Ishamar's POV
"Ishamar, are you sure about this?"
Hindi ko inimikan si Sir Jakob. Nagsindi lang ako ng sigarilyo at tumingala upang pagmasdan ang madilim na kalangitan. Tahimik na ang paligid at wala ng katao-tao, pero heto ako't nasa labas pa lang ng gate ng eskwelahan.
"We've been here for almost 2 hours already," komento pa nito at suminghap. "Hell! You're so persistent."
Hindi naman nagtagal ay narinig ko ang ingay ng mga estudyante na palabas ng gate kaya napatingin ako roon. Napatingin din ang mga ito sa aming direksyon at napangiwi sabay umiwas ng daan.
Narinig ko pa ang bulungan nila na nagulat daw sila dahil akala nila ay kapre dahil sa usok ng sigarilyo namin ni Sir Jakob.
"What are you two doing here?" pagtataray naman ni Bryce nang makalabas na ito. Mabilis niyang hinugot mula sa aking bibig ang sigarilyo at tinapakan iyon, samantalang pinanlisikan niya lang ng tingin si Sir Jakob.
"It was Ishamar's idea," pagtuturo sa akin ni Sir Jakob dahilan upang bumalik sa akin ang atensyon ni Bryce.
Tumayo naman ako sa aking pwesto at hinarap siya. Mabilis kong hinawakan ang braso nito na agaran niyang ikinangiwi. "You f*cking b*stard, are you really planning to drag me with your incompetence?" singhal ko rito.
"What are you... Ishamar! Nasasaktan ako!" asik nito pero diniinan ko lang lalo ang pagkakahawak sa kaniyang braso.
I just can't take it anymore.
"Ilang araw ka nang hindi uma-attend ng practice. Isang linggo na lang bago ang dance contest pero hindi mo pa nakakalahati ang dance steps. Ang sabi mo babawi ka, pero sinayang mo lang ang mga oras," panenermon ko. Sinita naman ako ni Sir Jakob kaya kalauna'y binitawan na si Bryce.
Hindi ito nakaimik hanggang sa paunti-unting yumuko ang kaniyang mukha. "I understand," mahina niyang sambit sa hangin at bumuntong-hininga. "I'm sorry but... I'm quitting—"
Bago pa man matapos ang kaniyang sinasabi ay mabilis na dumapo ang aking kamao sa kaniyang pisngi na ikinabagsak ng katawan nito sa semento. Pinatunog ko naman ang aking daliri at masama siyang tinignan. "You're not allowed to quit, you *sshole," saad ko at pinulot ang kaniyang bag sabay sapilitan itong pinatayo. "Stand straight. Pupunta tayo ng bahay mo."
"W-what?" gulat nitong sambit at napatingin kay Sir Jakob. Binigyan niya ito ng tingin na para bang sinasabing pigilan ako nito pero nag-iwas lang ng tingin si Sir Jakob.
"Pasensya na Bryce, pero kung tumanggi ako... paniguradong pareho tayong basag ang bungo ngayon," anito.
Iniangat ko naman ang aking kamao. "Do you have any complain?"
Hindi naman ito nakaimik kaya itinulak ko na siya para simulan ang paglalakad. Panay naman ang pagpunas nito sa kaniyang dumudugong pumutok na labi dahil sa pagkakasuntok ko. He deserve more than that.
I mean, I've been practicing all these days. Hindi na ako pumapasok sa mga klase ko at ipinaalam na ilalaan ko na lang sa pagpapractice. Well, the teachers gave me consideration since I have a valid excuse and they always let me do whatever I want, they don't even care if I'll get a straight zero in my exam papers. After all, this contest will carry the school name, not mine. They take pride on me.
No. Not just me, it was also to Bryce.
Ipinaalam na rin ni Sir Jakob si Bryce sa mga teachers niya at pumayag naman ang mga ito pero... ni hindi siya lumilitaw sa mga practice namin, at ang rason? Nakalaan ang oras niya sa responsibilidad niya bilang school president. Dagdag pa roon na isinasali siya sa mga speech, quiz bees, at kung ano-ano pang contest sa ibang schools.
BINABASA MO ANG
Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]
Mystery / Thriller[MEPHISTO BOYS CLUB SERIES #2 Hezekiah Ivanov] One that suck people's wealth by scam, and one that kill people without letting a blood out. What will happen if these two met and started to live together as a family? When Ishamar Laksamana, a 19 yea...