Ishamar's POV
Napahikab ako habang naglalakad pababa ng hagdan. Hating gabi na at naalimpungatan lang ako dahil sa panunuyo ng aking lalamunan. Tumungo ako sa kusina at binuksan ang malaking refrigerator. Agad namang tumambad sa aking harapan ang punong-puno na pagkain at inumin sa loob, pero ang tangi kong kinuha ay ang pitsel ng tubig.
I could live here as much as I want.
Matapos ang pagkain namin sa labas kanina ay may ilan lang kaming inasikaso at kalauna'y binilhan ako ni Heze ng sandamakamak na mamahaling damit. Bukod pa roon ay binigyan niya rin ako ng sariling kwarto na nasa second floor, well hindi rin naman nagagamit ang mga kwarto at dadalawa lang kami rito. Malawak ang kwarto at may malaking kama kaya pagkauwing-pagkauwi ay agad akong nakatulog, dulot na rin ng pagod.
Dumoble rin ang linis ng paligid pagkauwi namin, paniguradong kagagawan ng mga inutusan ni Heze, at mukha namang walang nawalang kahit ni kutsara at tinidor. Mukha ngang mapagkakatiwalaan talaga sila... o baka naman matagal na silang utusan ni Heze?
But who cares? Wala ni isa sa kanila ang nakikipag-usap ng kaswal kay Heze kaya paniguradong hindi nila masasabi ang opinyon nila tungkol sa akin, at magpahanggang ngayon ay wala ni katiting na pagdududa si Heze. Actually, sobrang open pa nga niya.
Pabalik na sana ako sa aking kwarto dahil gusto ko na ulit higaan ang malambot na kama, pero hindi ko pa nararating ang hagdan ay nakarinig na ako ng kalabog mula sa kung saan kaya naman agad kong inilibot ang aking paningin upang hanapin kung saan iyon nagmula. Tunog kasi iyon na para bang may nauntog ng malakas at si Heze lang naman ang kasama ko rito kaya baka may nangyari na sa kaniyang masama.
Right. Natulugan ko siya. Wala ring kwarto sa first floor at hindi naman siya makakaakyat sa second floor dahil sa wheelchair niya... f*ck!
"Heze?!"
Tumingin ako sa paligid ngunit hindi ko naaninag ni anino nito. Wala naman sa kusina, sa sala, gayundin sa banyo at dining area. Wala na rin akong narinig na ingay. Baka guni-guni ko lang iyon?
Nagkibit-balikat na lang ako at babalik na sana sa itaas nang—
"Tulong!"
Agad akong napatingin sa isang pinto sa 'di kalayuan. Ang pintong iyon... hindi ko pa napapasok iyon dahil noong naglilinis ako ay nakalock ang pinto at ang pagkakaalam ko ay pinto iyon patungo sa basement.
Nagsimula akong maglakad ng mabagal patungo sa pinto. Nilalamon ng kuryosidad ang buo kong isip dahil sa narinig. Sigurado akong boses iyon ng babae, pero... bakit siya humihingi ng tulong? O nananiginip lang ako?
Imposible.
Hinawakan ko ang doorknob at inikot iyon. Natigilan naman ako nang mapansing hindi na ito nakalock at sa hindi malamang dahilan ay bigla na lang akong nakaramdam ng kaba sa aking dibdib. Parang may mali. Parang hindi tama na nandito ako. At parang... may kung anong matalim na mga matang nakatingin sa akin mula sa 'di kalayuan.
Hindi ko maipaliwanag pero... patuloy ko pa ring inuwang ang pinto.
Agad naman akong napatalon sa gulat nang bigla na lang tumakbo palabas ng pinto ang dalawang itim na pusa. Put*ng*na! Napapikit agad ako at napahawak sa aking dibdib dahil sa sobrang lakas ng pagtibok ng aking puso. Pakiramdam ko ay saglit akong inatake sa puso dahil sa mga p*nyet*ng pusang iyon.
Muli ko namang sinilip ang hagdan pababa pero tanging kadiliman lang ang nakikita ko mula sa baba. May hagdan dito kaya imposibleng pumarito si Heze. Pero kung hindi si Heze iyon, then sino? At 'yung boses—
"Did you rest well?"
Muli akong napatalon sa gulat at nilingon ang nagsalita. Nakangiti lang si Heze na nakaupo sa kaniyang wheelchair na nasa aking likuran. "You look surprised. Did you saw a ghost?" ani pa nito kaya naman hinarap ko siya at sinamaan ng tingin.
BINABASA MO ANG
Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]
Mystery / Thriller[MEPHISTO BOYS CLUB SERIES #2 Hezekiah Ivanov] One that suck people's wealth by scam, and one that kill people without letting a blood out. What will happen if these two met and started to live together as a family? When Ishamar Laksamana, a 19 yea...