Lycan LI: Ang Dominante

1K 50 6
                                        

Sorry, inayos ko lang muna ang mga drafts ko kaya now lang nakapag-update. Para naka schedule/automatic nang maipupublish ang next chapter ☺️ And if ever maging busy ako uli, may naka ready na to publish.

Lycan LI: Ang Dominante.

"LEXY! Gising ka na! Ayos ka na ba? Kamusta na ang iyong pakiramdam, anak?" ang sunod-sunod at puno ng pag-aalalang bungad na tanong ng kaniyang ina sa kapatid niyang si Lexy.

Kasalukuyan silang nasa loob ng silid na itinalaga ni Calix upang pansamantalang matuluyan nito at ng mate nitong si Derex habang naririto sila sa palasyo. Nakahiga ito ngayon sa isang malambot na higaan at kasalukuyang nagpapahinga. Bigla na lang kasi itong nakaramdam ng pagkahilo kanina hanggang sa tuluyan itong nawalan  ng malay, matapos nilang makasalubong ang isang grupo ng mga kawal ng palasyo habang naglilibot sila kanina sa munting hardin na nasa likod ng palasyo.

"A-ano pong nangyari, ina?" ang nanghihinang nagtatakang tanong naman ni Lexy habang dahan-dahan nitong sinusubukang bumangon.

Kaagad naman itong dinaluhan ng kaibigan niyang si Derex—na ngayon ay mate na nito—at saka ito tinulungang makaupo ng maayos. Kaagad naman kumislap ang mga mata nito at masuyong dumantay sa mga bisig ng kaniyang kaibigan. Napaiwas naman tingin si Lucien dahil sa 'di niya mapigilang pagselos at pagiging overprotective sa kaniyang kakambal. Selos, dahil alam niyang hindi na lang siya ang sandigan nito ngayon. Na sa mga ganitong sitwasyon ay hindi na siya ang mas kailangan nito. Pagiging overprotective, dahil kahit baliktarin man ang mundo, ay hindi mapuputol ng kahit ano ang kanilang espesyal na ugnayan. Siya ang dominante sa kanilang dalawa. Kaya trabaho niyang poprotektahan ito hanggang sa huli niyang hininga.

"Ama?" ang maya-maya'y tanong pa ni Lexy ng wala sa kanila ang sumagot sa katanungan nito.

Napabuntong hininga naman ang kanilang ama bago ito sumagot.

"Mabuti pa sigurong umuwi na lang muna tayo, Lexy. Nahimatay ka kanina dahil sa pagiging sensitibo mo sa mga 'di pamilyar na dominanteng pheromones." ang paliwanag ng kaniyang ama. "Tutal, mukhang wala pa namang katiyakan kung kailan magaganap ang pormal na koronasyon ng iyong kapatid." ang may halong diing dagdag pa nito.

"Pero.. kakarating pa lang natin rito ama. Nais ko pa sanang makasama ng matagal si Luci dahil matagal rin kaming nagkahiwalay."

'Di naman mapigilang mapatiim bagang ni Lucien matapos marinig ang sinabi ng kaniyang kambal. Dahil sa totoo lang, mula noong isinilang sila ay ngayon pa lamang sila nagkahiwalay ng ganito katagal. Naiinis siya sa kaniyang sarili dahil hindi niya man lang naisip ang magiging epekto niyon sa kaniyang kakambal. Kanina lamang niya nalaman ang tunay na dahilan kung bakit hindi natuloy ang mga ito makarating noong nakaraang linggo.

Na hindi lamang iyon sa kadahilanang nalaman nilang buntis ito, kundi dahil na rin sa panghihina nito dahil sa epekto ng pagkakalayo nilang dalawa. At kahit pinagbawalan itong bumiyahe ng malayo ay nagpumilit pa rin itong sumama para lamang makita siya.

"Sa tingin ko nga ay iyon rin ang magandang gawin, Lexy. Baka mapaano ka pa kung magtagal pa kayo rito " ang pagsegunda ni Lucien sa kaniyang ama.

"Tama siya Lexy, kung sakaling maging maayos na iyong kalagayan, ay saka na lamang tayo muling dumalaw kay Lucien." ang pagsang-ayon pa sa kaniya ng kaibigan niyang si Derex. "Isa pa, tingin ko naman ay hindi papayag si Luci na wala ka, sa kaniyang koronasyon."

Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin kinakausap si Derex kahit na ba ilang beses na nitong tinangkang makipag-ayos sa kaniya. Naipaliwanag na rin naman sa kaniya ng kaniyang ama kung ano ang nangyari ngunit hindi niya pa rin talaga magawang masanay na makitang malambing ang mga ito sa isa't isa. Lalo na sa tuwing nakikita niyang nagiging madikit ang kaniyang kaibigan sa kaniyang kambal—hindi niya mapigilang lumabas ang pagiging overprotective niya kay Lexy.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon