Roderic's POV
Nakahalumbaba lang ako sa manobela habang nakatingin sa harapan. Mula sa 'di kalayuan ay naroon ang malaking bahay. Ito ang eksaktong address na sinabi sa akin ng Chief kung saan nakatira si Hezekiah, ang tumatayong uncle ni Ishamar. At ang lugar kung saan natagpuan si Peggy.
Makita pa lang kung gaano ito kalaki... hindi na ako nagtatakang nagkaroon ng espasyo para pagtaguan si Peggy sa loob without Ishamar's knowing but... I doubt about Hezekiah. It's just... it doesn't fit right at all.
Nagpakawala naman ako ng malalim na buntong-hininga at isinubsob ang aking mukha sa manobela. Ilang araw na akong pabalik-balik dito. Isang araw matapos ang insidente ay nalaman ko ang lugar na'to kaya mabilis akong pumunta pero pinagbawalan akong papasukin ng mga guard sa loob. Ginawa ko iyon sa mga sumunod na araw at ngayon ay pang-isang linggo na akong pumaparito pero hindi pa rin nila ako pinapapasok. Ni hindi ko rin nakita ni anino ni Hezekiah na lumabas.
Tumunog ang aking phone kaya naman inilabas ko iyon at nakitang tumatawag ang chief. Nagpakawala na muna ako ng malalim na buntong-hininga bago sinagot ang tawag.
"Rod, nandiyan ka na naman ba sa mansion ng Ivanov?" Bakas ang pagkainis sa boses nito na hindi ko inimikan. "Napapabayaan mo na ang trabaho mo rito! Ano balak mo ha?"
"I just need to make sure that Ishamar was still breathing," tugon ko at nasapo ang aking noo. "Just give me a little more time. Babalik din ako at tatapusin ang trabaho ko kapag nasiguro ko nang ayos na siya."
Narinig ko naman ang malalim na pagbuntong-hininga ng Chief sa kabilang linya. "Anyways, I have an information about those rapist you brought," anito na ikinakunot ng aking noo. "We haven't received any complain from Hezekiah. Hindi pa siya nakapagsasampa ng kaso sa nangyari kay Ishamar. Kaya naman... pinalaya na nila mula sa kulungan ang limang lalaki."
"Ano?!" malakas kong sigaw dahil sa narinig.
"Alam mong wala tayong magagawa. Oo, eye witness ka sa nangyari pero alam mo ring hindi aandar ang kaso kung hindi magsasampa ang biktima o ang pamilya niya."
Hindi na ako nakaimik at pinatay ang tawag. Mariin kong ikinuyom ang aking kamao at sinuntok ang manobela. I can't take this anymore. If I don't do anything... it was like I'm turning my back to a case that begging for justice.
I ain't like Isaiah and Hezekiah, who both don't care into this.
Bumaba ako sa aking sasakyan at nagsimulang maglakad papunta sa malaking mansyon. Napatingin naman ako sa gate at napasinghap nang makita ang dalawang guard. Nilapitan ko ang mga ito at mabilis silang humarang sa aking daan.
"Ikaw na naman?!" singhal ng mga ito at itinulak ako.
"I need to talk to Hezekiah," diretsahan kong sambit na mabilis na ikinakunot ng kanilang noo. Yeah, they might be wondering. Ilang linggo ko nang pabalik-balik na tinatanong kung pwede kong makita si Ishamar pero hindi nila ako pinayagan, at ngayon ay si Hezekiah na ang hinahanap ko. "I need to talk about Ishamar's case so let me in!"
Nagpumilit akong pumasok pero panay ang pagharang at pagtulak nila sa akin. Huminga naman ako ng malalim at tinuhod ang sikmura ng isa sabay siniko naman ang mukha ng isa. Habang namimilipit sila sa sakit ay mabilis akong tumungo sa gate at binuksan iyon. Papasok na sana ako pero bigla na lang may kamay na humawak sa aking braso. Pinilipit niya iyon patungo sa aking likuran, sinipa ang aking tuhod kaya naman bumagsak ako sa damuhan. Napaungol na lang ako sa sakit.
"Sino ka at anong pakay mo?" tanong nito. Hindi ko makita ang mukha niya kaya hindi ko matukoy kung sino ito. Malakas naman akong napasigaw nang diinan niya ang aking braso sa aking likuran. "I don't like repeating what I just said." May pagbabanta sa boses nito.
BINABASA MO ANG
Psychotic Guardian [Mephisto Boys Club Series #2]
Mystery / Thriller[MEPHISTO BOYS CLUB SERIES #2 Hezekiah Ivanov] One that suck people's wealth by scam, and one that kill people without letting a blood out. What will happen if these two met and started to live together as a family? When Ishamar Laksamana, a 19 yea...