Lycan XXIII: Ang Sulat

5.1K 221 31
                                        

Lycan XXIII: Ang Sulat

MALALIM NA NAPABUNTONG hininga si Lucien nang sa wakas ay makasakay na rin siya sa loob ng karuwahe at nalayo sa mga matang nang-uusig. Sa kasamaang palad, kasama niyang sumakay sa karuwaheng iyon ang mahal na hari. Mabilis naman siyang umupos sa pinaka dulo ng karuwahe — pilit na 'di pinansin ang sakit na sumipa sa kaniyang lagusan pagkaupo niya — at saka patay malisyang tumanaw sa labas ng maliit na bintana. Habang si Calix naman ay umupo malapit sa pinto. Napaismid naman siya nang maramdaman ang panaka-nakang pagpapakawala ni Calix ng pheromones nito — sapat lamang upang mabalot ng pheromones nito ang buong loob ng karuwahe.

Hindi niya mapigilang makaramdam ng inis habang mas lalo niya pang ikinubli ang kaniyang mukha gamit ang pandong ng suot niyang kapa. Alam niyang sinasadya ni Calix ang ginagawa nito dahil alam nitong naaapektuhan na siya ng pheromones nito— sa paraang hindi niya nagugustuhan. Napamura naman siya sa kaniyang isipan dahil sa hiya, nang maalala ang pinakita niyang reaksyon sa binatang hari kanina habang naglalakad ito sa pasilyo palabas ng palasyo habang buhat-buhat nito.

Naguguluhan siya at hindi na mawari ang mabilis na pagbabagong nangyayari sa kaniyang katawan. Katulad kaninang umaga, nang hindi nito sinasadyang maibaon ang mga pangil nito sa markang ibinigay nito sa kaniya. Parang bang natural lamang na reaksyong ng kaniyang katawan ang akitin ito at tumugon sa pang-aangkin at pangdodomina ng binatang hari.

Gayon din noong bigla ito kaninang magpapakawala ng isang nakakakalma na pheromones — parang natural na reaksyon din ng kaniyang katawan ang positibong tumugon doon — na para bang wala siyang ibang magagawa kun'di ang tugunin iyon. Labis naman niya iyong ikinatakot, dahil madalas, ginagamit lamang ang pangpakalmang pheromones sa pagitan ng magulang sa anak, magkapatid sa magkapatid, sa pagitan ng magmate, at paminsan ay epektibo rin sa pagitan ng dalawang magkaibigan na mayro'ng malalim na koneksyon.

At ang makitang tumugon ang katawan niya sa binatang hari, sa kabila ng galit at pagka disgusto niya rito, ay lubos na nakakabahala. Ibig sabihin lang ay lubos nang ginugulo ng marka nito ang sistema ng kaniyang katawan nang mas higit pa kaysa sa kaniyang inaasahan. Kahit tipong lukubin man lang siya ng kahit konti ng matapang at dominanteng pheromones nito ay bigla na lamang siya nakakaramdam ng pagkaalinsangan at pag-iinit ng kaniyang katawan— na sa ayaw man niya o hindi, ay hindi niya maikakailang hinahanap na ng katawan niya ang presyensya ng mahal na hari.

Nagulat lamang talaga siya kanina nang makaramdam siya nang pag-iinit, kung kaya hindi niya iyon nagawang kontrolin at maitago. Napagtanto na lamang niya ang nangyari nang huli na ang lahat at nadiskubre na iyon ni Calix. Mabuti na lang talaga at hindi rin nito iyon inasahan kung kaya nagawa niyang makalayo mula rito bago pa man may mangyari.

Paano pa kaya kung tuluyan na siya nitong mamarkahan? Kung ganitong papalapit pa lamang ang ikapitong araw ay ganito na magreak ang kaniya katawan? Magagawa niya pa ba kaya itong tanggihan?

Subalit ang lubos niya pang kinakatakot, ay ang katotohanang unti-unti na niyang nararamdaman ang pagsu-submit ng kaniyang katawan mula sa pangdodomina ng hari— ang unti-unting pagbabago sa kaniyang katawan na kaniyang nararamdaman na para bang.... tila ba.... naghahanda at naghinhintay na ito upang tanggapin ang supling ng hari.

Iyon— iyon ang ikinakatakot niya.

Iniisip pa lamang niya iyon, ay hindi na niya mapagilan ang sariling mangilabot dahil sa pagka-disgusto. Wala siyang planong maging Luna nito at mas lalong wala siyang planong dalhin ang anak nito! Isa siyang Alpha at mamamatay siya bilang isang Alpha!

Isa pa, wala pa siyang narinig na isang Alpha na lalaki, ang nagbuntis. Sa katunayan, kahit ang pagpapares ng isang alpha na babae at Alpha na lalaki ay bibihira lamang na mangyari dahil sa rason na mababa ang tiyansang makabuo sila ng supling. Magandang halimbawa na rito ay ang kaniyang mga magulang na parehong Alpha. Iyon ang dahilan kung bakit dadalawa lamang sila ng kaniyang kambal na naging anak ng mga ito. Sapagkat kahit anong subok pa ng mga ito ay hindi na nila magawang makaubo pa. Ni halos sampung taon din nga na sumubok ang mga ito bago sila maipagdalang tao ng kaniyang ina.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon