Lycan XLIX: Ang Pagbisita

1.2K 56 43
                                        

Lycan XLIX: Ang Pagbisita

NAGISING si Calix dahil sa mga mahihina at impit na pag-ungol na kaniyang naririnig. Napakunot ang kaniyang noo at mabilis na binalot ng pagtataka ang kaniyang mukha nang hindi niya maramdaman si Lucien sa kaniyang mga bisig. "Lucien?" ang inaantok at wala pa sa maayos na wisyong pagtawag niya kay Lucien. Nakapikit ang mga matang kinapa-kapa niya ang kaniyang tabi kung saan huli niyang naaalalang nakahiga si Lucien, ngunit gano'n na lang siya mabilis na napamulat ng mga mata matapos niyang hindi ito makapa. Gamit ang kaniyang kaliwang siko, bahagya niyang iniangat ang kaniyang katawan upang hanapin si Lucien sa paligid.

Akmang tatawagin niya sana uli ito nang agad siyang mapatigil matapos niya itong makitang mahimbing na natutulog sa gilid ng kanilang higaan. Nakahiga ito paharap sa kaniya at yakap-yakap ang gamit nitong unan habang nakataklob naman sa ibabang bahagi ng katawan nito ang isang kulay kahil na kumot na gawa sa balahibo ng isang hayop. Napahinga naman siya ng maluwag, pagkatapos ay muli itong tinignan at saka matiim na pinagmasdan ang nahihimbing sa pagtulog na mukha nito.

Hindi naman mapigilan ni Calix ang magpakawala ng isang malungkot na pagsinghay. Mahigit isang linggo na rin ang nakakalipas magmula nang matapos ang halos isang linggong heat nito, at ilang araw na rin ang nakakalipas magmula nang manumbalik ang pagiging mailap at malamig nito sa kaniya. Ngayong naranasan na niya ang pakiramdam nang kailanganin siya nito, at maramdaman kung paanong hindi nito magawang lumayo sa kaniya at tanggihan ang kaniyang mga haplos. Hindi na tuloy niya mapigilang hanap-hanapin ang mga iyon.

Hindi pa nakakatulong na ngayong may nag-uugnay na sa kanilang mating bond, ay mas triple na ang sakit na dulot ng patuloy nitong 'di pagtanggap sa kaniya bilang mate nito. Alam niyang naiinis na naman ito sa kaniya dahil halos ayaw na naman niya itong nawawala sa kaniyang paningin, matapos ang naganap na pag-atake sa kanila noong nakaraang araw. Pero wala naman siyang magawa dahil hindi siya matatahimik kung hindi niya ito makikita at siguradong nasa maayos itong lagay.

Muli siyang napasinghay, bago niya ito marahang inabot at hinapit sa beywang upang muling ikulong sa kaniyang mga bisig. Bahagya namang gumaan ang kaniyang pakiramdam nang maramdaman ito sa kaniyang mga bisig. Mabuti na lang, kahit sa ganitong paraan man lang ay nagiging mabuti ang kaniyang pakiramdam. Dahil kahit papaano, ay alam niya at panatag na siyang kaniya na ito. Dahan-dahan na lamang siguro niyang kukunin ang loob nito, na sana, ay kaniya ngang magawa.

Mahina namang napaungol si Lucien at napakunot ang noo ng dahil sa kaniyang ginawang paghila rito, ngunit agad din naman itong kumalma matapos nitong madama ang init ng kaniyang katawan. Bigla naman siyang natigilan at napigil ang kaniyang hininga nang bahagya pa itong namaluktot at humanap ng kumportableng posisyon, hanggang sa, idantay nito ang ulo nito sa kaniyang dibdib malapit sa kaniyang kaliwang kilikili habang ang kanang kamay naman nito ay payakap nitong ipinatong sa kaniyang dibdib.

"Shit!" ang mahina at mariin niyang mura nang bigla siyang makaramdam ng kung ano sa kaniyang sikmura. Napapikit siya't ilang segundo ring pinakalma ang kaniyang sarili bago niya muling tinignan si Lucien.

Nalulugod ang kaloobang kaniyang sinamyo ang tuktok ng ulo nito at saka niya ibinaon ang kaniyang mukha sa malasutlang buhok nito sa batok habang ang kanang kamay naman niya ay mahigpit na yumakap sa beywang nito at mas lalong pinagdikit pa ang kanilang mga katawan. Hindi pa siya rito nakuntento at kaniya pang pinaglingkis ang kanilang mga binti at paa. Nang makuntento na siya sa kanilang posisyon ay saka na lamang siya nakuntento sa pagmamasid sa mukha nito at paglalaro sa malambot nitong abuhing buhok habang hinihintay na magising ito.

Bigla naman niyang naalala ang sinabi ng kaniyang punong manggagamot noong nakaraang araw patungkol sa kalagayan ni Lucien. Kung paanong magiging delikado ang magbuntis para rito dahil sa maliit nitong sinapupunan, na naging ganoon, marahil, ay dahil sa pagiging dominanteng alpha nito. Bagaman inaasahan na na niyang hindi magiging madali ang magbuntis ito, ay hindi naman niya inaasahang aabot sa puntong magiging delikado para rito ang magbuntis.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon