Lycan XLIV: Pagmamarka

993 66 23
                                    

Lycan XLIV: Pagmamarka


"Ah.. Calix.. sandali.."

Ang nag-aalinlangang pagtawag ni Lucien sa pangalan ni Calix. Kakatapos lang nilang maligo at ngayon, ay kasalukuyan nitong inaayos ang suot nitong kulay itim na kapa na mayroong pandong sa balikat na gawa sa magkahalong kulay ginto at pilak na balahibo ng isang hayop. Naghahanda na sana ito sa paglabas ng kanilang silid nang matigilan ito at mapatingin sa kaniya.

Napaiwas naman siya ng tingin matapos bumaling sa kaniya ang blanko at malamig nitong itim na kulay abong mga mata. Nakaupo siya sa dulong paanan ng kanilang higaan at tanging isang kulay itim na mahabang pang-ibabang kasuotan na gawa sa balahibo ng isang hayop lamang ang kaniyang suot-suot. Wala sa sariling hinaplos-haplos ng kaniyang hinlalaking daliri ang marka ng isang alipin na nakaukit sa kaniyang palapulsuhan habang nag-iipon siya ng lakas nang loob na hilingin mula kay Calix ang isang bagay na ilang araw na niyang nais gawin.

Agad naman siyang napabuga ng hangin-'di lubos na makapaniwalang hahantong siya sa ganitong sitwasyon-at saka siya huminga nang malalim bago niya muling tinignan sa mga mata si Calix at muling lakas loob na nagsalita.

"Maaari ba akong lumabas, kahit sandali lang?"

Isang linggo na rin naman kasi ang nakakalipas magmula noong matapos ang kaniyang heat, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nito binibigyan ng permiso upang makalabas ng kanilang silid. Ayaw naman sana niyang, siya ang unang humingi ng permiso at makiusap dito, dahil pakiramdam niya ay mas lalo lamang niya mararamdam ang kawalan niya ng kalayaan-na tuluyan na niyang maramdaman na wala na talaga siyang kalayaang gawin ang anumang nais niya ng wala nitong permiso. Kaya sinubukan niyang hintayin na ito ang unang magbukas ng paksang iyon pero, mamumuti na lamang ata ang mga uwak, ay wala pa rin ata itong balak na palabasin siya!

"Hindi." ang malamig at tipid nitong tugon sa kaniya. Napaawang na lamang ang kaniyang mga labi dahil sa labis na pagkadismaya.

Balak ba siya nitong patayin sa pagkabagot? Ito kaya ang iwan at ikulong niya sa silid na iyon ng mag-isa? Tignan lang niya kung hindi ito mamamatay sa pagkabagot. Wala naman kasi siyang ibang magawa sa silid na iyon sa tuwing iniiwanan siya nito roon ng mag-isa, kung hindi ang matulog lang, maligo, magbasa ng kung anu-anong aklat na makita niya roon at panoorin tuwing umaga ang mga kawal nitong nagsasanay sa 'di kalayuan mula sa bintana ng kanilang silid. Mabuti sana kung nakakausap na niya uli si Icien, kaso, hanggang ngayon ay mukhang wala pa ring plano si Ceros na umalis sa Dagum-isang ispirituwal na lugar na nilikha ng kanilang diyosa, kung saan, tanging ang ispiritu ng mga mated na lobo lamang ang maaaring makapasok.

"Sandali lang naman, at hindi naman ako lalabas ng palasyo." ang mabilis niyang pagprotesta. "Nais ko lang naman maghanap ng ibang paglilibangan." dagdag niya pa habang matalim na nakatingin sa sahig.

Bagot na siya't hindi sanay ng walang ginagawa. Idagdag pang dalawang araw na rin siyang nag-aalala dahil sa biglaang pagkansela ng kaniyang mga magulang sa pagbisita sa kaniya. Bagama't wala namang nabanggit na masama ang mga ito sa pinadalang sulat para sa kaniya, ay 'di niya pa rin mapigilang makaramdam ng pagkabalisa at pag-aalala. Paano kung may nangyari palang masama sa kanilang pack at ayaw lamang sabihin ng mga ito?

Kaya heto tuloy, sa ayaw man niya o gusto, ay napilitan na siyang siya ang unang magtanong kay Calix upang pagbigyan siya nitong makalabas ng silid na iyon. Kailangan niya ng ibang mapagtutuonan ng pansin upang maaliw at matigil ang kaniyang isip sa pag-iisip ng kung anu-ano. Pero mukhang wala namang pakielam ang isa sa kaniya. Ang mahalaga ay masunod lang ang nais nito.

Napatiim bagang naman si Calix nang makita ang paglumbay ng mga balikat ni Lucien sa kabila ng nakaguhit na labis na pagkairita sa mukha nito. Hindi naman niya maipaliwanag rito ang kasalukuyan niyang nararamdaman at 'di maipaliwanag na masidhing pagnanais na protektahan ito at ilayo mula sa paningin ng lahat. Buong akala niya ay kakalma na rin ang matindi niyang pagkahumaling rito at pagnanais na itago ito mula sa lahat, oras na mamarkahan na niya ito at tuluyan nang maging kaniya. Pero nagkamali siya. Dahil matapos nang heat nito, ay mas trumiple pa ang pagnanais niyang ikulong lamang ito sa kanilang silid, upang matiyak ang kaligtasan nito. Hindi pa nakatulong na mayro'n pang isang espiyang mage, ang hanggang sa ngayon, ay malaya pa ring nakakagala sa kaniyang kaharian.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now