Lycan XLIII: Ang Unang Heat II

2.1K 75 45
                                        

Lycan XLIII: Ang Unang Heat II

NAKABALOT sa makapal na kumot at sapin ng kama, puno ng pangambang hinihintay ni Lucien ang pagbabalik ni Calix, habang padapa at nakapamaluktot siyang nakahiga sa kanilang kama. Alam niyang hindi naman siya magagawang maitago ng mga iyon mula kay Calix, ngunit kahit na ganoon —kahit na mas lalo lamang ng mga ito pinapalala ang init na kaniyang nararamdaman— ay hindi niya pa rin magawang tanggalin ang mga iyon sa kaniyang katawan bilang kaniyang proteksyon.

Sa tindi ng pheromones na pinapakawala niya ngayon at sa matinding init na kaniyang nararamdaman, partikular na sa ibabang bahagi ng kaniyang puson, ay hindi na siya sigurado kung magagawa niya pang makapag-isip ng maayos sa oras na masamyo niya, ang ngayo'y hinahanap-hanap niyang pheromones ni Calix. Bagama't matapang pa rin namang nakakalat sa paligid ang amoy ng pheromones nito, ay hindi iyon sapat upang maibsan ang nadarama niyang pagkauhaw sa pheromones nito.

Si Calix.

Kailangan niya ngayon si Calix.

Kailangan niya ito.

Nais niya itong mahawakan, mahagkan, at muling madama ang init ng katawan nito sa kaniyang katawan. Mariin naman siyang napapikit nang bigla niyang maalala ang huli nilang pagtatalik, partikular na ang ala-ala, kung saan ay ramdam niya ang marahas at malalim na pagpasok sa kaniyang kaibuturan ng mainit, matigas at pumipintig nitong— naiinis naman siyang napaungol nang maramdaman niya ang pagkibot ng kaniyang lagusan at ang muling pagpapalabas niyon ng madulas na likido.

Napailing siya't marahas na napamura. Hindi na maganda ito.  Hindi na niya gusto ang kaniyang sitwasyon. Gusto niyang tumakbo. Tumakas. Lumayo. Magtago. Ngunit nais niya ring hanapin at tunguhin si Calix ngayon at tuluyan na lamang magpaubaya sa mga bisig nito. Saan ba ito nagpunta? Kailan ba ito babalik? Matagal pa ba ito? Bakit ba ito umalis? Ayaw na ba nito sa kaniya? Bakit? Dahil ba sa tinanggihan niya ang pagdadala sa supling nito?

Buwisit! ang mariin niyang mura nang makaramdam siya bigla ng kakaibang pagkirot sa kaniyang dibdib. Muli pa siyang napamura nang mapagtanto kung gaano kasidhi ang kaniyang kagustuhang nasa tabi niya ngayon si Calix! Naiinis na naman siyang napaungol habang pilit na pinigilan ang sariling tawagin ito gamit ang kanilang mind link. Ayaw niyang magmukhang desperado at mas lalong ayaw niyang ipakita rito kung gaano katindi ang pangangailangan niya rito ngayon— kung gaano niya ito kagustong makita at mahagkan ng mga sandaling ito.

'Ah! Lintik! Buwisit talaga!' ang marahas niya pang mura sa kaniyang isipan nang halos puro na lamang si Calix ang tumatakbo ngayon sa kaniyang isipan. Malalim siyang napasinghap nang mas lalo pang tumindi ang init na kaniyang nararamdaman kasabay nang mas lalong pagtindi ng paghahanap niya sa presensya nito.

Lumipas pa ang mga segundo, hanggang ang mga segundo ay naging mga minuto, ngunit wala pa rin senyales ng pagdating ni Calix. Basa na ang buo niyang katawan sa kaniyang pawis at nag-uumpisa na ring lumalim ang kaniyang paghinga habang mas lalong tumitindi ang mga pinakawalan niyang pheromones at ang kumakalat na init sa buo niyang katawan. Ilang minuto pa ang lumipas bago niya naramdaman ang papalapit nitong presensya.

Mabilis namang nanigas sa tensyon ang buo niyang katawan nang maramdaman ang mabilis nitong paglapit sa kaniyang kinaroonan. Hindi pa nakatulong sa kaniya ang nararamdaman niyang matinding antipasyon sa pagdating nito. Ilang segundo pa ang lumipas ngunit, pakiramdam niya'y oras na ang lumipas, bago niya narinig ang pagbukas ng pinto at ang pagkalat ng matapang na pheromones ni Calix sa hangin. Muli siyang nagpalabas ng madulas na likido sa kaniyang lagusan matapos dumampi sa kaniyang ilong ang bago, mabango at matapang nitong pheromones.

Natigilan naman ito at umalingawngaw sa buong silid ang marahas at malalim nitong pagsinghap sa hangin. Sinundan pa ito ng pagkalat nang matindi, puno ng pagnanasa at dominanteng nitong pheromones sa hangin. Hindi naman niya mapigilang mapadaing at mahinang mapaungol matapos niyang maramdaman ang pagpapalabas ng likido ng kaniyang ari kahit hindi naman niya iyon hinahawakan. Naiiyak siya sa inis at mas lalong nagtaklob ng kumot matapos ng tila hindi pa rin sapat ang pagpapalabas niya ng likido sa kaniyang ari upang maibsan man lang ang nararamdaman niyang matinding pangangailan kay Calix.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon