Lycan XLV: Ang Pag-atake.

1.3K 56 14
                                        

Lycan XLV: Ang Pag-atake

HINDI naman inakala ni Lucien na mas nauuhaw na pala siya kaysa sa kaniyang inaakala, dahil nang sandaling dumampi ang malamig na tubig ng lawa sa kaniyang dila, ay sunod-sunod na malalalim na paglagok ang kaniyang ginawa. Dahil dito ay 'di niya maiwasang makaramdam ng konting hiya, lalo nang maramdaman niya ang pagtitig ni Calix. Pilit naman niyang hindi pinansin ito nang tumabi ito sa kaniyang gilid, at uminom rin sa lawa katulad niya.

'Nagsabi ka sana kanina kung nauuhaw o napapagod ka na, Lucien.' ang tila masama ang loob na sermon ni Calix sa kaniya matapos nilang uminom na dalawa. Matapos naman nitong sabihin iyon ay inumpisahan naman nitong dilaan at linisan ang kaniyang mukha-na sa kaniyang pag-kainis-ay 'di niya maitangging nagugustuhan niya ito. Nagtaka naman siya sa kaniyang naramdamang emosyong sa tono. Pakiramdam niya kasi ay hindi sa kaniya masama ang loob nito, kundi sa sarili nito.

Sinubukan naman niyang lumayo na mula kay Calix bago pa kung saan na Naman humantong ang pinaggagagawa nito, pero mabilis lamang nitong ipinatong sa kaniyang likod ang isang kamay nito, pagkatapos ay saka siya nito hinatak papunta sa ilalim nito sabay dagan sa kaniya ng buong bigat nito. Napilitan tuloy siyang mapahiga sa lupa habang nakadagan naman ito sa kaniyang likod.

Sa kaniyang pagkainis, isang marahas na pag-angil at kagat sa kanang unahang paa ang ibinigay niya rito-kagat na sakto lamang upang masaktan ito. Matagumpay naman niyang napaangat ang paang kaniyang kinagat. Dagli-dagli naman niyang muling sinubukang kumawala mula sa pagkakadagan nito subalit, isang kagat lamang nito sa kaniyang batok ay wala na siyang nagawa pa kundi ang inis na mapaungol na lamang.

Nasisiyahan naman nitong mabilis na ipinagpatuloy ang ginagawa nitong paglinis sa kaniyang mukha habang siya ay nasisiphayong napabuntong hininga na lang. Makalipas nga lang ng ilang sandali ng kanilang pamamahinga roon, ay nasa humigit kumulang na sampung presensya ng mga Lycan ang bigla na lamang nilang naramdamang dahan-dahang lumalapit sa kanilang kinaroonan.

Agad namang naging alerto si Lucien nang maramdaman ang masamang intensyon ng mga ito, habang kapwa naman sila ni Calix na napatingin sa direksyon kung saan nagmumula ang mga ito. Pinakiramdaman niya si Calix kung sakaling kilala nito ang mga ito, ngunit sa nararamdaman niyang pagiging kalmado at pagiging alerto nito ay 'di niya mahinuha kung kilala ba nito ang mga ito o hindi. Tahimik na lamang niyang pinakiramdaman ang magiging reaksyon at kilos ni Calix.

Maya-maya pa ay dahan-dahan na itong tumayo at sa halip na nakadagan ito sa kaniya, ay iniba nito ang postura at tindig, at ngayon ay nakatindig ito na animo'y nagsisilbi niyang panganggala. Hindi naman niya pinansin ang ikinilos na iyon ni Calix at kinuha na lamang ang pagkakataong iyon upang makaalis na mula sa ilalim nito, ngunit nang sandaling subukan niyang gawin iyon ay mabilis siyang muling kinagat ni Calix sa kaniyang batok. At sa pagkakataong ito ay may kasama na iyon na isang nagbabantang angil.

'Diyan ka lang, Lucien.' ang mariin nitong utos sa kaniya na kaniya namang hindi nagustuhan.

'Anong pinagsasabi mo? Paano naman ako makakalaban kung mananatili ako rito?' ang 'di niya makapaniwalang tugon rito. 'Imposible namang hindi mo ramdam ang kanilang masamang intensyon, Calix. Wala akong paki-alam kung kilala o kawal mo sila-kung may nais silang gawin sa akin na masama-hindi ako magdadalawang isip na labanan sila.' ang puno ng talim niya pang dagdag habang pilit na sinusubukang kumawala mula sa pagkakakagat sa kaniya ni Calix. Ngunit sa kaniyang pagkadismaya ay hindi man lang niya ito matinag-tinag.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon