malapit sa kanilang higaan upang ilapag doon ang lamang pagkain ng hawak-hawak nitong tray.

Hindi naman malaman ni Lucien kung ano ang kaniyang gagawin matapos ng ginawa niyang eksena. Hindi niya talaga maunawaan kung bakit siya nagkakaganito ngayon. Kung bakit bigla-bigla na lamang siyang nakakaramdam nang matinding pag-aangkin kay Calix. Epekto pa rin ba ito ng kanilang mating bond? O, ng mga pagbabago sa kaniyang katawan? O, may iba pa bang dahilan?

Bahagya naman niyang nilugawan ang suot-suot niyang roba nang makaramdam siya ng biglaang pagtaas ng kaniyang temperatura at pagpapawis ng kaniyang katawan. Kakaligo lamang niya pero bakit parang init na init pa rin siya? Naikiling niya pakaliwa ang kaniyang ulo kasabay nang pagkiramdam niya sa kaniyang katawan. Hindi niya alam, pero parang may kung anong kakaiba talagang nangyayari sa loob ng kaniyang katawan.

Hindi niya tuloy namalayan ang paglapit sa kaniya ng hari. Nagulat na lamang siya nang maramdaman niya ang paglundo ng kanilang higaan at nakita itong papalapit sa kaniya. Pinandilatan naman niya ito ng mga mata at saka sinubukang pigilan sa paglapit sa kaniya. "Anong ginagawa mo? Bakit ka lumalapit?!" tanong niya habang umaatras. Hindi naman siya nito pinansin at nagpatuloy lamang sa paglapit sa kaniya. Hanggang sa napahiga na lamang siya sa higaan ay hindi pa rin ito tumitigil sa paglapit sa kaniya.

Nagulat naman siya nang bigla na lamang nitong inilapag sa magkabilang gilid ng kaniyang ulo ang mga kamay nito habang nakaluhod ang mga tuhod nito sa kaniyang gilid. Pigil ang hiningang tinitigan niya sa mukha si Calix habang nanatili naman itong walang anumang imik at nakatitig lamang sa kaniya. 'Di niya tuloy mapigilang kabahan at mapaisip sa kung ano ang iniisip nito nang mga sandaling iyon. Bagama't nakatapis pa rin sa beywang nito ang ibinato niya ritong kumot kanina, ay hindi pa rin niya mapigilang madama ang init na nagmumula sa katawan nito. O sadyang, ang katawan niya ang nag-iinit?

"Ca-Calix?" ang 'di niya mapigilang mautal na pagtawag sa pangalan nito habang bumilis naman ang pagtibok ng kaniyang puso dahil sa antipasyon. Muli siyang napalunok nang hindi pa rin rin ito umimik at nanatili lamang na matiim na nakatingin sa kaniya. Sinubukan naman niyang alamin ang nararamadaman nito gamit ang kanilang koneksyon pero kaagad din niya iyong pinagsisihan.

Mas lalo kasing nag-init ang kaniyang pakiramdam nang maramdaman niya ang masidhing emosyong nararamdaman nito ngayon. Emosyon ng matinding pagkagalak, pagkahumaling, pagnanasa at isang emosyong hindi niya mapangalanan. Naiilang naman siyang napaiwas ng tingin nang manatili pa rin itong nakatingin lamang sa kaniya. "Ku-kung wala ka namang kailangan, baka pu-puwedeng umalis ka sa ibabaw ko?" ang pagkuwa'y saad niya nang hindi pa rin ito magsalita.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon