Roderic's POV
"Ugh, ang init!"
Kanina pa ako rinding-rindi sa mga reklamo ng kasama ko. Kasalukuyan kaming nagroronda sa paligid since maraming kaso ng pagnanakaw sa lugar na kinalalagyan namin ngayon. Inutusan lang ako ng chief dito at napilitan lang ako. I'd be more interested if this place has murder case.
"Bumalik na kaya tayo?" suhesyon ni Tedd, ang pulis na kasama ko, pero hindi ako sumagot dahil abala ako sa pagbabayad ng binili naming inumin sa convenient store. Nang makapagbayad na ay lumabas na kami. Iniabot ko naman sa kaniya ang malamig na nakaboteng coke na mabilis niyang tinanggap at uminom.
Pampawi man lang sa reklamo niya.
"Nga pala," pagbubukas ko ng usapan. "May balita na ba kayo sa imbestigasyon patungkol doon sa natagpuang bangkay sa isang condo nitong nakaraang buwan?"
Narinig ko kasi na isa siya sa mga pulis na rumisponde para mag-imbestiga sa kasong iyon. After all, it was the sole reason why I transfered to my station now.
To investigate that newborn serial killer.
Mabilis na nangasim ang mukha ni Tedd nang marinig ang sinabi ko. "Wala. Masyadong malinis ang crime scene gaya ng iba," sagot nito at sumandal sa railing. "Hindi pa rin matukoy ang gamot na itinurok sa katawan ng biktima para mapigilan ang pagdaloy ng dugo. Nagkataon din na under maintenance ang mga CCTV kaya walang nahagip ni anino ang kasama ng biktima na pumasok sa gusali ng kaniyang condo. At bukod doon, hindi pa rin namin alam ang ibig sabihin ng markang naiwan sa dila ng mga biktima," mahaba nitong pahayag na tinango-tanguan ko naman.
"Wala bang naitalang bagong kaso?"
"Why do you sounds like you want a new dead body to show up?" singhal nito kaya naman tinignan ko siya.
"More cases might lead us to light," hayag ko na nireklamuhan niya pero hindi na ako sumumbat. I mean, of course I'm not wishing for that killer to kill a lot of people, but also... there's this part of me that doesn't bother to step on the mountains of dead body...
I only want to know who that killer is.
Tinapal ko ang mukha ni Tedd nang marinig na tumunog ang phone ko. Inilabas ko naman iyon at nakita ang isang text message. It was an address of someone.
"What is it?" takang tanong ni Tedd at sumilip sa phone ko. "Oh, sa kabilang kalye lang 'yan ha. May trabaho ba tayo riyan?"
Suminghap na lang ako at ibinaba ang aking cellphone. "Ako na ang pupunta roon at mag-stay ka lang dito. May iche-check lang ako saglit at babalik ako agad," hayag ko na sininghapan ni Tedd. "Pagkabalik ko ay pwede ka nang bumalik sa station at ako na ang bahala rito," dagdag ko kaya mabilis na nag-iba ang pakikitungo niya.
Tuwang-tuwa itong pumayag bago nagpaalam. Talagang gusto niya lang bumalik sa opisina niyang de aircon. Ewan ko ba sa mga pulis sa station na napuntahan ko. Kung hindi nababayaran, maaarte naman.
Nakapamulsa lang akong naglalakad sa gilid ng kalsada. Sinundan ko lamang ito hanggang sa hindi nagtagal ay nakarating ako sa aking paroroonan. Mula sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang isang lumang apartment na katabi lamang ng junkshop.
"Boss, anong sa'tin?"
Nilingon ko ang nagsalita at nakita ang isang lalaki na natayo. Umiinom ito ng soft drinks na nakasuot at sumisipsip sa straw, samantalang sa kabilang kamay nito ay hawak-hawak ang nakasinding sigarilyo. Bukod pa roon, wala itong suot na damit pang-itaas.
"Ah boss, may kilala ka bang may apelyidong Laksamana rito?" tanong ko. Mukha namang may alam ito dahil sa mabilis na pagngiwi ng kaniyang mukha.
"'Yung mag-amang Laksamana? Syempre naman kilala sila rito. Ikaw ba naman ang araw-araw na pagtanungan ng mga taong pinagkakautangan nila," tugon nito at umihip sa kaniyang sigarilyo.
BINABASA MO ANG
Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]
Mystery / Thriller[MEPHISTO BOYS CLUB SERIES #2 Hezekiah Ivanov] One that suck people's wealth by scam, and one that kill people without letting a blood out. What will happen if these two met and started to live together as a family? When Ishamar Laksamana, a 19 yea...