CHAPTER 2: Beast of Wealthiness

81 2 0
                                    

Ishamar's POV

Napakamot na lang ako sa aking batok habang naglalakad palabas ng hospital. Sinulyapan ko naman sa harapan si Heze at nakita itong nakikipag-usap sa isang nurse na siyang nagtutulak sa kaniyang wheelchair. Well, hindi niya naman kailangang ihatid pa kami rito sa labas pero mukhang gustong-gusto niya talaga si Heze kaya wala ng umangal.

After staying for the whole 5 days here, ngayon ay pwede na siyang umuwi at sa bahay magpagaling. Pero kailangan pa rin nito ng regular check up, therapy, at ang dire-diretsong pag-take ng gamot.

"Ishamar!"

Bumalik sa reyalidad ang aking pag-iisip dahil sa pagtatawag ni Heze kaya naman nilapitan ko na ito at tumayo sa kaniyang tabi. Namaalam na ang nurse at bumalik na sa loob. For sure ay late na siya sa pag-check niya ng ibang pasyente dahil inuna niya pa ang pakikipagharutan kay Heze.

"Won't you bring any clothes with you? You'll gonna stay in my house, right?" hayag ni Heze na nginiwian ko at nag-iwas ng tingin.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makauwi. Sinubukan kong bumalik sa bahay pero mukhang wala na talagang pag-asang makabalik pa ako dahil naninirahan na sa loob ng apartment namin ang mga lalaking nakautangan ni tanda, hinihintay na may babalik na isa sa amin.

"I see," bulalas naman nito dahil sa hindi ko pagsagot. "Anyways, won't they get worried?"

"Hindi 'yan," agad kong sagot at hinakawan ang balikat nito sabay yumuko. "Aalagaan naman kita. Wala namang delikado sa pag-aalaga sa'yo, diba?" hayag ko na hindi niya inimikan at nakatingin lang ng malalim sa aking mata. Agad naman akong nakaramdam ng pagka-ilang kaya tumayo na ako ng maayos at tumikhim.

"Nga pala, hintayin mo na lang ako rito at magtatawag ako ng—"

"Hezekiah?"

Agad akong napatingin sa nagsalita at mula sa 'di kalayuan ay natanaw ang isang babae. Mabilis na lumawak ang ngiti sa labi nito at nilapitan kami. Tinabig niya pa ako para paalisin sa harapan ni Heze at yumakap ito.

Just as expected, isa siya sa mga babae ni Heze.

"I'm glad I see you here! I thought you're not planning to come back here in the Philippines since you've said that you'll stay for good in Russia," lintana ng babaeng tinawag ni Heze na Umiko, she's a Japanese woman.

Since pauwi na kami ay nagpresinta itong ihahatid kami at agad namang pumayag si Heze kaya hindi na ako nakaangal, kaya naman kasalukuyan kaming nasa loob ng kaniyang sasakyan.

"I changed plans," tipid namang sagot ni Heze habang nakatingin lang sa labas ng bintana. Pinanood ko lang siya at napansin sa mga mata nito na... hindi siya interesado sa usapan nila. He looks bored.

I know. We're not yet that close but in the whole five days I've been with him, I observed how he look to other people and now I can determine if he's interested to the person he's talking to, or not. O pwede ring mali ako since lahat ng mga babaeng tinignan niya ay ikinama niya. Pwede ring hindi siya interesado na ikama ang isang 'to, or tapos na?

Ngumiwi na lang ako sa naging takbo ng isip ko. Bakit pa ba ako nag-iisip ng ganito? It's none of my business, right?

Nagsimula namang magtanong si Umiko patungkol sa kung ano ang nangyari at naka-wheelchair ngayon si Heze, pero hindi lang umimik si Heze kaya ako na ang sumagot kaya naman kaming dalawa ang nagkausap sa buong biyahe samantalang nakatulog na si Heze sa kaniyang kinauupuan.

"Ah, salamat ulit sa paghahatid sa amin," saad ko nang makalabas na kami ng sasakyan.

"Kinishinaide. I'll always give a lift if it was for Heze," sagot ni Umiko at ngumiti na ikinatigil ko. "Then, I'll go ahead." Namaalam muna ito kay Heze na humihikab pa lang bago siya bumalik sa kaniyang sasakyan at pinaharurot na iyon palayo.

Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon