Lycan XXXI: Mating Bond

1.2K 75 37
                                    

Lycan XXXI: Mating Bond

"Magiging akin ka na rin, aking Luna." ang pagtatapos pang saad ng hari sabay gawad ng isang halik sa likod ng kaniyang palad.

  TILA NAPASO ang kamay ni Icien at marahas niyang binawi iyon mula sa pagkakahawak ng hari. Bumilis ang tibok ng puso niya dahil sa kaba at sa hindi niya matukoy na emosyon. Kung bukas na nga ang ika-pitong araw, isang pagmamarka lang nito sa kanila, ay magiging pag-aari na sila nito habang buhay. Ibig sabihin ay kailangan na nilang magawa nu Lucien ang kanilang plano sa lalong madaling panahon. Pero handa na ba sila? Paano kung hindi pa rin manumbalik ang malay ni Lucien?Paano kung– naputol bigla ang kaniyang mga iniisip at matalim na napatingin sa hari nang makitang sumilay ang isang ngiting tagumpay sa mga labi nito. Bastardong 'to! Tingin ba niya ay panalo na siya?

"Iyong Luna? Huwag ka ngang magpatawa" ang sarkastikong sagot niya sa hari. "Kahit kailan ay hindi mo ako magiging, Luna, kamahalan." ang nang-uuyam na dagdag niya pa na sinunda niya pa ng pang-iinsulto. "Nahihibang ka na kung iniisip mong hahayaan kong mamarkahan ako ng isang bastardong tulad mo."

Napalitan naman ng isang nakakalokong ngisi ang ngiting nasa mga labi nito matapos marinig ang sinabi niya. Pagkatapos ay mataman itong tumingin sa kaniyang mga mata. Pinangilabutan naman siya nang masalubong niya ang mga mata nitong tila napupuno ng pangako at kagustuhang masupil siya. Pero ang lubos niyang ikinabahala ay ang dahilan kung bakit nagsipagtayuan ang mga balahibo niya sa katawan. Sapagkat hindi iyon dahil sa takot, kung hindi ay dahil sa antisipasyon.

Napamura siya sa kaniyang isipan at nakaramdam ng labis na pangamba. Bakit parang nasasabik pa siyang mangyari iyon, sa halip na katakutan?! Siya na ata ang nahihibang. Muli ay marahas siyang napamura sa kaniyang isipan. Sapagkat alam niyang kapag nagpatuloy pa ito, at mas lalo pang lumakas ang mating bond na namamagitan sa kanila– hindi na niya alam kung magagawa pa nila ni Lucien ang kanilang plano.

Muli namang bumalik ang atensyon niya sa hari nang humakbang ito papalapit sa kaniya. Wala naman sa sarili siyang napaatras palayo rito.

"Itanggi mo, hangga't kaya mo, aking munting alpha." ang bungad nito sabay hakbang muli palapit sa kaniya. "Ngunit alam naman nating pareho ang tunay na sitwasyon." ang dagdag pa nito kasabay nang mabilis nitong paghuli sa kaniya.

Napasinghap siya nang maramdaman ang muling paglapat ng mga kamay nito sa magkabilang gilid ng kaniyang bewang at saka siya nito mabilis na hinapit papunta sa katawan nito, kasunod nang pagbalot nito ng pheromones nito sa kaniya. Pinilit naman niyang hindi malanghap ang pinapakawalan nitong pheromones dahil alam niyang maapektuhan niyon ang kaniyang pag-iisip. Ngunit nang sakupin ng mga labi nito ang kaniyang mga labi ay wala na siyang nagawa pa kung hindi ang magpatalo sa pagtawag at paghila ng mating bond, at hinayaan ang haring sakupin at galugarin ang kaniyang bibig.

Muli na Naman siyang napamura sa kaniyang isipan nang maramdaman muli ang mas lalong pagtindi ng mating bond na namamagitan sa kanila ng hari. Sinubukan niyang itulak palayo ang hari mula sa kaniya, pero para naman siyang tinakasan ng kaniyang lakas, lalo na nang maramdaman ang dila ng hari sa loob ng kaniyang bibig. Pero kailangan niya itong maitulak palayo, sapagkat tila ba, sa tuwing gumawa siya ng kilos nang pagsubmit dito, sadya man niya o hindi, ay tila mas lalong tumitindi at lumalakas ang mating bond na mayro'n sila.

Paano na lang ito bukas? Paano kung hindi pa rin manumbalik ang kamalayan ni Lucien? Magagawa niya bang pigilan ang haring mamarkahan siya, nang siya lang mag-isa? Magagawa niya kayang makatakas? Pero paano niya rin gagawin iyon? Ni hindi nga niya alam kung nasaan siya at kung ano ang kasalukuyang mga nagaganap!

Marahil ay ito ang plano ng hari– dinala nito si Lucien sa lugar na ito upang mawalan sila ng tiyansang makatakas! At dahil sa isiping ito ay nagkaroon siya bigla ng kakaibang lakas upang maitulak ang hari palayo sa kaniya. Marahas naman siyang napasinghap ng hangin matapos maglayo ang kanilang mga labi. Sa kasamaang palad, hanggang dito lang ang kinaya ng kaniyang lakas at nanatili pa rin siyang nakakulong sa bisig nito.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now