Lycan XL: Mated

1K 74 34
                                    

Lycan XL: Mated.

MATIIM na pinagmamasdan ni Calix ang lalaking batang alpha na kasalukuyang mahimbing na natutulog sa kaniyang mga bisig. Halos isang linggo na ang nakakalipas magmula noong ganap na niya itong mamarkahan at maangkin. Apat na araw naman na ang nakakalipas magmula nang mag-umpisang maganap ang mga  pagbabagong pisikal sa buo nitong katawan— mga pagbabagong naghahanda sa katawan nito ang upang makapagdalang tao.

Noong unang araw, ay isang mataas na lagnat ang naranasan nito kasunod ng mga sunod-sunod nitong pagdaing at ungol sa sakit. Para naman siyang tinotorture habang pinapanood ang mga paghihirap nito lalo at wala siyang magawa upang mapigilan ang mga iyon. Hindi rin naman niya lubos akalaing maghihirap ito ng ganito katindi. Mabuti na lamang at kumakalma ito kahit papaano sa tuwing nararamdaman nito ang kaniyang pheromones at nakakainom ito ng gamot. Ito ang dahilan kung bakit apat na araw na rin siyang hindi umaalis sa tabi nito.

At ngayon ngang nasa ika-apat na araw na ito ng mga pagbabago nito sa katawan, ay unti-unti na ring nagiging malinaw ang mga pagbabagong naganap sa buong katawan nito. Isa naroon, ang pagkabawas ng matitigas nitong mga muscle sa katawan. Bagama't nananatili pa rin naman ang kakisigan ng pangangatawan ito, at 'di hamak na mukha pa rin naman itong isang dominante kaysa isang submissive, ay kapansin-pansin pa rin ang bahagyang pagliit ng pangangatawan nito.

Naging mas makinis, malambot at mamula-mula rin ang balat nito kumpara sa dati at unti-unti na ring nawala ang noo'y mga naglalakihan nitong mga ugat sa mga braso, kamay, binti at mga paa. Habang ang kulay abong buhok naman nito ay mas naging malambot at makintab na rin tulad sa kaanyuang taglay ng isang submissive. Humalo na rin ang kaniyang amoy sa amoy nito, at kahit na naroon pa rin ang tapang at pagiging dominante nito sa taglay nitong halimuyak, ay nahahaluan naman na ito ngayon ng isang kakaiba at nakakaadik na tamis. Ngunit ang lubos niyang ikinatutuwa, ay ang ganap nang pag-iisa ng ritmo ng pagtibok ng kanilang mga puso. Isang matibay na katunayan, na tuluyan nang magkakonekta ang kanilang mga kaluluwa at tunay na sila ngayon na mag-mate.

Isang kakaibang emosyon ang biglang sumilay sa kaniyang mga mata habang patuloy ang ginagawa niyang pagtitig sa mahimbing na natutulog na pigura ng batang alpha. Nakaunan ang ulo nito sa kaniyang kaliwang braso habang mapang-angkin na nakapulupot naman ang kanang kamay niya sa beywang nito. Magkabuhol din ang kanilang mga paa't binti at kapwa pareho silang walang anumang saplot. Tanging isang makapal na kumot na gawa sa isang kulay itim na balahibo ng hayop lamang ang kasalukuyang nakatakip sa buo nilang katawan habang napupuno naman ng kaniyang pheromones ang buong paligid.

Hindi na niya napigilan pa ang kaniyang sarili, marahan at masuyo niyang isinubsob ang kaniyang ilong sa malambot nitong buhok. Pagkatapos ay nakukuntento niyang nilanghap ang kinaaadikan niyang bagong halimuyak nito. Marahas siyang nagpakawala ng hangin sa kaniyang bibig— hindi lubos makapaniwala na sa wakas, ay sa kaniya na rin ito at wala nang sinuman ang maaari pang makakuha rito mula sa kaniya. Nakukontento siyang napahimig habang marahan niyang hinihimas ang kanang kamay niyang nasa likuran ng batang alpha sa balat nito roon. Bigla namang nanumbalik sa kaniyang ala-ala ang aksidente niyang pagtawag rito ng ang 'aking mahal' kanina habang nasa kainitan sila ng kanilang pagtatalik.

Mahal.

Isang mabigat na salita at matinding damdamin. Mahal na niya ba ito? O dulot lamang iyon sa kaniya ng bagong buo nilang ganap na mating bond, kung kaya't nasambit niya iyon? Hindi siya sigurado. Hindi niya alam, at hindi rin niya masabi. Ang tanging alam lamang niya, ay kuntento at masaya siyang nasa piling niya ito. At gagawin niya ang lahat upang manatili lamang ito sa kaniyang tabi, kahit na ikulong niya pa ito habang buhay dito sa kanilang silid.

Mariin naglapat ang kaniyang mga labi. Bagama't hindi siya magdadalawang isip na gawin iyon, ay hindi rin naman niya gusto ang kamuhian siya nito habang buhay. Oo at unti-unti nang bumibigay ang katawan nito sa kaniyang mga haplos, at alam niyang hindi na siya nito magawang tanggihan pa. Subalit, may kung anong kulang pa siyang hinahanap. May kung ano pa siyang nais na makuha mula sa batang alpha.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Where stories live. Discover now