Lycan XXII: Ang Luna

5.2K 227 23
                                        

Lycan XXII: Ang Luna.


DALAWANG ARAW NA LANG. Dalawang araw na lamang ang hinihintay ni Calix bago niya tuluyang maangkin na ang batang alpha— ang kaniyang mate— ang kaniyang luna. Dalawang araw na lang at makukumpleto na rin sa wakas ang kanilang mating bond. Dalawang araw na lang at pang habang buhay na itong magiging sa kaniya.

Dalawang araw na lang sana.

Ngunit dahil sa naganap na pag-atake sa kaniyang kaharian ay mukhang mauudlot pa iyon, sapagkat bilang hari, ay mas priyoridad niya pa rin ang kaligtasan ng kaniyang nasasakupan. 

Mariin siyang napapikit at napahilot sa kaniyang sentido nang muling pumintig na naman iyon sa sakit dahil sa labis na pagka-irita. Pagka-irita dahil sa gulong umusbong at pagkairita sa matinding siphayong kaniyang nararamdaman sa  paghihintay sa muli niyang pagmamarka sa batang alpha, na dinagdagan pa ng posibilidad na maudlot ang kaniyang pagselyo sa markang ibinigay niya rito.

Liban pa roon, habang papalapit nang papalapit ang pagsapit ng ika-pitong araw ay patindi rin nang pantidi na epekto ng mating bond sa kanila ni Ceros. Isang epekto na unti-unti nang gumugulo sa kanilang sistema at paraan ng pag-iisip. Kung alam lamang ng batang alpha kung gaano nakakaakit at nakakabaliw sa kanilang pang-amoy ngayon ni Ceros ang halimuyak ng pheromones nito, at kung paanong magdulot iyon sa kanilang pakiramdam ng kakaibang nakakakalmang epekto. Kung alam lamang nito kung gaano katindi ang epekto sa kaniya ng ultimong presyensya lamang nito.

Na kung maaari nga lamang niya itong igapos sa kaniyang katawan, ay sa malamang, ay ginawa na niya. Dahil sa bawat paglipas ng mga oras, ay mas lalo ring tumitindi ang pagnanasa nilang muli tuluyan na itong markahan — handa man ang katawan nito o hindi — sa gusto man nito o hindi. Mas lalo pang sumidhi ang pagnanasang nilang iyon noong pakawalan nito kanina ang isang nang-aakit na pheromones,  na siyang senyales, na unti-unti na itong nasa proseso ng paghahanda sa pagtanggap sa kaniyang permanenteng marka.

At kung hindi nga lamang niya alam na hindi pa lubusang handa ang katawan nito na tanggapin ang huli at permanenteng niyang marka ng mga oras na iyon, ay baka minarkahan na nila ito ni Ceros kanina. Wala naman silang ibang nais na gawin kun'di ang mamarkahan na ito at tuluyan nang mapa sa kanila, nang sa gayon ay kumalma at mawala na ang kanilang pangamba. Pangamba na maaaring makawala pa ito mula sa kanila. Dahil kung tutuusin ay hindi pa rin ito tuluyang nakatali sa kanila— na wala pa silang pinanghahawakan iba upang matali ito sa kanila maliban lamang sa pagbabanta nila sa kaligtasan ng kakambal nito.

Bagaman hindi niya sigurado kung nararamdaman rin ni Lucien ang matinding paghila ng mating bond sa pagitan nila, o ang mga unti-unting pagbabagong nagaganap sa katawan nito— subalit nakakatiyak siyang sa mga sandaling ito ay batid na nito ang tuluyang nang pagtanggap ng katawan nito sa kaniyang marka. Napakibot naman ang gilid ng kaniyang labi at halos mapangiti dahil sa isiping iyon, pero sa kabila ng kasiyahang kaniyang naramdam ay nanatili pa ring blanko ang kaniyang mukha.

Napadilat naman siya nang maramdaman ang mataman at kalkuladong mga tingin ni Lucien sa kaniya. Kasalukuyan itong nakaupo sa gilid ng kanilang higaan habang suot-suot ang ibinigay niya rito kanina na isang mahabang kapa na mayro'ng panaklob sa ulo. Kulay pilak ang labas ng kapa habang kulay pula naman ang loob niyon. Makikita namang nakaburda sa likuran ng kapa ang isang mukha ng lobo na kawangis ni Ceros gamit ang isang mamahaling kulay gintong sinulid, habang gawa naman sa maitim na kulay abong balahibo ang bawat gilid ng kapa, mula sa panaklob hanggang sa laylayan nito.

Tulad nito ay nakasuot din siya ng isang mahabang kapa katulad ng suot nito subalit sa halip na kulay pilak, ay kulay itim ang labas ng kapang kaniyang suot habang kulay pilak naman ang sa loob. Nakaburda naman sa likuran bahagi gamit ang isang mamahaling kulay gintong sinulid ang isang mukha ng lobo na kawangis ng kaniyang lobo. Gawa rin sa maitim na kulay abong balahibo ang bawat gilid ng kapa niya, mula sa panaklob hanggang sa laylayan. Sa ngayon ay hindi pa sila umalis dahil hinihintay niya pa ang abiso ng kaniyang Beta patungkol sa karuwaheng pinahanda niya sa mga ito.

Fighting For Dominance (BL Novel/MPREG)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon