This is it!!! 🤭🤭
Lycan LIII: Ang Resulta
HINDI MAPAKALI at kanina pa palakad-lakad si Lucien sa gilid ng kanilang higaan ni Calix. Suot ang isa na namang bagong kulay pilak na kapa na gawa naman ngayon sa balahibo ng isang ibon, ay puno ng antipasyong hinihintay niya ang pagdating ng punong mangagamot. Naiinis naman siyang napatingin kay Calix matapos niya itong muling marinig na napabuntong hininga.
"Kumalma ka, Lucien." ang 'di na nitong mapigilang saad sa kaniya habang prente itong nakaupo sa isang mahabang upuang kahoy na nababalutan ng mga pinagpatong-patong na balahibo ng isang hayop. Ngunit 'di tulad niya, wala itong suot na kapa at tanging ang isang kulay itim na mahabang pang-ibabang kasuotan lamang ang suot-suot nito.
"Wala ka namang dapat ika-bahala, at aalamin lang naman natin kung ikaw ay nagdadala na ng supling, o hindi."
Napaismid naman siya at tinapunan ito ng isang matalim na tingin bago muling nagpatuloy sa paikot-ikot niyang paglakad. Palibhasa ay hindi ito ang magdadalang tao kung kaya't kalmado lamang ito ngayon. Hindi nito kailangang mangamba sa magiging epekto ng lalabas na resulta. Kung dala-dala na niya ang supling nito, sa malamang ay paniguradong hindi na naman siya makakalabas ng silid na ito. At kung may dinadala na nga siya—magiging maayos kaya ito, sa kabila ng sinabi sa kanila ng punong mangagamot? Mabuhay kaya ito? Magagawa niya kaya itong maisilang ng maayos?
Maging maayos kaya siyang magulang? Paano naman ang 'di pa rin maayos nilang relasyon ng Hari? Makakaapekto ba iyon? Magagawa kaya nilang magkasundo bago siya magsilang kung saka-sakali? Malalim naman siyang napabuntong hininga dahil sa mga kung anu-anong bagay na tumatakbo sa kaniyang isipan.
At kung sakaling hindi naman siya buntis? Anong magiging epekto niyon sa kanila ni Calix? Ano kayang magiging reaksyon ng mga nasasakupan nito? Bagama't papabor sa kaniya iyon, bilang luna nito, ay alam niyang magkakaroon iyon ng negatibong epekto at pag-aagam-agam sa buong kaharian. Lalo at ang dahilan kung bakit isinagawa ang huling piging sa karaawan nito ay upang makahanap ito ng mate at makapagbigay ng tagapagmana. At kung siya ay tatanungin noong nakaraang dalawang linggo, ay hindi pa rin magbabago at sagot niyang hindi pa siya handang magdala ng supling.
Pero ngayon... Sa hindi niya maunawaang dahilan ay tila mabigat sa kaniyang isipan ang isiping maaaring hindi siya nagdadala. Hindi niya sigurado kung may epekto ba sa kaniya ang pagbubuntis ng kaniyang kakambal, kung kaya ganito ang kaniyang nararamdaman ngayon, o sadyang.... hindi na gano'n kasama ang kaniyang pakiramdam sa ideyang magsilang siya ng isang sanggol?
Kapwa naman binalot ng tensyon ang buong katawan nina Lucien at Calix, matapos nilang maramdaman ang paglapit ng presensya ng punong mangagamot na si Marga sa kanilang silid. Bagama't hindi halata ni Lucien, ay kanina pa rin nakakaramdam ng pagkabalisa si Calix. Hindi man niya ipahalata, ay matinding antipasyon din ang kasalukuyang nararamdaman ni Calix sa kung ano ang magiging resulta ng pagsusuri kay Lucien. Lalo na kung saka-sakaling makumpirma na buntis ito ay alam niyang mas iigting ang panganib na nakabanta sa buhay nito. Mahigpit niyang naikuyom ang kaniyang mga kamao habang kapwa hinihintay nilang dalawa ni Lucien ang pagdating ng punong mangagamot.
Marahas na nahigit ni Lucien ang kaniyang hininga matapos marinig ang pagkatok sa pinto ng kanilang silid. Kaagad din siyang napatigil sa kaniyang paggalaw at natuod sa kaniyang kinakatayuan na animo'y isang estatuwa. Nang mapansin naman iyon ni Calix ay kaagad itong tumayo at siya'y dinaluhan. Hindi na siya pumalag nang hapitin siya nito sa kaniyang beywang kasabay ng pagpalibot ng pangpakalma nitong pheromones sa kaniya. Dahil sa ayaw man niya, o sa gusto niya. Hindi niya maitatangging kailangan niya ang pheromones nito upang kumalma.
"Lucien, nais mo bang gawin na lamang ito sa ibang araw?" saad nito habang marahan at masuyong minamasahe ang kaniyang mga tagiliran. Marahas naman siyang sunod-sunod na napailing.
BINABASA MO ANG
Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)
Paranormale" Nanalo ako. Akin ka na ngayon. " malamig na saad ng lalaking sakal sakal siya at ang sanhi ng kaniyang paghihirap ngayon. " Ako, si Haring Calix Silvestre, tinatanggap at pinipili bilang aking mate si Alpha Lucien Darus. Subalit, dahil sa ginawa n...
