CHAPTER 21: Dance Contest

42 1 0
                                    

Ishamar's POV

I was busy tapping my finger while listening to our music. Isinandal ko ang aking likuran sa pader at ipinikit ang aking mata, pero nabulabog naman ako nang may humugot ng earphones ko sa tainga. Nakita ko naman si Sir Jakob.

"What?" mataray kong tanong. May inginuso naman itong pwesto kaya napatingin ako roon. Mula sa 'di kalayuan ay nakatayo si Bryce. Nakatingin ito sa stage at pinapanood ang kasalukuyang sumasayaw.

"Can you handle him?" tanong ni Sir Jakob na sininghapan ko at tumayo na. Hindi na ako sumagot at naglakad na palapit kay Bryce. Tumayo ako sa likuran nito at humalukipkip habang pinapanood din ang iba sa itaas.

"Are they good?" untag ko dahilan upang mapatingin ito sa akin, pero bumalik din ang kaniyang paningin sa harapan.

"Umm," tipid niyang sagot habang tumatango.

Huminga ako ng malalim at inakbayan siya. Pinaglaruan ko ang salamin nito sa mata habang sinita niya naman ako. "I told you to wear contact lense. You'll drop this for sure," saad ko at tinanggal iyon sabay tinignan ang kaniyang mukha. "I won't get easy on you now just like what we did in those practice. After all, this is the day I'll show 'em all what I've prepared."

Hindi naman umimik si Bryce at napayuko lang. Kitang-kita sa kaniyang mata ang kaba at pag-ooverthink sa sitwasyon namin ngayon. Well, I understand the pressure, this is the day of the contest after all.

"Ishamar," mahina nitong sambit at huminga siya ng malalim sabay nilingon ako. "What if—"

Kapwa kami natigilan at nanlaki ang mata dahil sa biglaang pagdampi ng aming labi. Mabilis naman akong bumitaw sa kaniya at napakurap-kurap. Wait... our lips... we kissed! We f*cking kissed! Besides Heze I just kissed another man!

"I... If you want to say something let's go far from here, I can't hear you clearly," pagbabalik ko sa usapan at pinangunahan na ang daan paalis. Panay lang ang pagngiwi ko at paghampas sa aking noo. It was an accident though but I feel so uncomfortable, I mean... this guy... who's been arguing with me the whole time we've been together.

Forget it, Ishamar.

You're here to dance, not to flirt.

Nang makarating na sa ilalim ng isang puno kung saan hindi na marinig ang tugtog mula sa stage ay hinarap ko na si Bryce. Nakayuko ito at pinaglalaruan ang kaniyang daliri. Mukhang natabunan na ng kaba at pag-ooverthink niya ang nangyari kanina. I guess it's fine. Hindi kami pwedeng umakyat ng entablado na nahihiya sa isa't isa.

Hindi ako nagpupuyat kakapunta sa bahay niya para magpractice at umuwi ng alas dose ng gabi para lang mapunta ang lahat sa wala. 'Yung mga pagtitimpi ko na suntukin at sipain siya sa tuwing nagrereklamo siyang pagod na gayong ang hina niya sa memorization. At ang sakit sa ulo na nakuha ni Sir Jakob habang pinapanood kaming nag-aaway.

"So? Is this your first time joining a dance competition?" panimula ko sa usapan na tinanguan niya. "Then why did you enroll to a dance lesson if you think you're not ready to join a dance competition?"

Nag-angat naman ito ng mukha pero pinanlisikan niya ako ng tingin. "I thought I'll be fine. I thought everything will be okay. That the level of nervousness will be the same on how I compete to quiz bees and other competition, but... this nervousness... it's unbearable," lintana nito at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga. "I feel like I don't need to set my foot on top of the stage. I'll just stand there to make them laugh."

"Oh? So you're thinking that the restless nights we shared together are just practice to make 'em laugh? What are we? A comedian?" hayag ko at humalukipkip habang pinapanood siya. Wala siyang kaimik-imik at mukhang mas lalo lang lumalala ang kaniyang kaba kaya naman huminga ako ng malalim. "Have you already group with your classmates who's dumb and useless?"

Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon