Lycan XXVI: Mahika
"Paano ba 'yan. Mukhang nanalo ako, kamahalan," ang nakangising saad ni Lucien habang nakatitig sa mga mata ni Calix.
INAASAHAN ni Lucien na makikita niya sa mga mata nito ang pagkabigo o pagkadismaya man lang. Pero sa halip, ay tila masaya pa ata ang hari na natalo niya ito. Hindi tuloy siya kaagad nakakilos at nanghihinalang tinignan ito. Pakiramdam niya ay parang may mali.
Nasisiyahan naman itong napahimig sabay hawak sa kamay niyang nakahawak sa balikat nito.
"Ok, nanalo ka. Ang usapan, ay usapan." ang sagot nito na mayro'ng kakaibang ngiti sa mga labi.
Mga ngiti na animo'y may alam ito na hindi niya alam.
Sinadya ba nitong magpatalo? Agad naman siyang napailing. Sa harapan ng mga kawal nito? Hindi— imposible, at bakit naman ito magpapatalo?
"Oh? Bakit parang hindi ka ata masaya, aking munting Alpha?" ang may panunudyong tanong nito sa kaniya, "Ikaw ang nagwagi, hindi ba't dapat ay masaya ka? Malaya ka nang gawin lahat ng nais mo at hindi na kita pipiliting gawin ang ayaw mo," ang dagdag pa nito na mayroong nakakalokong ngiti sa mga labi nito na nagpasalubong naman sa dalawang kilay ni Lucien.
'May tinatago nga ang loko!' ang naiirita niyang asik sa kaniyang isipan. Bigla naman niyang naalala ang kanilang naging usapan kanina.
"Kapag matalo kita, ay susundin mo ang lahat ng ipag-uutos ko ng walang kahit na anong pagtutol."
"At kung manalo ka, hahayaang kitang magawa ang kahit anong gusto mo habang nasa barkong ito. Gustuhin mo mang lumayo sa akin, ay ayos lang. Kahit na ano, Lucien. Pagbibigyan kita."
"Pero kapalit niyon, ay hindi mo ako tatangkaing suwayin habang nasa harapan tayo ng ibang hari, munting Alpha."
Para namang napapaso niyang binitiwan ang hari sabay tayo at 'di makapaniwalang napalayo rito. Napamura siya.
'Hindi— teka! Shit! Hindi totoo 'to!' ang nahintatakutan niyang saad sa sarili nang tuluyang mapagtanto ang plano nito.
Nang aakusa niyang tinignan ang hari na kasalukuyan namang dahan-dahang tumatayo. Nakangiting napailing pa ito nang makitang hindi na nito magagamit ang suot-suot nitong kapa dahil sa ginawa niyang pag-atake. Isang nakakainis na ngisi naman ang ibinigay nito sa kaniya nang maramdaman nito ang kaniyang mga tingin.
"Anong problema, aking munting alpha?" ang nakakalokong tanong pa nito.
Muli ay napamura siya. Hindi makapaniwalang nagawa siyang maisahan ni Calix. Na hinayaan niyang maisahan siya nito at pasimple siya nitong mapasunod sa nais nito! Ack! Kung bakit ba naman kasi hindi siya nag-iisip! Dahil kahit saang banda— manalo man siya o hindi— ay wala naman siyang pagpipilian kung 'di ang sumunod rito! Pero ngayong nanalo siya— lalabas tuloy na susunod siya rito ng kusa!
Inis siyang napasagitsit lalo nang makita ang natutuwang mga mata ng hari.
"Sana ay tumupad ka sa ating usapan, aking munting alpha."
Sinamaan naman niya ito ng tingin, na mukha namang mas lalo namang nagbibigay aliw sa hari.
'Ang mapanlansing hayup na 'to! Tuwang-tuwa pa talaga sa nagawa!' ang singhal niya pa sa kaniyang isipan bago niya ito sinagot.
BINABASA MO ANG
Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)
Paranormal" Nanalo ako. Akin ka na ngayon. " malamig na saad ng lalaking sakal sakal siya at ang sanhi ng kaniyang paghihirap ngayon. " Ako, si Haring Calix Silvestre, tinatanggap at pinipili bilang aking mate si Alpha Lucien Darus. Subalit, dahil sa ginawa n...
