A/N: Dahil sa nakakawindang niyong quadruplets, 'di ko tuloy alam kung paano pa ipu-published 'tong chapter na 'to. 😅😔 Good luck na lang!😔
Lycan XLVIII: Ang Pagsusuri.
HINDI mapigilang makaramdam nang pagkaasiwa si Lucien habang panay tapon ng panakaw na tingin sa kaniyang tiyan, ang babaeng omegang mangagamot. Nakatungo itong nakatayo sa gilid ni Calix habang mahigpit na magkahawak sa harapan nito ang dalawang kamay. Ngunit 'di tulad sa pangkaraniwang omega, na kulay puti ang buhok, kulay tsokolate ang kulot nitong buhok na ang haba ay abot hanggang ss beywang nito, bagaman matapang ang mukha nito ay maamo at mapungay naman ang mga mata nito. Nakasuot ito ng isang kulay puting mahabang damit na gawa sa balahibo at ang haba ay abot hanggang sa paanan nito. Nakasuot naman ito ng isang sandals na gawa sa kahoy.
At dahil nasa maayos siyang pag-iisip ngayon, 'di tulad noong una silang magkita, ngayon lang niya napansin ang kulay ng suot-suot nitong kulay puting kapa na mayro'ng kulay asul at ginto na burda—ibig sabihin, ay ito ang punong mangagamot ng palasyo. Pero bakit panay ang tingin nito sa kaniyang tiyan? Hindi naman siguro iniisip ni Calix na ipatingin kung buntis ba siya, o hindi, ano? Dahil kung iyon nga ang dahilan kung bakit ito nagdala ng manggagamot ay baliw na 'to. Dahil kahit buntis man siya, ay di pa naman iyon malalaman ng manggagamot dahil wala pa namang pintig ng puso ang kaniyang supling kung saka-sakaling nagdadala man siya.
"Ano pa ang itinatayo mo? Suriin mo na siya." ang malamig na utos ni Calix sa mangagamot. Bigla namang nagsalubong ang dalawang kilay ni Lucien dahil sa inasta nito. Ganito ba ito makitungo sa mga tauhan nito? Nakatungo namang lumapit sa kaniya ang babaeng manggagamot.
"Um. Mahal na Luna, k-kung maaari po sana ay humiga po kayo." ang malumanay na pag-uutos ng babaeng omegang mangagamot matapos nitong lumapit sa kaniyang kinaroonan. Tumigil naman ito malapit sa gilid ng kanilang higaan. Kasunod naman nitong lumapit si Calix, pero sa kabilang banda naman ng kama ito tumigil. "Huwag po kayong mag-alala, at nais lamang pong siguraduhin ng mahal na Hari, na ayos lamang po kayo." ang dagdag pang pagrarason ng punong mangagamot.
Napatingin naman muna si Lucien sa kaniyang gawing kaliwa upang bigyan ng isang matalim na tingin si Calix. Siya pa talaga ang ipapatingin nito, eh sa kanilang dalawa, ito nga ang dapat na masuri, at hindi siya. Pero hindi na lamang siya nagreklamo para matapos na lang din kaagad ang pagsuri sa kaniya ng manggagamot, at nang makaalis na rin ito. Akmang hihiga na sana siya nang bigla niyang mapansin ang labis-labis na panginginig ng babaeng omegang manggagamot. Maputla rin ang kulay ng balat nito at mga labi. Nagtataka niya tuloy itong tinitigan, na ikinaiwas naman ng tingin nito. Bakit parang nakakita ata ito ng multo?
Nang-aakusang napatingin tuloy siyang muli kay Calix, dahil baka may kung ano itong ginawa dahilan upang matakot ng ganito ang babaeng manggagamot. Pero gano'n na lang siyang napabungtong hininga nang mapagtanto ang dahilan ng takot ng manggagamot. Paano ba naman kasi, nakalimutang linisin ni Calix ang mga bakas ng dugo sa katawan nito. Sino ba ang 'di matatakot, kung bigla na lamang magpapakita ang kanilang hari na may bahid ng dugo sa bibig, katawan at mga kamay at tanging isang mahabang pang-ibabang kasuotan lamang ang suot? Hindi lang iyon—puno rin ng mga galos at mayro'ng malalalim na sugat ang katawan nito.
"Calix. Maglinis ka nga muna doon, at iwanan mo muna kami." ang kalmadong utos niya kay Calix sabay tango papunta sa direksyon ng paliguan. Hindi naman siya sinunod ni Calix at sa halip, ay napahalukipkip lamang ito habang blanko ang mga matang tumingin sa kaniya.
"At bakit naman ako aalis?" ang malamig nitong tanong na ikinagitla naman ng manggagamot. Mas lalo pa itong napayuko ng ulo at halos hindi na makatingin sa kanila.
"Tigilan mo ako, Calix. Hindi niya magagawa nang maayos ang kaniyang trabaho kung hindi ka aalis at lilinisin 'yang mga dugo sa iyong katawan." ang nakaismid namang tugong ni Lucien. "Umalis ka na, at nang matapos na rin itong kalokohan mo." Napairap na lamang si Lucien nang makitang magtagis ang mga panga ni Calix at manigas ang mga muscle nito sa mga braso hanggang sa balikat nito.
BINABASA MO ANG
Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)
Paranormal" Nanalo ako. Akin ka na ngayon. " malamig na saad ng lalaking sakal sakal siya at ang sanhi ng kaniyang paghihirap ngayon. " Ako, si Haring Calix Silvestre, tinatanggap at pinipili bilang aking mate si Alpha Lucien Darus. Subalit, dahil sa ginawa n...
